LET ME LOVE YOU MORE
Written by: Emvilla
Lexus tapping his finger on the steering wheel. Kanina pa nakaparada ang kanyang kotse sa parking space sa beach resort. Hinihintay na magising ang dalaga na agad nakatulog pagka -alis nila sa kinainang restaurant kanina.
Pagkatapus nila i-settle ang kasunduan ay hinimok niya itong tumikim sa whisky kaya naka ilang shots palang ang dalaga ay tinablan na ito.
Hinarap niya ito at pinanood ang pagtaas baba ng dibdib. Nakabuka ng bahagya ang mapupulang labi nito. Dumukwang siya upang kintalan ng magaang halik ang tila nag-aanyayang labi nito.
Kumibot-kibot ang mga labi nito na tila nina-namnam ang kanyang halik.
Inulit niya ito hanggang ang dampi ay nagsimulang lumalim. Napa-ungol ang dalaga ngunit nakapikit parin. Bahagyang lumayo si Lexus dito.
"No...don't stop!" Bulong ng dalaga at sinabayan ng hilik.
Natatawang umayos ng upo ang binata.
"Napakalambot talaga ng mga labi niya."
Kinuha ang cellphone at tinawagan ang reception ng resort.
"Wanda, si Lexus ito. May duplicate key ka ba sa cottage ni Gina Ollalia?" Tanong sa nakatalaga sa reception area.
"Mayroon sir."
"Mag-utos ka na buksan ito pati ang AC sa room niya. She's with me at lasing. Thank you!" sabi niya at ini-off ang aparato.
After ten minutes ay karga na niya ang dalaga. "May kabigatan ka ring babae ka, hindi ka naman mataba." Pagkausap niya dito na nangingiti.
Naghihintay ang boy sa labas, agad siya nitong ipinagbukas ng pintuan.
"Salamat. Pakisara nalang ang pinto."
tumango ang boy. Pagkasara ay nilisan na ang cottage.
Dumiretso si Lexus sa kwarto ng dalaga at maingat niya itong ibinaba, pero pagkalapat ng likod ng dalaga sa malambot na kama ay yumapos ito sa leeg ng binata. Iminulat ang namumungay na mata. "Stay with me." Paos na bulong nito.
Nag-init ang pakiramdam ng binata ng malanghap ang mabangong hininga nito na may kasamang amoy ng alak. Pinakatitigan niya ang mapupulang labi na naka-awang.
"Gusto mo bang mag shower para maalis ang hang over mo?" Nagtitimpi na huwag sibasibin ng halik ang mga nag-aanyayang labi nito.
Umiling si Gio at muling ipinikit ang mata.
"I just want to sleep."
"Let me go babe." Anas niya dito.
Lalong hinigpitan ng dalaga ang yakap sa leeg niya at hinila siya. At dahil hindi matatag ang tayo niya ay madali lang siyang sumubsob sa dibdib nito.