LET ME LOVE YOU MORE
Writen by: Emvilla
"Siguruhin mo lang na importante ito Rico." May babala ang tinig ng nabiting si Kapitan sa kanyang tauhan na siyang kumatok.
"Kasi may tumawag sa receptionist, narinig daw nilang tila binabangungot ang occupant dito. Nagkataong naroon ako, kaya nagboluntaryo akong pumarito. Ayon kay Wanda, tumawag ka daw sakanya upang pabuksan ang pintuan dito dahil kasama mo ang nagngangalang Gina." Mahabang paliwanag ng kanyang tauhan.
"But looking at you, mukhang sa sarap binabangungot." Naka-ngising dugtong nito.
Napakuyom ng palad si Lexus, ngali-ngaling suntukin niya ang tauhan sa pang-iistorbo at pagkakangisi nito sakanya.
"Get lost! Baka tanggalan kita ng BAYAG at isabit sa arawan." Mahinang saad niya ngunit nasa mukha ang tinitimping galit sa kaharap.
Binalewala lang ni Rico ang galit sa kanya ni Lexus at humalak na iniwan ito.
Sinipa ng binata ang pinto pasara at ini-untog ng mahina ang ulo sa dahon nito. Pilit niyang kinakalma ang nag aalimpuyong inis sa tauhan sanhi ng pagka-bitin nito.
———————
"Pick up your phone woman, kung hindi babaliktarin ko ang La Trinidad upang hanapin ka." kanina pa niya tinatawagan si Gio dahil ngayon ang araw na napagkasunduan nilang makipagkita sa kanyang ama sa isang restaurant na nasa kahabaan ng Bonifacio Street.
Isang linggo na silang nakabalik sa Bagiuo mula sa La Union. Gusto niya sanang ihatid ito sa sinasabing farm sa La Trinidad, ngunit tumanggi ang dalaga.
Naihatid na niya ang kanyang mama sa Batangas three days ago dahil gusto daw nitong bisitahin ang kaibigang manghuhula.
Naka-ilang dial pa siya nang magpasyahang gamitin ang GPS o Global Possitioning System upang alamin ang kinaroroonan nito.
Nasa isang mall ito kaya dali-daling nagbihis at pinuntahan ang dalaga.
"Kaya naman pala nakalimutan mo ang usapan natin." Salubong ang kilay na diretso ang tingin si Lexus sa dalaga. Hindi pinansin ang kausap nitong lalake sa loob ng isang coffee shop sa mall. Natagalan siyang hanapin ang kinaroroonan nito. Marahil mahina ang signal sa loob kaya di niya makita ang esaktong location nito. Inisa-isa niya ang mga botique at coffee shops. Halos mapugto ang hininga dahil sa tinitimping galit ng makita na masayang masaya ang dalaga sa pakikipagusap sa isang lalake.
"Hi there!" nakangiting bati ni Gio. "Arth, si Lexus. Lexus si Arth." Pagpapakilala ng dalaga sa mga ito.
Saka lang tumingin ang binata sa kasama nito. "Nice meeting you!" Inilahad ang kamay sa lalake. Nakangiting tumayo at nakipagkamay ito sakanya. "Same here pare. Come, join us." Iminuwestra ni Arth ang isang upuan ngunit umiling si Lexus. "I need to go. I'll call you later on." Baling kay Gio na parang limot na ang pinag-usapan nila.
"Sure." Nakangiting sagot nito.
Mabilis niyang sinuri ng tingin ang kaharap. Magandang lalake ito, mas matangkad sakanya ng dalawang pulgada. May kaputian at kita sa hapit na stripe long sleeve shirt ang maskuladong katawan, matangos ang ilong at may malalalim na biloy sa magkabilang pisngi. At ang salita nito ay may twang, mukhang laki sa ibang bansa, naisip niya. Nakaramdam siya ng discomfort at nagpa-alam na sa dalawa.