Chapter 3

2.8K 83 2
                                    

LET ME LOVE YOU MORE

Written by: Emvilla



Hinawi ni Lexus ang buhok na tumatabing sa mukha ng babae.


"Silly!" bulong niya ng mamukhaan ito.


He pump her stomach two times bago ibinuka ang labi ng dalaga. Medyo naiilang siya pero kailangan niyang gawin ito. 


A few more seconds ay umubo ng sunod sunod si Gio. Ibinangon ni Lexus ito upang mailabas ang tubig alat na nainom.

pagkatapus maisuka lahat ng tubig ay nawalan uli ito ng malay.


Pasadsad ang pagtigil ng bangka sa dalampasigan. Mabilis na bumaba si Lexus at tinulungan siya ng lifeguard na ibaba ang dalaga. Lakad takbo ang ginawa ng binata habang karga si Gio na walang malay. Nakasunod ang lalake sakanya.

Inutusan niya itong kunin ang kanyang damit sa pinag iwanan kanina at dalhin sa car park. Mabilis na tumalima ang inutusan habang dumiretso ang binata sa kanyang sasakyan.


"Ummm!" Ungol ng dalaga.

mabilis na iniiwas ni Lexus ang mata sa dalaga sa pag-aakalang magkakamalay na ito. Ngunit makaraan ng ilang sandali ay nilingon niya ito. Nakita niyang tulog parin kaya ipinagpatuloy ang pagtitig sa napaka among mukha nito.


"Your angelic face tells me that you are a good person lady." Bulong niya habang hindi mapuknat ang tingin dito.

Lalo na sa mapupula at hugis pusong mga labi. Ilong na may katangusan at mga pilik matang malalantik na binagayan ng manipis at maayos na kilay.

Ilang beses siyang lumunok upang pawiin ang nanunuyong lalamunan.


"Your lips are so sweet babes." Anas niya ng maalala ang lasa ng labi nito noong nagdaang gabi.


Napaunat siya sa pagkakatayo ng bumiling ang ulo ng dalaga sa gawi niya ay unti unting nagmulat ng mata.


"Huh!" biglang napabangon ito. Tama ang kanyang pakiramdam na may nakatitig sakanya kaya siya nagising sa malalim na tulog. Ngunit nabigla ng makitang wall to wall ang puting pintura ng silid na kinalalagyan.


"Nasaan ako?" Tanong niya at tumingin sa lalakeng nakatunghay sakanya. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata ng mapagsino ang lalakeng salubong ang kilay.


"Anong pumasok sa kukote mo at naisipan mong mag swimming kahit nakainom ka?" Nakasimangot na tanong ni Lexus sa dalaga.


"Ha? Paano mo nalamang nakainom ako?" Naguguluhan ang dalaga sa sinabi ng kaharap.


"Last night at the bar."


"Ikaw yung concern citizen?" Nalala ni Gio ang boses ng lalakeng tumulong sakanya kagabi. Ito nga iyon!

"Thank you for saving me twice last night!" alam niyang ito rin ang sumagip sakanya sa pagkalunod kagabi.


LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon