Chapter 9

2.8K 88 4
                                    

LET ME LOVE YOU MORE

Wtitten by: Emvilla



Masayang sinalubong sila ng mga magulang ni Gio sa Cauayan.


"Pa, Ma, si Lexus. Babe ang mga magulang ko. Pagpapakilala ng dalaga.


'Kumusta po kayo Sir, maddame?"

Nagmano ni Lexus sa dalawang matanda.


"God bless you iho!" Magkasunod na sagot ng mag asawa ng magmano ang binata sa kanila. 


"Tara na at medyo mainit na ang sikat ng araw." Yakag sa kanila ni Judge. Inakbayan nito ang esposa at nagpati-una na sila sa sasakyan na nasa paradahan nang maliit na airport na iyon sa Cauayan City. "Mga 30 minutes lang ay nasa bahay na tayo, kaya pwede kayong umidlip saglit kung gusto ninyo." Saad ng ginang na naka-upo sa unahang bahagi ng sasakyan katabi nito ang esposo na siyang magmamaneho.


Magiliw ang pagtanggap ng mag-asawa sa binata kaya nakahinga ng maluwag si Gio.


Napapito ang binata ng makababa mula sa sasakyan ng masilayan ang maluwang na solar ng mga Ollalia at nasa gitna nito ang two storey house na ang arkitektura ay pinagsamang spanish at modern design. "Your house is beautifull Maddame!" Puri niya sa mama ni Gio nang makababa ito. Kanina, humanga siya sa tanawin na kanilang nadaanan, palayang manilaw-nilaw na dahil malapit ng anihin. Kaygandang pagmasdan lalo pa't maaraw kaya nagkukulay ginto ang kabukiran.


"Thank you iho. Tawagin mo na lamang akong tita o Mama." Nakangiting pahayag ng ginang. "Si Gio ang nagdisenyo nito noong nasa high school palang." May pagmamalaki sa boses na dugtong nito at masuyong tumingin sa anak. "Ang akala ko kung hindi abogsya ay architechture ang kukunin sa kolehiyo, pero Medisine pala ang gusto." Nakangiting dugtong nito.


"Really? Then I am so lucky with my fiancee!" Inakbayan ng binata ang dalaga na bahagyang namula ang pisngi.


Lihim na nagkindatan ang dalawang matanda. "Pumasok na muna tayo at mukhang gutom na ang aking prinsesa." Inakay ni Judge ang asawa papasok sa loob ng bahay.


"Your place is beautiful." Anas ni Lexus sa punong tenga ng dalaga. "We passed CAMP MELCHOR in UPI kanina. I have a commrade na nadestino doon. I will visit him this coming days." 


"Surely mag e-enjoy ka dito at siguradong isasama ka ni Papa sa isa sa mga hearing sa mga kasong hawak niya." Natatawang saad ni Gio. Kilala niya ang ama dahil kahit siya kapag umuuwi ay minsan o dalawang beses siya nitong iniimbitahan upang makinig sa mga pagdinig ng kaso sa branch na hawak nito.


"Walang problema. Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng courtroom.


Masaya nilang pinagsaluhan ang masaganang pananghalian. Pagkatapos ay inihatid ni Gio ang binata sa ookupahing kwarto na ayon sa kanyang ina ay ang katapat ng kanyang kwarto ang gagamitin nito.


"Okey ka na ba dito? Kung may kailangan ka magsabi ka lang sa akin o sa isa sa mga kasambahay."

LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon