Chapter 8

2.6K 95 8
                                    

LET ME LOVE YOU MORE

Written by: Emvilla


Tawa ng tawa si Gio at Haidee sa mga jokes ng kaibigang si Arth. Kapag narito sa Pinas ang binata ay hindi maaaring hindi sila magkakasama sa ganitong okasyon, ang STRAWBERRY FESTIVAL. Nagsisiksikan sila sa counter ng souvenir shop sa harap ng Lodge dahil maraming namimili. May mga fresh strawberry from her farm, at pwede ring ang bibili na mismo ang pipitas ng strawberry sa farm na nasa kabilang daan lang.


Almost lunch time na pero marami parin silang costumer. "Titignan ko lang kung anong menu ni manang." Paalam ni Haidee.


"Pwede ka ng maunang kunain kung gotom kana." sagot ni Gio.


"Sasabay nalang ako sa sainyong dalawa." tinungo na ni Haidee ang kitchen.


"Kailan kaya mauubos ang mga mamimili? Parang ako ang lucky charm ng shop mo ah. Tignan mo, ngitian ko lang ang mga pumapasok paglabas nila 'di na magkanda ugaga sa pagbitbit sa mga pinamili. Ilang beses ng nagdagdag ng stock ang boy mo." Bulong ni Arth sa punong tainga ng kaibigan.


"Heh!, yabang nito." Nakangiting umirap ang dalaga dito. Natawa ang binata at pinisil ang kanyang ilong.


Iyon ang tagpong naabutan ni Lexus pagpasok sa shop. Dahil busy sa paghaharutan ang dalawa kaya hindi siya napansin ng mga ito. "Kaya pala hapon ako pinapupunta dito." Nagkukukot ang kalooban na muling lumabas ito. Sasabayan sana niya itong mananghalian pero sa nakikita niyang harutan ng dalawa baka hindi siya mapansin ng dalaga. 


Nakaramdam ng panibugho si Lexus." Walang kang karapatang magselos soldier. This is not you!" Kastigo sa sarili at umalis na sa lugar na iyon. Babalik nalang siya mamayang hapon.


"Si Lexus ba 'yung kaaalis lang?" Tanong ni Haidee ng makabalik mula sa kusina. Muling lumabas upang hanapin ang tinutukoy ngunit likurang bahagi nalang ng sasakyan ng binata ang naabutan niya, muling pumasok sa shop.


"Siya nga!, at bakit umalis agad 'yun?" Naguguluhang tanong niya kay Gio.


"Huh?, hindi ko nakita. Nasaan na siya?" Nawala ang ngiti ni Gio.


"Umalis na ang sasakyan nalang niya ang nakita ko, nasulyapan ko siyang palabas ng shop kanina kaya nagtaka ako." Naiiling na sagot ni Haidee.


"I smell something here. Baka nagselos sa akin ang inyong KASINTAHAN." may diin ang huling salita na saad ni Arth. Binigyan ng babala ni Gio ito sa pamamagitan ng tingin na agad naman nakuha ng binata.


"Ano ba ang mayroon dito at ganyan ang tinginan ninyo? Sandali lang akong nawala, ah." Palipat lipat ang tingin sa dalawa na tanong ni Haidee.


"Excuse me, tatawagan ko lang siya." Pagpapa-alam ni Gio sa dalawa.


Nagkibit balikat lang si Arth at si Haidee naman ang kinulit ng kinulit.


"Hi!, bakit ka umalis kaagad?" Bungad ni Gio ng sumagot ang binata.

LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon