Chapter 14

2.6K 92 3
                                    


LET ME LOVE YOU MORE

Written by: Emvilla



Kibuin dili ni Gio ang asawa habang tumitingin ng ready made na trahe de boda sa ROCKWEL. Nagulat siya sa presyo ng napili nito mahigit isang daang libo! Tumanggi siya ngunit sinabihan siya nito ng, "Hindi man engrande ang kasal natin, gusto ko paring ibigay sa'yo ang nararapat kaya huwag mo ng tanggihan." Kaya sumunod nalang siya sa sales clerk ng akayin siya upang i-fit ito. Konting adjustment lang ang kailangan kaya babalikan nila kinabukasan.


"You've been too silent!, is it about Sandra?" Di makatiis na tanong ni Lexus ng papubta naman sila sa jewelry shop upang bilhin ang kanilang wedding ring.


Yumuko si Gio at umiling. "I don't know."


"We will talk later at home." Seryosong sabi ni Lexus, ginagap ang palad ng asawa at iginiya papasok sa isang sikat na jewelry store.


"Hello ma'am, sir! May I help you?" Salubong ng sales lady pagasok nila sa shop.


"We are looking for a wedding ring." Sagot ng binata.


"This way please." Dinala sila ng babae kung saan naka-display ang mga naggagandahang sing-sing at nagpapaligsahan ang kislap ng mga brilyanteng nakapalamuti.


"Pumili kana kahit aling disenyo ang gusto mo. May titignan lang ako sa banda roon." Paalam ng binata. Tumango si Gio na busy sa pagkilatis sa mga sing-sing. 


Isa't kalahating milyon din ang binayaran ng binata kasama na ang engagement ring. 


"Too expensive!" Naiiling na turan ni Gio at itinaas ang kamay kung saan isinuot ng asawa ang biniling engagement ring.


"That is not the expensive one pero gusto ko ang design para sa'yo." Saad ni Lexus. "Let's have early dinner now, what do you think?" Tanong sa asawang 'di mapagkit ang tingin sa palasingsingan.

Nakangiti ang binata dahil nakikita niya ang saya sa mukha nito

________


"Now, tell ne what's the matter babe." Bulong ni Lexus sa asawa habang nakahiga na sila sa kama. Hahalikan sana ito ngunit umiwas si Gio.

"Magsalita ka naman. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo." Mapagpasensiyang dugtong niya.

Nasa mansion sila ng mga Ollalia sa Alabang. Dito sila tumuloy mula ng lumuwas sila dahil walang bahay ang binata sa kamaynilaan. He'll see to it na maipagpatayo niya ang asawa ng sariling bahay oras na maayos ang paglipat sa Camp Aguinaldo pagkatapus ng kasal.


"Marami pa talaga tayong hindi alam sa isa't isa. Ilang kagaya ni Sandra pa kaya ang ma-e-encounter ko?"


"They are my past, ikaw ang aking ngayon at future. Sana huwag mong sarhan ang isip mo."


"Bakit ka nakikipaghalikan sa kanaya kanina?"


"Siya ang humalik sa akin, you saw that." may irita na sa tinig ng binata dahil sa walang katwirang tanong nito. "At sinabi ko na sa'yo na IKAW lang ang aking mahal. Hindi man maganda ang ating umpisa sisikapin kong maging maayos ang ating buhay may asawa."

LET ME LOVE YOU MORE by: EmvillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon