LET ME LOVE YOU MORE
Written by: Emvilla
Pasado ala-una na nang magising si Gio. Kumilos siya ngunit parang kaybigat ng katawan niya. Napa-awang ang labi ng makita ang mabalahibong braso na nakayakap sa kanya. Napabalikwas ng bangon ang dalaga, pero sa ginawa niya ay kumirot ang gitnang bahagi ng katawan. Nawindang ang isip at hindi agad maalala kung anong nangyayari kaya lumingon siya sa katabi. Unti-unting luminaw ang alala niya sa nangyari kagabi. Mali kaninang madaling araw pala. Marahas na ibinagsak ang katawan pabalik sa higaan, pero laking pagsisisi sa ginawang kilos dahil nadagdagan ang sakit sa pagitan ng hita.
"Hmmm..." nag-inat ang binata dahil nagising sa marahas na pagkilos ng katabi. Muling niyakap ang dalaga. "What time is it babe?" Paos ang boses na tanong nito.
Lumingon ang dalaga sa bedside table. Ki abahan ng makitang halos ala-una na pala. Maaring dumating na ang kanyang mga magulang mula sa seminar. Natutop ang mga labi at napabulong ng, "Oh my God!"
"Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin kagabi?" Naipagkamali ng binata ang reaksiyon ni Gio.
Kinapa ng dalaga ang damdamin kung may pagsisisi ba siyang nararamdaman. "No, I will going to diacard my virginity sooner anyway, kaya what is there to be regret of?" Lingon niya sa binata. Big mistake, dahil agad na sinalubong ang kanyang labi at binigyan ng makapugtong hininga na halik.
"Good morning babe!, thank you so much you make me complete." bulong ng binata.
Namula ang pisngi ng dalaga. May hinihintay siyang kasunod na sasabihin nang binata but to her dismay ay wala itong binigkas na kahit ano maliban sa niyakap siya nito ng mahigpit at ibinaon ang mukha sa kanyang buhok.
"Baka dumating na sina papa. Magsa-shower lang ako at magbibihis sandali." saad niya at inot-inot na bumangon. Nakita ng binata ang pagngiwi nito.
"Is it that bad?"
Tumango ang dalaga habang kagat ang ibabang bahagi ng labi.
Mabilis na bumangon ang binata, hindi alintana ang kahubaran at pinangko ang dalaga.
"What are you doing? Put me down mabuway na protesta nito.
"I'll help you take a bath babe." Hindi pinansin ng binata ang sinabi ni Gio at tuloy-tuloy ito sa loob ng banyo ng dalaga. Nang makita ang bathtub ay umupo sa gilid nito at kinalong ang dalaga habang tinitimpla ang tubig. Nang makontento sa temperatura ng tubig ay isinara ang drainage at hinintay na mangalahati ang tubig bago ibinaba ang dalagang kanina pa nagpoprotesta at gustong bumaba ngunit mahigpit siyang yakap ng binata.
"Soak your body with the warm water, it will help you lessen the pain." Bulong niya at maingat niya itong ibinaba sa loob ng bathtub. Nakaramdam ng awa si Lexus sa dalaga. Kaya minasahe niya ang katawan nito lalo na sa paligid ng kaselanan. Napapapikit ang dalaga sa sensasyong nararamdan dahil sa ginagawa ng binata.