PROLOGUE

1.8K 52 2
                                    

Hi I'm Ash Light Lopez , Ash for short and by the way I'm 21 years old at pandak ako kung ikukumpara sa ibang mga lalaki at yes I'm gay.

For today's pangyayari sa buhayy eh niyaya ako ng isa kong bruha na kaibigan para mag bar daw. Heartbroken ang bruha dahil daw nakita niya yung jowa niyang may kasamang iba at ang malala ay may anak na pala, ayun naging kabit pa ang gaga.

"Ash ano bang ang ginawa kong mali." Saad niya sabay tungga ng baso.

"Putang ina S*s* at matres lang naman ang lamang saakin ng babaing 'yun eh. Mas magaling parin akong kumanta at gumiling sa harap niyaa!!". Saad nito, halatang lasing na lasing na ang bruha.


"Sinabi ko na kasi sa'yong tigilan mo na yung lalaking 'yon Shan. Ilang beses  konang  sinabi sa'yo na mapula pa'yon kay jollibee pero sige ka parin ng sige, dumapa ka parin sa kaniya. Ano ngayon  ? Ginawa kapang kabit putang Ina gumising kana sa katangahan mo!."Saad ko sabay irap. Putakti 'tong lalaking 'to pangatlong beses na'tong umiyak at nag pakatanga sa lalaking 'yun. Itong lalaking 'to naman bulag na bulag. Ang talino sa school pero napaka bobo sa pag-ibig.


"Bat kapa ganyan mag shalita ? Parang hindi mo'ko kaibigan, edi don ka Kay Kai. Mag sama kayo!". Galit na saad nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Shan ganito ako mag salita kasi gusto kong itigil mo nayang pag papakatanga mo sa lalaking yan, ilang beses kana naming pinagsasabihan ni Kai kasi mahal ka namin at gusto namin na itigil mo nayang katangahan mo. Gumising  kana sa pagiging tanga mo, ibalik mo na yung kaibigan namin sa dati. Putang Ina halos hindi na kita kilala, ikaw paba si Shan na palaban, walang kinakatakutan, masayahin at Hindi basta basta iiyak sa Isang tao ? Yung kaibigan naming lagi kaming pinubungangaan? Tangina look at yourself Shan, halos maiikli yang suot mo, halos ibandera mo na yang damit mo. Hindi ka Naman ganyan eh. Bilang kaibigan mo ayukong nakikita kang ganyan. Lugmok, umiiyak at nag papakatanga sa Isang lalaking hindi makita yang worth mo. Tandaan mo sinasabi ko'to because I care for you, Mahal kita Shan kaya stop being like this!!". Gigil Kong saad sa bruhang Ito. Ang tanga tanga.


Umiiyak siya ng malakas at yumakap saakin. 

" Ash ayuko na, Masakit na, pagod na'ko". Iyak niyang turan. Hinawi ko Naman Ang likod Niya.

Palalim na ang gabi saktong pagdating ng kapatid ni Shan para sunduin siya.


"Ash thank you so much sa pag sama sa kapatid ko ah, halika na at sumabay kana saamin umuwi. Gabi narin." Saad ni Kuya Shawn. Umiling naman ako sa kaniya at sinabing mauna na sila. Gusto ko pang mag paiwan saglit, Minsan lang ako lumabas dahil lagi akong babad sa pag-aaral.

Pag kaalis nila kuya ay umalis narin ako at nag lakad, hanggang sa may nakita akong playground kaya nag pasya akong pumunta at umupo sa swing.


Sa hindi inaasahan ay may narinig akong umiiyak, juskoo gusto ko lang naman mag unwind. Pero dahil chismosa ako at dahan dahan akong nag punta sa may slide, kung saan nanggagaling ang iyak. Pag tingin ko sa silok ay may nakita akong bata, umiiyak Ito.

"Bata ayus kalang ?" Saad ko.

"Umalis ka!" Sigaw ng Batang Ito, aba ang attitude. Napairap naman ako at umupo sa may tabi Niya. Mahabang tahimikan ang lumamon sa paligid.

"Bata bat ka umiiyak ?" Saad ko ulit dito.

" Hik— my Mom and Dad is always fighting, and my mom always hit me.. she said kapag nag sumbong ako kay Dad, she will hit my little brothers.. Hik— I don't want that happened. " Hindi ko siya masyadong maaninag dahil madilim pero dahan dahan ko siyang niyakap.

"Shh, iyak kalang. Ayus lang umiyak." Saad ko, pansin ko kasing pinipigilan niya ang iyak niya. Pag kasabi ko non ay umiyak Ito ng malakas habang yakap ako ng mahigpit. Kinalong ko Naman siya and I pat his head.




   ˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆  𓂃˖˳·˖ ִֶָ ⋆🌷͙⋆  ִֶָ˖·˳˖𓂃 ִֶָ˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆

This story is a creation of the author's imagination and should not be considered as factual. The characters, events, and other elements presented are entirely fictional and have no basis in reality.

— InkedRiz.

˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆  𓂃˖˳·˖ ִֶָ ⋆🌷͙⋆  ִֶָ˖·˳˖𓂃 ִֶָ˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆

Babysitting His Three Sons [BxB] [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon