Ash POV
"Yan Bunso pasok na sa loob, wag kang kulit okay." Saad ko sa kanya.
"Opo kuya, good boy po kaya ako "
"Byee bunso " yakap sabay kiss sa pisngi.
"Bye kuya I love you "
"Sweet talaga ng bunso namin. Bye, I love you too bunso " Saad ko at kumaway sa kanya .
Pagkatapos kong ihatid si bunso ay sumakay nako jeep para makapag ng trabaho.
So hito ako ngayon nakatayo sa gilid ng pinto ng coffee shop dahil kanina pako nag hahanap ng trabaho, pero Wala akong mahanap.
Naka tayo ako at tumingin sa paligid. Malay mo may mahanap ako na nakapaskil na wanted, para ako na mag hanap at akin na Yung reward. Syempre chokie lang.
Habang nag lalakad ako at tumitingin sa paligid may nakita akong pitaka . Pinulot ko Ito nang aking buksan marami itong laman na pera nag hanap ako ng ID para maisuli ko Ito sa may ari. May nakita akong picture, ang nasa larawan o picture ay isang imahi ng isang masayang pamilya. Tumingin ako sa paligid ng aking makita yung parang tatay na nasa picture, at para itong may hinahanap Kaya pinuntahan ko siya.
"Mr. Yung wallet nahulog niyo po ata. Ito Po "sabay abot ko sakaniya.
"Nako iho maraming salamat. Akala ko ay hindi ko na makikita ang wallet ko. Iho anong gusto mong kapalit." Saad niya. 'Isang million Po' chokie langgg HAHAHA. Hindi Naman ako mukhang pera, slight lang.
"Nako Mr. wala po akong hinihinging kapalit. Ang pagtulong sa kapuwa ay bukas sa loob, at walang hinihinging kalalit.. mag pasalamat nalang po kayo mas mastipid pa po."
" Nako napaka bait mo naman iho, nga pala iho wag mo sanang masamain pero kanina pa kitang napapansin na tumingin sa paligid na parang may hinahanap. Ano ba ang iyung hinahanap mo iho, baka may maitulong ako." saad nya.
"Aaa yun po ba. Nag hahanap po kasi ako ng trabaho kaya Po tumingin ako sa paligid. Para tumingin ng trabaho na pwedeng applyan.
"Nako sakto iho ako nga pala si Eman Mendoza 43 years old." sabay nakipag kamay. "Nag hahanap kasi ako ng pwedeng mag trabaho sa boss ko." Panimula niya.
" Ako naman po si Ash Gray Light Montero. Ash for short po ". Nakangiting Saad ko . " Nako Mr. Eman, gagawin ko po Ang lahat ano Po bang gagawin ? Mag lilinis Po ba, taga luto, or office Po ba ? Ayus lang po saakin, papatusin ko po. Need ko Po kasi ng pera for my father po."
"Ay napaka bait mo talagang bata .
Oo kasi Yung boss ko nag hahanap ng----" Nako bawal po akong maging sex sle---
"Nako iho Hindi ganon. Hindi ganong trabaho ang papaskan mo. Babysitter ang papasukan mong trabaho. Kung gusto
Mo. One hundred thousands kada buwan ang sahod."Wow naman, bat ang laki ng sahod ? Scam ata si Mr eh.
"Op op, hindi ako scammer ah. Kung nag tataka ka kung bakit napakalaki ng sahod eh babysitter lang Naman. Sa kadahilanang napaka kulit kasi ng mga anak ng boss ko na aalagaan mo. Kung tanggapin mo yung trabaho pang ika labing pito ka nang babysitter nila. "Saad niya. Ang ganon, baka naman ala demonyo anak ng boss nila, chokie lang ulit. Wala naman sigurong batang ganon ka Kulit diba ? Maybe they have a reason. Napatango nalang ako.
"Ganon napo ba sila kakulit at labing limang babysitter Ang napa alis nila ? ang dami po nun." Saad ko.
"Oo iho pero mabait naman talaga sila young master sadyang kulang Lang sila sa pag mamahal, kasi yun mother nila iniwan sila."
"Ay may dahilan pala yung nga bata kaya ganon sila, kung pag mamahal lang po usapan magaling po ako jan. I can give them love that they deserve." Saad ko.
"So iho tatanggapin mo naba yung trabaho ?"
"Nako syempre po tatanggi paba ako eh grasya na po lumalapit sakin ,Ito nga po pala Resume ko. I'm a college graduate teacher Po, if experience Po sa bata Ang gusto niyo, I have a brother Po. Ako po ang kadalasang nag aalaga sa kapatid. So don't worry Po kahit 1 year old baby Po magiging alaga ko Kaya kopong mag palit ng diapers, mag paligo ng bata and more." Confident na saad ko, with taas nuo beh baka Kasi malalag kurona ko. Chokie wala ako non.
"Ay nako iho Ito ang address ng pag tra-trabahohan mo puntahan mo nalang Yan bukas "sabay abot sakin NG maliit na papel.
"Maraming salamat Po Mr. Eman " Saad ko
"Nako Tay Eman nalang iho, tsaka walang ano man . Sige aalis nako pupuntahan ko pa yung boss ko para masabing may babysitter na'kong nahanap "
"Sige Po Tay Eman bye ingat Po Kayo " Sabi ko
"Sige iho bye ingat karin "
END OF THIS CHAPTER
Unedited: August 2, 2023
Edited: June 19, 2024
BINABASA MO ANG
Babysitting His Three Sons [BxB] [UNDER EDITING]
Short StoryOne day, a cold King was being bullied because he was a ugly and fat little King. But a little brave Prince, saved him from the people who were throwing bad words about him. In a blink of the King's eyes, the little brave Prince became his instant h...