THUNDER POV.
Tsk, that stupid guy. Ba't ba nandito siya ? Kainis. Pag katapos namin siyang layasan ay nagtipon-tipon kami ng mga kapatid ko para mag plano kung pa'no namin siya mapapalayas sa bahay.
Pag kapasok ko ng aking silid ay binalot ako ng katahimikan. Dahan dahan akong huminga at ikinuyom ko ang aking kamay para pigilan ang mga tinig na bumubulong saaking isipan. Nanghihina akong umupo sa sahig habang hawak ang ulo sa sobrang sakit.. ayuko ng ganito.
"Walang mag mamahal sayo. Wala kang kwenta. Mas may kwenta pa kuya mo kaysa sayo eh. Bat yung anak ni Marie hindi Naman ganyan, buti pa yung anak ni Marie may kwenta kaysa sayo." Mga tinig na paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan. Pinilit kong hindi 'to pakinggan pero hindi ko kaya. Ang sakit ng mga salita at palo saakin ng kahapon ay ramdam na ramdam ko. Ang iyak ng nakababata kong kapatid, ang sigaw ng aking kuya na pilit na sinasabing 'maawa kayo sa mga kapatid ko'.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, ayuko ng ganito. Pilit kong pinupunasan ang luhang umaagos saaking mukha, ang hikbing pilit kumakawala saaking labi. I'm not weak. Hindi na ako iiyak. Yan ang pilit kong sinasabi sa utak ko upang pigilan ang aking pagiyak. Hindi ko namalayan na tuluyan na'kong tinangay ng dilim.
ASH POV.
Kinagabihan ay tinulungan ko sina Nay Lara sa pag hain sa may dining table. Hindi ko alam pero parang fiesta ang ukasyon Ngayon, Ang daming putahe ang naka hain. Saktong pag lapag namin lahat ng pagkain ay ang pagbaba ng hagdan ng mga amo namin. Sakto din ang pag pasok ng sasakyan sa may gate. Mukang nandito na si boss. Agad namang nagsi takbuhan ang nga bata upang salubungan ang kanilang ama.
"Daddyyyyy." Matinis na sigaw ng pinaka bunso nila. Agad naman itong kinalong ng kaniyang ama.
"Daddy how are you po ? ." Masayang tanong ng panganay sabay agaw ng dalang gamit ng kaniyang ama galing trabaho.
" Daddy how's work ?." Saad ng pangalawang anak at kinuha ang pasalubong ng kaniyang ama.
"I'm okay son, my work is good. How about you guys, hindi naman kayo naging makulit at pasaway habang wala ako dito sa bahay ?." Saad ng kanilang ama.
"Nope, we are good boys." Sabay na saad ng tatlo. Nabaling naman saakin Ang tingin ng kanilang ama, tila nag tatanong kung totoo ba ang sinasabi ng kaniyang mga anak. Kito mo nang tinaasan ako ng kilay ni Thunder, tila nagbabanta na ' lagot ka saakin pag may sinabi kang hindi maganda'.
"Opo ubod po sila ng bait sir, hindi po sila Makulit." Labas sa ilong kong saad. Hindi makulit my ass. Halos pagurin ako ng mga yan katatakbo sa buong bahay habang tangay-tangay nila ang maleta ko. Juskong mga bata, mukang tatanda ako ng maaga. Naloka ang beauty ko.
"Good, let's go eat." Saad ng kanilang ama. Agad namang silang nag tungo sa dining room para kumain.
"Sumabay na po kayong sumabay Nay Lina." Saad ni Boss. Kami boss hindi mo yayain ? Chokie langg. Ng umupo si nay Lina ay tumaas ang kilay ni Boss habang naka tingin saakin.
"Hindi ka uupo ?." Saad nito. Tumingin naman ako sa mga kasama ko, lahat sila naka upo na. Taksill huhu. Nahihiya akong umupo sa may bakanting upuan. Which is sa tabi ng bunsong anak ng boss namin.
Kita kong pilit inaabot ni Haider ang kanin, but sad to say masyadong maliit ang kaniyang kamay para maabot kaya inabot ko Ito at nilagyan ang kaniyang plato.
"Sabihin mo nalang saakin pag kulang Po or kapag gusto mo pa." Mahinang saad ko sa kaniya. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Nako may pinagmanaha. Hindi manlang nag thank you, tsk sungit.
"Anong ulam gusto mo ?." I ask her kasi alam kong hindi niya kayang pagsilbihan ang sarili niya. Umikot ang mata niyo sabay turo ng hotdogs. Nasaniban ba'to ? Napailing nalang ako at kinuha Ito.
" Ano pa." Tanong ko. Pero hindi na niya ako pinansin. Attitude talaga 'tong chanak na'to. So pagtapos kong pagsilbihan si attitude na chanak ay lumantak narin ako. Omg ka beh ang sarap. Ano bang tawag dito sa sabaw na 'to ? Kaya tinanong ko si Luna sa tabi ko. Ang Sabi Niya "Creamy potato soup daw" pero para saakin supas lang Ito na pinaganda Ang tawag.
Pagkatapos naming kumain ay sinahan konang pumunta sa kanila kanilang nga kwarto ang nga chanak. Naiinis talaga ako sa chanak na Thunder na'yon, isara ba naman ang pinto sa mismong mukha ko. Nako unti nalang sira na Ang pretty facelalo ko. Pag katapos ko silang ihatid nag diretsyo ako sa aking kwarto at nag shower na para yummy, chokieee lang nga akla. Kahit hindi ako mag shower macharap parin ako, Bless mga akla.
End Of This Chapter
Unedited: August 2, 2023
Edited: June 20, 2024
BINABASA MO ANG
Babysitting His Three Sons [BxB] [UNDER EDITING]
Short StoryOne day, a cold King was being bullied because he was a ugly and fat little King. But a little brave Prince, saved him from the people who were throwing bad words about him. In a blink of the King's eyes, the little brave Prince became his instant h...