NARANASAN niyo na bang manapak ng isang bakla?
Ako kasi hindi pero baka ngayon, oo. Nanggigigil ako sa kaibigan kong ‘to.
“Alam mo kasi, shunga ka,” sabi niya sabay inom sa kaniyang kape. “Bakit mo tinanggihan? Balita ko pogi ‘yong anak ni Mr. Falcon. At alam mo na, kapag pogi, yummy din.”
I rolled my eyes, typical Shiro. Shiro sa umaga, Shera sa gabi.
“Alam mo, kung wala ka lang rin namang sasabihing matino, aalis na ako bago pa kita masapak.”
“Ito naman ang seryoso. Hanapan nalang kita ng bagong trabaho okay?”
I widely smiled, “Promise ‘yan ha?”
“Oo naman pero dapat may kapalit.”
“Ano?”
“Hanapan mo din ako ng pogi na yummy.”
Sabay kaming natawa.
“Bakit ba kasi hindi ka humingi ng tulong sa parents mo,” maya-maya’y wika niya.
Natahimik ako doon. Ayokong pag usapan ang pamilya ko.
“Oh siya aalis na ako, tawagan mo ako kapag nakahanap ka na ah?” pag-iiba ko sa usapan. Tumayo na ako at kinuha ang bag.
“Teka lang! Bar tayo mamaya?”
“I don't think that's a good idea Shiro.”
“Sige na please!” he pouted.
“Hindi bagay sa’yo, pero sige. Sunduin mo ako sa apartment ko, tinatamad akong mag commute.”
He excitedly nodded. Sabay kaming lumabas sa café na ‘yon.
EXACTLY 7:00 nang matapos akong mag-ayos sa sarili. I’m wearing black backless fitted dress na pinaresan ko ng black stilleto.
I was just waiting for Shiro to pick me up, and while waiting nag-facebook lang ako. Parang may sariling kamay ang aking mga daliri dahil tinunton nito ang search box at itinipa ang pangalang hindi mawala sa aking isipan simula last week.
Zeus.
Doon lang ako natauhan na hindi ko pala alam ang surename ng isang ‘yon.
Napabuntong hininga nalang ako at nag log-out nalang sa facebook.
“Hindi man lang nag text o tumawag,” bulong ko sa sarili. Aminado naman akong na attract ako sa kaniya. Like sino ba naman ang hindi diba? He’s pogi and yummy.
Ay hala, inosente po ako.
“DIANA!” sigaw ni Shiro sa labas.
Muntik na akong mapaigtad sa gulat. I walked towards the door and opened it.
“HINDI BA USO SA’YO ANG KUMATOK HA?!” bulyaw ko agad.
Umingos ito at namewang sa harap ko, “FYI miss señorita, kanina pa ako nandito! Kanina pa ako katok ng katok, masakit na nga ang kamay ko!”
“Ay kanina ka pa? Tara na ba?” I laughed.
“Pasalamat ka at kaibigan kita kung hindi, nako, sinabunotan na kita,” he rolled his eyes. “Let’s go!”
Nauna na siya sa kaniyang kotse habang ako naman ay nilock ang pintuan bago sumunod.
“Saang bar tayo?” tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko.
“Saan pa? Edi sa Bachelor's Bar!”
Bahagya akong natigilan, “What?! Mahal doon!”
“Don’t worry my dear sissy, ako’ng bahala sa’yo!” he winked at me.

YOU ARE READING
Chase Me, Mr. CEO
RomanceDiana Porsche is a woman with a savage personality. Her tounge is sharp like a blade. Karson Caliber Falcon is a cold man with a rude personality.