“GOOD MORNING MISS PORSCHE!”
Malakas ang bati ng mga co-teachers ko habang nag-aayos ako sa aking lamesa sa faculty. Ngumiti at tango lang ang tanging sagot ko.
It’s been a week since I started teaching and working as a janitress. Well, what can I say? I am a multitasker. Nasanay na ako nito noon kaya okay lang.
“Sabay ka ba mamaya sa amin mag lunch Diana?” nakahalumbabang wika ni Beverly. Nakatitig siya ng matagal sa akin na siyang ikinailang ko.
“A-ano, may gagawin kasi ako,” sagot ko na lamang sabay iwas ng tingin.
Napasimangot siya, “Edi sabay nalang tayo sa hapon umuwi, diba sa Rizal street ka? One way lang tayo.”
“Sorry, may trabaho pa ako kaya hindi din tayo makakasabay.”
Mas lalo siyang sumimangot. Heh, ang cute.
“Ano ba kasing trabaho mo? 4:30 naman last subject mo ah. Tapos wala pa tayong meeting mamaya.”
“Janitress. Janitress ang trabaho ko sa gabi.”
Napaawang ang kaniyang bibig, “Hala gagi, ba’t naging janitress ka?!” eksahedera itong humawak sa kaniyang dibdib.
Tumawa ako, “Trip trip lang, multitasking ganern.”
“Ay ganern? Eh, ang sipag mo naman pala. Paano ka nakakagawa ng lesson plan niyan?”
“Sa akin nalang ‘yon.”
Kasabay ng pagring ng bell ay ang ‘pag tunog ng aking cellphone. Nagpaalam na si Beverly sa akin.
“Hello?” bungad ko nang masagot ang tawag habang naglalakad ako.
“How are you?” husky ang boses niya. Napatigil ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako doon, what the hell is wrong with you Mr. Heart?
Tumikhim ako, “I’m fine sir. Napatawag ka?”
I tried my best to maintain the formality.
“Hindi mo ba ako tatanongin kung saan ko nakuha ang number mo?”
Naningkit ang aking mga mata, hindi kami magkaharap pero nararamdaman ko ang naglalarong ngisi sa kaniyang mapupulang labi. ngayon.
“Hindi na, I gave you my number when I first met you or nakuha mo ‘to sa files ko.”
He sexily chuckled, “You are really brilliant.”
I rolled my eyes at nagpatuloy na sa paglalakad, “Sige na sir, may gagawin pa ako.”
“And what is that? Sa pagkakatanda ko, gabi ka lang may trabaho.”
Ngumisi ako, “‘Di mo sure.”
Late na ako, ang landi kasi ng boss ko. I ended the call, bahala siya.
“Good morning class,” walang emosyong wika ko.
Binati naman nila ako pero hindi nakaligtas sa akin ang bulong ng lalaki na nasa likod. Iyong Falcon ang apelyedo. Hindi ko maalala ang name.
“Ganiyan ba ang teacher? Na l-late, akala ko pa naman role model.”
“Excuse me, Mr. Falcon. Pakilakasan ang boses mo, hindi ata narinig ng mga kaklase mo.”
Gulat siyang tumingin sa akin, ang mga kaklase niya ay tumingin sa kaniya.
“Wala akong sinasabi,” matabang nitong sambit.
“Ah, wala ba talaga? Narinig ko, sabi mo, gustong-gusto mo si Miss Valdimor,” ngumisi ako.

YOU ARE READING
Chase Me, Mr. CEO
RomanceDiana Porsche is a woman with a savage personality. Her tounge is sharp like a blade. Karson Caliber Falcon is a cold man with a rude personality.