12

242 7 1
                                    

NAGLALAKBAY ang aking isip habang si Karson naman ay tahimik lang.

Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsalikop ‘yon. He kissed it gently, “What’s on my girl’s mind?”

Namula ang mukha ko, kung ano-ano nalang talaga ang tinatawag niya sa akin. Hindi naman nilalagyan ng label, kidding.

“Wala naman. Where are we heading to?”

“Secret. Just see it for yourself.”

Nagstop over muna kami sa 7/11 bago nagpatuloy sa byahe. Umiinit na ang puwet ko pero hindi pa rin kami nakarating sa pupuntahan namin. ‘Yong totoo? Date ba ‘to or kidnap na?

“We’re here!” he announced. Tahimik akong nagdiwang sa aking isipan. Natatae na ako oh.

I stepped out from the car, sumalubong sa akin ang malamig na hangin. I smelled the fresh air.

He hugged me from the back, “Welcome to tagaytay, baby.”

Napabaling ako sa malaking rest house dito. Hula ko sa kaniya ‘to.

“Sa’yo ba ‘tong rest house na ‘to?” tanong ko pa rin kahit na alam ko namang sa kaniy–

“Hindi.”

“Ginagago mo ba ako?”

He chuckled, “Hindi nga.”

Sumama ang mukha ko, gago ‘to. Natatae na ako, dumagdag pa.

He laughed again, “Kaibigan ko ang may-ari nito.”

“Ah...”

“Why so quite?”

“Kasi ano...”

“What?”

Umiling ako. Iginiya niya ako papasok sa rest house. Inaakala niya sigurong nilalamig lang ako.

“Saan ang CR dito?” tanong ko. Feeling ko lalabas na talaga siya.

“Pag-akyat mo sa hagdan, diretso ka sa kaliwa tapos kumanan ka tapos kaliwa ulit tapos kumanan tapos diretso na lang. Nando’n ang common,” he answered in amusement.

“Ang totoo, dati ka bang gago?”

He laughed, “Just kidding. There it is,” sabay turo sa kaliwang bahagi ng kusina.

“Why? Do you want to...”

“Oo, tatae ako. Kaya tumabi ka kung ayaw mong sapakin kita,” sabay takbo ko papunta sa CR na itinuro niya.

“Grabe ang laki naman ng CR nito, mas malaki pa ata ‘to sa bahay namin,” napailing ako. Nagmumuni-muni ako habang inilabas ang bomba.

NGITING tagumpay ang nakapaskil sa aking mukha matapos ilabas ang bomba. Mag faflush na sana ako pero ayaw mag flush. Tagaktak ang pawis ko dahil sa kaba.

“Ano ba ‘to, ang laki ng bahay, sira naman pala ang CR, shit.”

Balak ko na sanang kumuha ng plastic para ipaplastic ko nalang pero sa pang huling subok ko, nag flush na siya. I sighed in relief.

“Wait, ang baho shuta.”

Nakakita naman ako ng isang bottle, hugis puso ito at may price tag pa. Kinuha ko ‘yon sa lababo at inamoy. In fairness, bango ah.

I started spraying it around the corner just to get rid of the bad smell.

“Ayan okay na!”

Lumabas ako habang kumakanta ng mahina. Naabotan kong nakahiga si Karson sa sofa habang nakatakip ang kaniyang braso sa kaniyang mata.

Chase Me, Mr. CEO Where stories live. Discover now