“Are you listening? Hey!” Gia snapped her fingers in front of my face. Hindi ko namalayang kanina pa ako tulala habang siya naman ay nagsasalita.
“Alam mo, nakakatampo ka na talaga. Nandito ka nga pero wala naman dito ang isip mo. Umamin ka nga, kayo na ba?” diretsahang tanong niya.
Tumawa ako, “Of course not.” Dinampot ko ang wine at sumimsim do’n. Now that I think about it, hindi ko alam kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa. I just enjoy his presence.
Naningkit ang kaniyang mga mata, “Talaga?”
“Mukha ba akong nagbibiro sa lagay na ‘to?”
“Well,” nagkibit-balikat siya. “You don't say.”
I rolled my eyes, “Whatever.”
“Anyway, hindi ka nagkukuwento sa nangyari sa inyo no’ng weekend!”
Napaubo ako, “Wow, ang sarap talaga ng pasta ‘no?”
Naningkit ulit ang mga mata niya. Hindi na rin naman siya nagpumilit pa at agad iniba ang usapan.
It was a long night. Nag-aya siyang magbar pero tumanggi ako. May klase pa ako bukas, ayoko namang sabihin nila na insufficient ako sa trabaho. Hinatid ako ni Gia sa amin, hindi ko talaga mataim ang titig ng kaniyang driver kaya nagsuggest ako na mag drive siya ng sariling kotse na agad naman niyang sinang ayonan.
I unlocked the door of my apartment and get in. I removed my stiletto at inilagay sa lalagyan ko ng mga sandalyos at sapatos. Kumuha ako ng pamalit at pumasok sa bathroom para maligo. Ang refreshing.
Pagkalabas ko ay tumunog naman ang cellphone ko. I creased my forehead, who in earth would call me this late?
Nang makitang si Karson ‘yon ay umirap ako. Akala ko pa naman kung sino na. Umupo muna ako sa aking kama bago ito sinagot.
“Hey...” namamaos ang kaniyang boses. Hula ko’y kakauwi niya lang galing sa trabaho. Nung hinatid niya ako kanina sa apartment ko, nakatanggap siya ng tawag. Emergency ata or something. Hindi ko alam.
“Hmm, bakit ka tumawag? You should be resting by now,” I said as I comb my hair using my fingers.
“I missed you.”
Humalakhak ako, “That fast? Kakahatid mo lang naman sa akin kanina ah.”
“Bakit kasi kung magkasama tayo, eh, ang dali ng oras.”
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Unti-unting namula ang aking mukha. Napakagat ako sa aking labi, pinipigilan ang kilig na nadarama.
“Corny mo.”
“Admit it, you’re blushing right now babe.”
I rolled my eyes as if he’d see me right now. “Whatever.”
“How was your date with Gia?”
“Ayos lang. How about that emergency?”
“Nah, it’s good. I managed to make it on time.”
I licked my lips, “Okay.”
“What are you doing?”
“Nothing.”
There was a long pause after that. Hindi niya rin naman tinapos ang call kaya medyo awkward. I can hear his breathing and it sent shivers down to my spine.
“I’ll pick you up tomorrow,” he said.
“No, it’s fine. I mean, I can manage. I can commute, you know.”
“Alright then.”
Late na nang matapos kaming mag-usap kaya naman kinabukasan ay medyo puyat ako. Hindi rin naman iyon hadlang sa kagandahan ng mood ko. Kahit nga si Shiro nahalata ‘yon.
“Good mood ah,” he laughed.
“Nah, ganito naman ako lagi ah?”
“Mangmang na lang ang magsabi na good mood ka lagi.”
“Grabe ka naman sa akin!”
“I’m just stating the facts, girl.”
Kahit sa school, good mood pa rin ako kahit na halatang halata ko ang pagkakadisgusto ni Killian na nasa harapan nila ako, nagtuturo. Tahimik lang din naman siya kaya okay lang.
“Remember, we will be having a quiz tomorrow. Good bye, class,” sabay ligpit ko sa mga gamit ko.
“Ma’am, free ka ba tomorrow? Date sana tayo,” pilyong wika ng isang estudyante sa akin.
I smiled, “Sige, ipapatawag ko na rin ang parents mo para magsalo-salo na rin tayo sa opisina ako.”
Nagtawanan ang grupo ng mga kalalakihan sa likod habang siya naman ay napahiya. Hindi na siya makatingin sa akin. Umalis na rin ako roon.
Dumiretso ako sa faculty at naupo roon, pinagkakaabalahan ang notebooks nila na pinapasa ko kanina.
“Ah, what a peaceful day, I see.”
Parang binuhosan ako ng malamig na tubig. Malalim ang boses na ‘yon pero kilalang kilala ko kung sino ito.
“Ano ang ginagawa mo dito?” malamig na sabi ko habang lumilingon sa kaniyang puwesto. Nakaupo siya sa isang silya ng co-teacher ko.
Tumawa siya ng mahina, “Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?”
Hindi ako sumagot. Tumayo siya sa kinauupoan at lumapit sa aking banda. Tumayo na rin ako para kung may gawin siyang hindi ko gusto, malalabanan ko siya.
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Diana Clevone Porsche Manalo.”
“Hindi ko responsibilidad na sagotin ka. Ang tanong ko, bakit nandito ka, Agent Hell.”
“Masiyado ka bang nag saya sa kalayaan mo at hindi mo na alam kung ano ang totoong pangalan at posisyon ko sa buhay mo?”
“Manahimik ka. Wala kang karapatan sa akin!”
He chuckled and bent a little to whisper on my ear. “Sige lang, itanggi mo pa. Pababayaan muna kita sa ngayon pero asahan mong maniningil ako sa karapatan ko sa’yo.”
Mapang asar siyang ngumiti at tumalikod na para lumabas sa faculty. Napaupo ako at nagpakawala ng hininga. Kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko dahil sa tensiyon. Nasapo ko ang aking ulo at ginulo ang buhok.
“Are you only using my brother?” Killian’s serious voice.
Agad akong pumormal at pagod siyang tiningnan, “No. Go back to your class, it’s almost time for the afternoon period.”
“Siguradohin mo lang, ako ang makakalaban mo kapag nalaman kong ginagamit mo lang siya.”
Umalis siya. Sinundan ko siya sa ng tingin habang malalim na nag iisip. Nakita niya bang may lumabas na lalaki sa faculty habang mag isa ako rito? That horrified me.
Hindi dahil takot akong isumbong niya kay Karson kung hindi ay isumbong niya ito sa principal ng school. Napaka unprofessional naman na may lumabas na lalaki sa faculty habang mag-isa ako. Magdudulot rin ito ng kahihiyan sa school to think that this school was known as the best. Baka bukas o makalawa, wala na akong trabaho. Kinalma ko ang sarili, hindi naman siguro.
It was a long day at work, pagod na ako. Madilim na ng lumabas ako sa school. Medyo nag iba na rin ang mood ko simula kanina. Nag aantay ako ng masasakyan nang may tumabi sa akin.
“Hi!” he greeted.
“Hello Brandon,” I formally said.
“Are you waiting for him?”
“Karson? No.”
“Well then, why are you still here?”
Sasagot na sana ako nang may pumulupot na kamay sa aking beywang, “I’m sorry, my wife is waiting for me.”
Agent Hell said coldly and pulled me into his car. Dahil sa gulat ko, hindi ako nakapag react agad.
tangina?!

YOU ARE READING
Chase Me, Mr. CEO
RomanceDiana Porsche is a woman with a savage personality. Her tounge is sharp like a blade. Karson Caliber Falcon is a cold man with a rude personality.