TRUE to his words, I am now teaching in this private school. May kaya din talaga ‘tong si Shiro eh.
Pero madali lang ako dito, substitute teacher lang ako kasi buntis ‘yung pinalitan ko. Babalik naman siya pero ewan kung kailan. So for now, ako nalang muna.
Pumasok ako sa classroom, Class C ito. Sana lang at hindi ako mahirapan. May napag aralan naman ako tungkol sa pagtuturo. Balita ko kasi ito ‘yong hindi mapapa-tame ng mga professors kasi ang titigas ng ulo.
Natigilan ang lahat sa kanilang ginagawa at tumingin sa akin sandali. Akala ko babalik na sila sa kanilang mga upoan pero bumalik sila sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin, napansin kong puro lalaki sila. Syempre, walang babae. Sigurado akong nasa mas high level ‘yon.
“Umupo ka na, new girl, bago pa dumating ang substitute teacher. Balita ko pangit at strikta ‘yon,” sambit nung lalaki sa unahan.
What the heck? Akala ba nila new student ako?
Tumikhim ako, “Good morning class. I’m Diana Clevone Porsche, your substitute teacher.”
Halatang natigilan ang lahat at nasindak sa malamig kong boses. Walang emosyon ang mukha ko habang pinapanood silang umupo sa kanilang mga upoan ng maayos.
“Since I’m new here, introduce yourselves please.”
“Is that even necessary? May attendance sheet ka naman. Puwede mo naman itawag nalang ang mga pangalan,” a boy from the back sarcastically said.
“And may I know who you are Mr?” turo ko sa kaniya.
Strikta pala eh, edi maging strikta.
He scoffed, “Incase you don’t know, I’m Killian Falcon. Anak ng may ari sa school na ‘to.”
Ah kaya pala ang yabang kung makaasta. Well, I am not afraid.
I walked towards him. “Hindi ako takot sa’yo kahit kanino ka pang anak o kapatid. Baka isumbong ko lahat ng mga kabalastugan mong ginagawa sa kuya mo,” bulong ko sa kaniyang taynga.
Napaatras siya ng bahagya, “At sino ka ba sa inaakala mo?!”
I smirked wickedly, “You don’t know me, kiddo.”
Bumalik na ako sa aking puwesto sa unahan. Hindi ko naman talaga alam ang mga ginagawa ng batang iyon, bago nga lang ako eh. Siguro takot din siya sa kuya niya.
NATAPOS ang klase ko ng matiwasay. Halatang natatakot sila sa akin. Hindi ko din alam kung tuloy-tuloy na ba ito or patibong lang para matrapped ako sa mga kalokohan nila.
Dumiretso na ako sa Falcon Company.
“Good evening kuya Rodulfo!” bati ko. “Uuwi ka na ba?”
“Opo madame, tapos na kasi ang duty ko.”
“Mag ingat ka po sa pag uwi kuya Rodulfo.”
“Ikaw din po madame, mag ingat ka din po.”
Nagpaalam na siya at ako naman at pumasok na, dumiretso ako sa cleaning department. May mga tao pa namang nandoon, may nag overtime.
“Late ka,” nakasimangot ang mukha ni Mrs. Greta, ang head ng cleaning department.
“Pasen—”
Itinaas nito ang kamay, “Hephep, ayokong marinig ang sasabihin mo. Naririndi na ako sa mga excuses. Simulan mo nalang magtrabaho, suyurin mo daw lahat ng floors. Utos iyon ni boss.”
Nagitla ako sa narinig, “Ha? Eh ang laki ng building na ‘to!”
“Bakit, problema ko ba ‘yon?” she rolled her eyes. “Sho, sige na. Magtrabaho ka na, ang dami pang satsat eh.”
Napabuga nalang ako ng hangin, mapapagod nga talaga ako nito. Inuna ko nalang ang last floor, siguradong wala na doon si Karson. Nagv-vacuum ako ng sahig nang biglang may nagsalita.
“You’re late,” matigas ang boses ni Karson. Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko. Napatingin naman siya doon at napalunok.
“Sorry na! May ginagawa pa kasi ako!” pagdadahilan ko. Parang natataranta pa ako eh.
“Next time you’re late, ibabagsak kita.”
“Saan mo naman ako ibabagsak, sa building?” natatawa kong turan.
He lend closer and whispered, “Sa kama ko.”
Dumagundong ang tibok ng puso ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
Ngumisi ako, hindi ako magpapatalo sa’yo Karson dahil lang sa nakakatunaw mong banat.
“Well, hihintayin kong ibabagsak mo ako sa kama at papaligayahin kita ng walang sawa,” kasabay ng aking pakindat.
Namula ang kaniyang taynga hanggang sa kaniyang leeg. Gumalaw ang kaniyang lalagokan pababa at pataas.
I turned to my cart at ibinalik ang vacuum doon, malinis naman ang opisina niya.
Papaalis na ako nang magsalita siya pero pabulong, “Such a slut.”
Napahinto ako saglit pero agad rin akong umalis na para bang hindi ko siya narinig. Aminin ko, nasaktan ako sa kaniyang sinabi. Ngunit iwinaglit ko nalang iyon sa aking isipan.
Malinis naman ang mga department, mga nalilinisan na siguro nung mga morning shift. Ako lang talaga ang nag n-night shift eh.
“Paano na ‘to?” frustrated na wika ng isang babae na nadaanan ko.
“What happened?” I asked.
“Hindi kasi matapos-tapos ‘tong presentation ko para bukas ng umaga,” naiiyak na siya.
Tiningnan ko ang kaniyang ginagawa, kaya ko naman. Madali lang naman siya, siguro pagod lang talaga siya at hindi niya malaman kung ano ang isusunod.
Ngumiti ako, “Let me help you.”
Umupo ako kaniyang tabi at magdamag namin iyon ginawa. Nakatulog na siya kaya naman nag iwan nalang ako ng mga possible questions at answers niya doon. Nag iwan na rin ako ng sticky note saying, goodluck.
Tahimik na ang lugar, ala una na ng madaling araw. Hindi naman ako natatakot, nasanay na rin ako. May mangilan ngilan namang mga kotse ang dumadaan, siguro galing sa bar or something.
Habang naglalakad ako, hindi ko sinasadyang mapatingin sa kotseng nakaparada sa kabilang kalsada. Open ang bintana at nakita ko doon si Gia.
“Si Gia ba ‘yon?” nagtatakang wika ko. No way, sabi niya umuwi na siya kanina pa. Nagtext siya sa akin.
Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi eh. Si Gia talaga, hindi ko makita ang lalaking kasama niya kasi naghahalikan sila.
Ipinagkibit balikat ko nalang ‘yon. Oh well, hindi ko naman karapatang pigilan siya sa gusto niya. Oo kaibigan niya ako, pero suportado ko nalang siya sa kung ano’ng relasyon niya sa lalaki. ‘Wag lang siyang maging kabit at baka masapak ko siya ng wala sa oras.
Nakarating ako sa apartment ko at pagod na pagod. I took a quick shower, nagbihis ng pangtulog at agad humilata sa kama.
Hay, ang ganda talaga sa pakiramdam kapag nakahiga ka na sa malambot na kama mo. Nakatulog naman din ako kaagad.
“Sleep tight, baby.”
____
mysterioustreasure says ramen!

YOU ARE READING
Chase Me, Mr. CEO
عاطفيةDiana Porsche is a woman with a savage personality. Her tounge is sharp like a blade. Karson Caliber Falcon is a cold man with a rude personality.