9

317 13 0
                                    

NAGKATINGINAN lang kaming tatlo habang hinihintay ang aming kapeng inorder. Iniwas ko ang aking tingin at kung saan-saan umabot ang mga mata, sa labas, sa mga muwebles at kung saan pa.

Nasa malapit lang kaming coffee shop nagpunta, naiilang sa isa’t-isa.

Nang dumating ang order namin, agad iyong ininom ni Gia. At dahil mainit, agad itong napaso.

“Are you okay?” mababa na may pag-aalala ang boses ni Keano.

I raised my eyebrows while sipping my coffee.

Maarte namang ngumiwi si Gia, “Oo.”

I glared at her na agad naman niyang napansin. Umayos siya ng tayo, walang bakas na sakit sa kaniyang kilos.

“So, may dapat ba akong malaman Gia?” panimula ko pagkatapos sumimsim sa aking kape. I sighed, “I know, kakakilala lang natin but can I have at least know what’s going on? Kasi nakakagulat.”

“I’m sorry Dia, sinubukan ko namang sabihin sa’yo pero madalas sa phone lang tayo nag-uusap, gusto ko kasing magsabi sa’yo sa personal,” paliwanag niya naman.

“Keano? Anything you want to say?” baling ko sa kaniyang tabi.

Napakamot ito sa ulo at nahihiyang ngumiti, “Sorry miss ganda.”

Napabuga ako ng hangin at humalukipkip, nagulat lang talaga ako. Kalaunan ay nang-aasar ang aking ngisi.

Naningkit ang aking mga mata, “Kayo ha. Kailan pa ‘yan?”

“Noong nainterview tayo, nando’n siya and we met again sa club,” ani Gia.

Napaisip ako, so, si Keano ang lalaking iyon?

“We’re actually just flings,” dugtong niya pa.

Napatingin ako sa kaniyang tabi, halatang natigilan si Keano. Na para bang hindi siya sa sang-ayon doon pero wala siyang magagawa. Now, I’m wondering...

Nagkibit balikat ako, “Well, okay. Total naman at malalaki na kayo, basta alam niyo na. When you’re doing it, make sure to put a safety gear first.”

I winked, namula sa kahihiyan si Gia at humagalpak naman ng tawa si Keano. Now, I ship this two. #KeaVannia layag!

Nagpaalam na rin ako pagkatapos ng ilang kuwentohan, natutuwa ako sa kanila.

“Good evening sir,” bati ko kay Karson nang pumasok ako sa kaniyang opisina. Sabi ng receptionist, pinapatawag daw ako.

He’s wearing a white long sleeve na tinupi hanggang siko, at maong pants. Even with dim lights, I can see how dashing he was.

“Evening, come here,” his husky voice is very seductive.

Lumapit ako sa kaniya, sakto lang para hindi niya ako maabot. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya.

“What are you doing?”

“Hmm? Wala naman, baka ano'ng gawin mo.”

“Bakit? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?”

Ngumisi siya at bago pa man ako makapagsalita, he grabbed my hand and pulled me towards his thighs. He put his strong arms in my waist, preventing me to stand up. Nakaupo na ako ngayon patalikod sa kaniyang kandungan.

Natutop ko ang aking mga labi, butterflies in my stomach is making my stomach ache, my heart is racing like a mad man inside it’s ribcage.

“A-anong ginagawa mo?!” I half-heartedly hissed. Kahit hindi ko aminin, alam kong gusto ko ang ganito. What the fuck is happening to me?!

Chase Me, Mr. CEO Where stories live. Discover now