10

302 12 1
                                    

Dedicated to: rieteratura

KAKAGISING ko lang when my phone rang. Sa pag-aakalang si Shiro ‘yon, dinampot ko agad ang cellphone at sinagot.

“Anak...”

Parang binuhosan ako ng malamig na tubig. Kilala ko ang boses na ‘yon. Si mommy ‘to, sigurado ako!

Tumikhim ako, “P-paano mo nalaman ang number ko?!”

“Anak, please. Me and your dad missed you a lot. Hindi mo ba kami namiss ha?”

I laughed without a humor, “Namiss? Ginagago niyo ba ako?”

“Makinig ka anak, iyong nangyare noon, we regret that already okay? Sising-sisi na kami, anak.”

“Nagsisi? How ironic, kung gano’n sige, aminin niyo lahat ng kahayopan niyong ginawa sa gobyerno!”

“Anak naman, why can’t you forgive us already?! It’s been 4 years! My god, you’re overreacting!” mahihimigan ang iritasyon sa kaniyang boses.

Galit at poot ang nangingibabaw sa aking damdamin, “Overreacting? Hah, tapos sasabihan niyo akong nagsisi na kayo?!”

With so much anger, I ended the call. Napaiyak nalang ako sa frustration at kalungkutan. Aminin ko, I missed them. I missed them a lot, pero ang sakit pa rin ng ginawa nila.

Nag-ingay muli ang aking cellphone. At nang makitang si Karson iyon, pinalis ko agad ang mga luhang bumubuhos.

“Hello, good morning,” pilit siglang bati ko.

“Hmm, morning. How’s your sleep?”

“Ayos lang. Sayo?”

“I dreamed about you.”

Namula ang mukha ko at napangiti, ngiting siya lang ang nakakagawa sa akin.

“Binobola mo na naman ako.”

He chuckled. “Are you okay?”

“Y-yes.”

“No, you’re not. You look upset, tell me hmm. Why is my baby upset?”

Bumuhos muli ang aking luha na parang gripo, paano niya nalaman? Si Shiro nga hindi napapansin.

Pinipigilan kong mapahikbi ng malakas, “I-I’m fine, don’t worry.”

Hindi niya naman ako pinilit pa bagkos ay iniba niya ang usapan. Susunduin niya daw ako.

Nagmamadali akong nagbihis, I wear my uniform. A gray v-neck shirt and a pencil skirt. Sa mukha naman  ay wala naman akong inilagay masyado, just a lipbalm and powder. Inilugay ko lang ang aking buhok.

“Hi!” maaliwalas ang aking ngiti.

He leaned over and gave me a smack in the lips. I was too stunned to react.

Ngumisi siya, “You look wonderful.”

“B-bakit mo ginawa ‘yon ha?!” I half-heartedly hissed.

“Kasi gusto ko lang. May problema ka ba do’n?” he lazily started to roar the engines.

“Oo may problema ako do’n! Hindi naman tayo ah! At kung makaasta ka ay parang pagmamay-ari mo ako!”

“Well, can you be my girl?”

He licked his lips sexily and chuckled. Napaiwas nalang ako ng tingin para maitago ang kilig na nararamdaman. It’s so unfair that he can talk like that calmly but can affect me.

Chase Me, Mr. CEO Where stories live. Discover now