Malalim ang aking iniisip habang nakasakay sa sasakyan ni Hell. Nais pa sana ni mommy at daddy na doon ako mag agahan ngunit tumanggi na ako. I can’t stay any longer.
“You have work now?” ani Hell.
“Obviously.”
“I’m sorry‚ gusto ko lang namang magkaayos na kayo ng pamilya mo.”
Mapakla akong natawa, “Mama mo magkaayos.”
He sighed heavily and continued driving in silence. Tahimik lang rin akong nagmamasid sa aming dinadaanan. Late na ako sa klase ko pero ayos lang, sa next period na lang ako papasok.
Iniisip ko pa rin ang text ni Karson sa akin kagabi. Bakit? Hindi ko siya maintindihan.
Pagkahinto ng sasakyan ay agad akong lumabas. Diretso lang ang lakad ko patungo sa maliit kong apartment. Hindi na ako lumingon pa sa kotse dahil alam kong paalis na rin ‘yon. Alam naman niya ang ugali ko.
Kinuha ko ang susi at gagamitin na sana ‘yon para buksan ang pinto pero sira ang door knob. Napamura ako sa isip ko, ngayon pa talaga tangina. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga sirang bagay. Sira lahat ang mga appliances ko, kahit tv at ref. Sa salamin naman, hindi basag pero may nakasulat.
“Layuan mo ang hindi dapat sa’yo. Balikan mo ang dapat na misyon mo.”
Nanlamig ako. Oh my god! Bumalik na sila?!
“Dia‚ may niluto ako– anong nangyare dito?” gulat din ang owner ng apartment nito.
“Ate, hindi niyo po ba alam ang nangyare dito?”
“Aba eh pasensiya ka na Dia at wala ako dito kahapon. Nandun ako sa anak ko.”
“CCTV po?”
“Matagal nang sira ang CCTV Dia. Papalitan ko sana ‘yon pero nakakalimutan ko lagi. Hayaan mo, papalagyan ko na ‘yan mamaya.”
Bumuntong hininga na lamang ako‚ “Sige po ate...”
“Kumain ka na ba? Kain ka muna dun sa loob ng bahay ko. Naparami kasi ako ng luto ng pinakbet.”
I smiled politely‚ “Maraming salamat po ate pero hindi na po kailangan. Kumain na po ako.”
Tumango naman siya at tiningnan ulit ang paligid. “Dia mukhang hindi ka safe dito. Parang death threat na rin kasi ‘to.”
Hindi ako kumibo dahil alam kong tama siya. Hindi man kami magkadugo ni ate Rosa, tumayo naman siyang mama ko dahil inaalagaan naman niya ako dito. Naalala daw kasi niya ang anak niya sa akin.
“Maghanap ka na lang muna kaya ng matutuloyan? Ipapaayos ko muna ‘tong apartment mo.”
“Ate Rosa huwag na po! Ako na po ang bahalang magpapaayos nito.”
“Ano ka ba, ako ang may ari dito kaya responsibelidad ko ‘to. Puwede ka naman dito sa bahay muna pero kasi magbabakasyon raw rito ang anak ko kaya ako nagpunta roon sa kanila kahapon.”
“Pero ate Rosa...”
Kinuha niya ang kamay ko at hinaplos ng marahan‚ “Dia, maghanap ka na muna ng matutuloyan ha? Huwag magmatigas ng ulo, babatohin kita ng tsinelas ko, sige ka.”
“Sigurado ka bang ayos lang ate? Nirentahan ko naman to eh.”
“Ako na nga!”
Ilang oras pa kami nag usap tungkol doon at napapayag naman niya akong maghanap muna ng tirahan. May condo si Shiro, puwede kaya ako dun? Ayokong bumalik sa bahay namin.
“Hello Shiro?” bungad ko nang masagot na niya ang tawag.
“Hello, who’s this?” boses ng lalaki.

YOU ARE READING
Chase Me, Mr. CEO
RomanceDiana Porsche is a woman with a savage personality. Her tounge is sharp like a blade. Karson Caliber Falcon is a cold man with a rude personality.