5

357 12 0
                                    

Today is my first day of work. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kaba na may halong takot. Ewan, matatae ata ako nito.

It’s 5 in the morning and here I am in my bed figuring out kung paano ko haharapin si Zeus or should I say Mr. Karson Calliber Falcon. Nalaman ko lang ‘to noong isang araw dahil kay Gia. Ang dami niyang alam sa buhay.

Ang pinagtataka ko lang, bakit niya tinago ang totoong pangalan niya sa akin?

I shrugged it off and got up. As I  stretched my body, my phone rang.

“Good morning, gorgeous!” magiliw na bati ni Shiro.

“Morning.”

“Ay hindi ba masarap tulog mo bestie?”

I laughed, “Kakagising ko lang.”

Nagluluto ako habang nag-uusap kaming dalawa. Every morning ganito kami lagi.

“Your Mom is asking me how are you,” maya-maya’y wika niya.

“Just tell her I’m good, please.”

“Are yous sure na hindi mo sila kakausapin?”

“After what they did? Sa tingin mo, mahaharap ko pa ba sila?”

He sighed, “I’m sure they have their reasons. Just talk to them.”

Napakagat ako ng aking labi. True, it’s been a year since I last saw and talked to them after that event happen.

“I, I’ll think about it.”

We bid our goodbyes after that. I eat my breakfast and pack some for my lunch. Naligo na ako at naghanda. Hindi ko ugali ang mag lagay ng kolorete sa mukha. Kaya madali lang ako matapos.

I’m wearing a black blazer with white shirt underneath and a black skirt. I also wear my black stilleto with 2 inches tall. Ipinusod ko lang ang buhok ko.

Nag commute lang ako kasi wala naman akong kotse, pinagiiponan ko pa.

After 30 minutes nakarating na ako sa building.

“Good morning manong guard!” magiliw na bati ko.

“Good morning din po miss ganda!” sinuklian naman niya ako ng magiliw na ngiti.

“Ano’ng pangalan niyo manong?”

“Rodulfo po! Rodulfo Gimenes.”

I look at him head to toe, tansiya ko nasa mid 30 pa si manong Rodulfo.

“Well, maaari ba kitang tawagin nalang sa iyong pangalan? Naiilang kasi ako ‘pag tinatawag kitang manong. Feeling ko, bata ka pa.”

Tumawa naman siya, “Puwede naman po madame!”

“Well then Rodulfo, I’m Diana Porsche. Call me Diana nalang ha?”

“Sige po! Pero madame nalang ang tawag ko sa’yo!”

I smiled, mukhang hindi ko siya mapipilit ah. “Okay, mauuna na ako Rodulfo ha? Nga pala, ilang taon ka na?”

“34 po madame!”

I was about to say something when someone called me.

“Diana Porsche?”

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang familiar na babae. Sa pagkakatanda ko, siya iyong nagtawag sa akin doon sa interview noong isang araw.

“Yes? Good morning miss.”

“Hinihintay ka po ni Mr. Bill, gusto ka daw niyang makausap tungkol sa magiging trabaho mo.”

Chase Me, Mr. CEO Where stories live. Discover now