4.

383 21 0
                                    

“Sissy!” Shiro screamed. I covered my ears with my hand.

“Ano ba?! Lower your voice naman!” sita ko. I rolled my eyes.

“Ay sungit naman, red tag ba?”

Hindi ko siya sinagot.

“Friend, bakit mo ako iniwan kagabi? Ayan tuloy hindi kita naipakilala sa bebe boy ko,” sabay nguso ni Shiro.

“Hindi naman pogi ‘yung bartender,” I teased. Umasim ang mukha nito at binato ako ng fries. We’re in our favourite place, McDo. We have our thing in McDo.

“Anyway, ito. Nakita ko sa internet, inapply na kita dyan at ngayon ang interview mo.”

He handed me his laptop, hiring ‘yung Falcon Group.

“Thank you, friend!” I smiled widely.

“Basta hanapan mo ako ng pogi doon ah.”

I laughed as I sip my coke.

“So, about last night, ano ba talagang nangyari?”

Napatampal ako sa aking noo, hindi talaga siya maka move on.

“Wala nga, pagod ako kagabi.”

“‘Wag ako Diana Clevone Porsche! Kahit pagod ka, party animal ka pa rin. Kilalang kilala kita uy.”

I sighed and finally told him everything, “And kagabi, I saw him with some model. She called him Karson.”

“Gusto mo siya,” he commented.

I scoffed, “There’s no way I like him, Shiro! Kakakilala pa lang namin.”

“The way you describe him, the way you talk about him, halatang naghihintay ka sa call niya.”

He teased and teased me even more habang pinamulahan naman ako ng mukha. He laughed out loud disturbing other customers. I looked at them in an apologetic eyes.

Dinampot ko ang burger at pinakain ito sa kaniya.

“There!” ako naman ngayon ang tumawa. He glared at me.

“Alam ko na, let’s bet!” maya-maya’y wika niya.

“What bet?”

“Hahanapin mo siya at make him fall in love with you.”

“What?! Nahihibang ka na ba?! Ayoko nga!”

“If you won, ibibigay ko sa’yo ang bagong bili kong Rolls Royce Phantom. And if you lose, ililibre mo ako ng bakasyon sa Maldives!”

Napaisip ako. Maganda naman ang offer niya, I know how much he loves his cars. Pero ililibre ko siya ng bakasyon sa Maldives? Puwede din.

“Deal or Deal?” tanong niya habang inaabot ang isang kamay.

“Ang daya, ba’t walang no deal?!”

“Para wala ka na talagang kawala baby girl.”

Sumimangot ako at ngumuso. Inabot ko ang kaniyang kamay, “Deal.”

We shaked hands to seal our deal.

“GOODLUCK dear bestie!” Shiro cheered.

Hindi ko alam kung sa interview o sa deal ba namin siya nag goodluck kaya tumango nalang ako at ngumiti.

Nagbeso-beso muna kami at nagpaalam na sa isa’t-isa. May important meeting daw ang beki. Baka din hahaba na ang pila kapag na late ako. Ayaw ko ng ganun.

“Hi? Pwede ko bang malaman kung saan ang nag interview miss?” tanong ko sa receptionist pagkadating ko sa building.

“Mag aapply ka po?”

Chase Me, Mr. CEO Where stories live. Discover now