Chapter 34
RYU POV
Nakangiti lang ako habang pinapanood syang masayang nag lalangoy pag katapos kase naming kumain ng mangga nag akit kaagad syang mag langoy.
Mga apat oras na nga yata syang nag lalangoy pero hindi parin napapagod kanina ko parin sya pinapaahon pero ayaw padaw nya dahil nag e-enjoy pa sya. Inabot na nga kami ng hapon dito.
"Baby Maligo kana rin dito" rinig kong sigaw nya medyo malayo na kase sya sa akin. tinatamad pa akong mag langoy mas gusto ko kase syang panoodin.
"Tara na kase" pag aaya nya pa umiling lang ako para sabihing ayaw ko pero talagang mapilit sya kaya pumayag na rin akong mag swimming kahit na hindi ako marunong lumangoy at saka mababaw lang naman. knowing her hindi nya ako titigilan.
What floricel wants Floricel Gets.
"Hindi ako marunong lumangoy" pag tatapat ko. tumingin naman sya sakin na parang hindi makapaniwala saka tumawa ng pag ka lakas lakas kaya napa simangot ako.
Parang hindi nya ako boyfriend eh. Napaka lakas mangasar. "Ayaw ko na matutulog nalang ako" kunwaring nag tatampong ani ko. saka nag lakad pabalik hindi pa ako nakaka apat na hakbang ng yakapin nya ako sa likod
"Sorry na balik na tayo sa kubo" malambing sabi nya na ikinangiti ko. "Ok tara na" pag kasabi ko non ay inakbayan ko sya habang nag lalakad kami pabalik. syempre bati na kami marupok ako eh.
FLORICEL POV
Nang maka balik kami sa kubo ay nag bihis agad ako. hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. kaya kailangan naming maka uwi agad dahil baka may kung ano ng nangyayari kila ian. hindi ako makakaramdam ng ganitong klase ng kaba kong wala lang.
"Ryu Uuwi na tayo" Seryosong sabi ko na ikinatingin nya sa akin. tumango lang sya at hindi na nag tanong pa.
"Sila Ian pakiramdam ko may mangyayaring masama" dagdag ko pa ng maka pasok kami sa kotse. "Akala ko ako lang ang nakaramdam non ikaw rin pala" walang bahid ng kahit na anong emosyong sabi nya habang nag da-drive.
Hindi nalang ako ang salita. kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ian pero hindi nya sinasagot ganon din sila kuya shaun.
Ano ba kaseng nangyayari? hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.
Napatingin naman ako kay ryu ng bigla nyang hinawakan ang nanginginig kong kamay. ganto talaga ako pag kinakabahan hindi kaagad ako makapag isip ng maayos.
Sana ok lang sila. dahil hindi ko kakayanin kung may kahit isa sa kanilang mawawala.
Habang papalapit kami ng papalapit sa mansyon ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Nang makarating kami sa mansyon ay tumakbo na ako palabas ng kotse naririnig ko pang tinatawag ako ni ryu pero hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag takbo.
Nang makapasok ako sa mansyon ay halos manlumo ako sa nakita ko. sobrang gulo ng paligid at nakahandusay sa sahig ang mga tauhan ni dad habang naliligo sa mga sarili nilang dugo.
"Ian James Xander Mga kuya asan kayo" sigaw ko pero walang sumasagot sa kanila kaya. Umakyat ako sa taas at tiningnan lahat ng kwarto pero wala talaga sila ron.
BINABASA MO ANG
MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)
Teen FictionShe's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana. because SHE FELL IN LOVE WITH A MAFIA BOSS. Date Started : March 16 2022 Date Ended : May 6 2022