Chapter 17
FLORICEL POV
Dahan Dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Itim na Kisama ang bumungad sakin pag ka mulat mulat ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung nasaan ako.
Dahil nandito rin ako nong nakaraang araw. Sa kwarto ni ryu.
Pero paano nga ba ako napunta dito? ang huli ko kasing naaalala nasa gubat kami tapos nakarinig kami ng putok ng baril tapos nakipag barilan kami ni ryu at tinamaan ako sa balikat ng bala.
Inilibot ko ang tingin ko at ganon nalang ang gulat ko ng makita kong mahimbing na natutulog si ryu sa katabi ko habang hawak hawak ang kamay ko.
Dahan dahan kong inilapit ang ulo ko sa kanya para matitigan sya maayos. Ang cute nya pala matulog. Hehe
*DUG*
*DUG*
*DUG*
*DUG*
"You can kiss me if you want" dali dali kong inilayo ang ulo ko sa kanya dahil sa sinabi nya.
Sh*t gising pala sya. Napangisi ako dahil sa sinabi nya. hinalikan pala huh.
hinahamon ata ako isang to. kaya hinalikan ko sya sa labi. nakita ko namang nanlaki ang mga mata nya na lalong ikinalawak ng ngiti ko.
Hihiwalay na sana ako sa pag kakahalik sa kanya pero hinawakan nya ang batok ko mas lalong pina-lalim ang halik na sinimulan ko.
Hindi ko alam kong ano tong nararamdaman ko hindi naman mainit pero nag iinit ang pakiramdam ko.
"KING NANDITO NA KAMI" rinig kong sigaw ni steven kaya dali dali kong itinulak si ryu dahilan ng pag kakahulog nya sa kama.
Sh*t ano ba tong ginawa ko.
Inayos ko ang sarili ko saka tumingin kay ryu na sobrang sama ng tingin sakin habang hawak hawak ang likod nya.
Napalakas ata ang tulak ko.
Sakto namang bangon ni ryu ay ang pag bukas ng pinto at pag pasok ni steven at kuya timothy.
"Oh anong nangyari sa inyo?" tanong ni kuya timothy habang takang takang naka tingin samin ni ryu. Yumuko lang ako at hindi sumagot baka kase pag humarap ako sa kanila makita nilang namumula ang mukha ko.
"Nasan nga pala sila Ian bakit wala sila?" tanong ko sa kanila. para naman mawala sa amin ang atensyon nilang dalawa.
"Ibibili ka lang daw nila ng pagkain para daw may makain ka pag gising mo"
napangiti naman ako dahil sa sinabi ni steven. ang sweet talaga nong mga yon ayaw nila akong magutom. mabuti nalang talaga at may kaibigan akong katulad nila.
"-Matakaw at patay gutom ka daw kase baka yong sila ang kainin mo pag nagutom ka"
Agad na nawala ang mga ngiti ko at napalitan ng inis dahil sa idinagdag ni kuya timothy.
Gague sinabi ba talaga nila yon. Masasapak ko talaga ang tatlong yon.
"King-WOHHH BOSS GISING KANA" sigaw nila ian ng makita nilang gising na ako. akmang yayakapin nila ako pero sininyasan ko na wag saking lalapit.
"Patay gutom at matakaw pala huh" sinamaan ko ng tingin sila ian na namumutla na. samantalang patawa tawa lang sila steven sa gilid.
Tsk. Dumako ang tingin ko sa mga dala nila. kinuha ko yon saka kinain ang mga pag kaing dala nila.
"Papasok na ako" sabi ko sa kanila pag katapos kong kumain Mag sasalita pa sana sila pero inunahan ko na sila.
"Ok na ako. at saka pwede bang iharap nyo sakin yong bwiset na bumaril sakin"
"Pinatay ko na silang lahat" walang emosyong wika ni ryu na ikinalag lag ng balikat ko. sayang gusto ko pa namang pahirapan muna yong bumaril sakin saka ko ipapapatay sa isa sa mga tauhan ni dad.
Pero Teka! Ibigsabihin sya ang pumatay don sa mga nakalaban namin sa gubat?
"Kung nakita mo lang sya kagabi boss siguradong mag iiba ang tingin mo sakanya" biglang sabi ni james na ikinatahimik ng lahat.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko pero walang kahit na sinong nag salita sa kanila. napansin ko rin na sobrang tahimik ni ryu.
Nakaramdam din ako ng tensyon sa kanila kaya nag salita na ulit ako
"Tss Tara na nga pumasok na tayo baka malate pa tayo" pag papagaan ko sa atmosphere muka namang natauhan sila. dahil bigla silang nag tawanan sa sabay sabay na umalis.
Naiwan lang kaming dalawa ni ryu dito sa kwarto. Umupo ako sa kama saka nag salita.
"Why did you do that?" Pag tutukoy ko don sa pag halik nya. Tumingin naman sya sakin saka nangaasar na ngumisi.
"Well Ms. Millazo Ikaw ang unang humalik sakin remember. dapat nga mag pasalamat ka pa dahil nahalikan mo ako. alam mo ba kung gaano karaming babae ang gustong mahalikan ako" mahanging sabi nya kaya binatukan ko sya ng malakas.
"So lumabas pala kagabi ang tinatawag nilang Ruthless Devil Mafia Boss" nakangising sabi ko na ikinawala ng ngiti nya. Tumayo naman ako saka nag lakad papalapit sa kanya at tinapik tapik ang balikat nya.
"Tara na" akit ko sa kanya. Tango lang isinagot nya.
The Ruthless Devil Mafia Boss ang totoo lang nabasa ko lang yon sa internet yon kase ang lagi kong nakikita pag ang pinag uusapan nila si ryu. lagi Kung nababasa sa internet na parang demonyo si ryu pag nakikipag laban sa mga kalaban nya sa mafia.
Ang hirap lang paniwalaan non kase ang nakilala kong ryu ay kabaligtaran sa lahat ng nababasa ko. Pero ngayong si Xander na mismo ang nag sabi parang gusto ko ng maniwala.
Wala naman akong pakealam sa kung ano sya pag ang kaharap nya ay mga kalaban nya sa mafia. As long sa totoo sya sa mga pinapakita sa amin ok na yon.
Kung pumapatay man sya ng tao tatanggapin ko parin sya dahil
gusto ko sya. at alam ko rin naman na ginagawa nya lang yon dahil kailangan.(END OF CHAPTER 17)
A/N : ❤❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)
Novela JuvenilShe's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana. because SHE FELL IN LOVE WITH A MAFIA BOSS. Date Started : March 16 2022 Date Ended : May 6 2022