Chapter 56
RYU'S POV
Isang buwan nang hindi bumabalik saamin si floricel pati si steven alam kong mag kasama sila kaya sigurado akong ligtas ang mahal ko pero hindi parin ako mapakali dahil sa nangyari sa kanya nong araw na yon at dahil sakin yon. kung sana sinagot ko ang tawag ni steven non. kung sana hindi ko pinatay ang cellphone ko non dapat kasama ko ngayon si floricel.
Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga millazo. sa loob ng isang buwan wala akong ibang ginawa kundi ang mga inom. sila shaun naman ay ginagawa na rin ang lahat ng kaya nila para hanapin sila floricel pero wala talaga.
Nag tatawanan sila shaun ngayon pero alam kung deep inside nasasaktan sila at miss na miss na nila si floricel.
At ang tatlong walang hiyang nang-rape sa babaeng mahal ko ipina-kulong sila ni steven pero kinuha ko rin sila sa kulungan dahil hindi ako papayag nang hindi ako nakaka ganti.
Hindi pa alam nila Tito at Tita na nawawala ang anak nila at sigurado akong pag nalaman nila mag wawala sila. hindi naman pwedeng tumulong saamin ang mga Villamerious dahil ang tatay ni Steven ang nag tago kila floricel... hindi pwedeng maki-alam ang mga Villamerious sa mga gantong usapan. kasama yon sa mga Batas na sinusunod nila.
Napatingin ako sa pintuan ng may maramdaman akong presensya don. Iniangat ko ang ulo ko at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita si steven na nakatayo sa may pintuan.
"STEVEN" sabay sabay na tawag nila shaun kay steven
"Nasan si floricel?" tanong nya na ikinatayo ko sa kinauupuan ko. nakita kong napatigil din sila vernon dahil sa tanong nya.
Gago ba sya?
Nanlaki naman ang mata ko ng biglang yumakap sakin si hestia at may ibinulong.
"Kuya Alam ko na kung nasaan si floricel"
Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko narin napansin na naka alis na pala si Steven.
Fuck..
"Nasa isang isla sila ni Steven nakatira may maliit ma bahay don.. Nalaman ko rin na ilang beses syang nag tangkang mag pakamatay..."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa sinabi ni hestia sila shaun ay bigla ring napa upo at sunod sunod na nag-mura.
Tatayo na sana ako para puntahan kong nasaan man si floricel pero pinigilan ako ni hestia. kunot noo akong tumingin sa kanya pero umiling iling lang sya at pina-upo ulit ako.
"Sa Tingin mo bakit ginusto ni floricel na lumayo? sa tingin mo bakit gusto nyang wag kang makita?" sunod sunod na tanong nya. umiling iling lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.
"Lumayo sya dahil gusto nyang maka pag isip-isip kailangan nya ng tahimik na lugar kung saan makaka-pag isip sya ng maayos. at ayaw nyang makita ka dahil nahihiya sya.. sigurado akong sa mga oras na to nandidiri sya sa sarili nya.. ayaw ka nyang makita dahil natatakot sya na baka hindi mo sya matanggap.. ang kailangan nya ngayon ay pag unawa mo Kuya ang kailangan nya ngayon ay isang taong makaka-intindi sa kanya at sa ngayon ng taong yon ay si Steven. Biktima rin ng Rape ang ate ni Steven kaya alam nya ang gagawin ngayon. hindi nya hahayaang matulad sa ate nya si floricel.. at kung na tatakot ka na baka habang wala ka ay magustuhan nya si steven dapat mag tiwala ka kay floricel at Steven mahal ka ni floricel at alam ni steven na mahal nyo ni floricel ang isa't isa kaya hindi sya gagawa ng ikaka sira nyo at kung dumating man ang sa puntong mahalin ni floricel si Steven kailangan mo yong tanggapin para sa ikaka buti mo, ninyong lahat.. Dito ka nalang sa bahay panoodin mo sya mula sa malayo at kapag handa na syang makita ka at kapag tanggap na nya ang mga nangyari sa kanya sya mismo ang lalapit sayo."
Sobrang haba ng sinabi nya pero lahat ng yon ay naintindihan ko. tama sya. siguro kaya ayaw pa akong makita ngayon ni floricel dahil iniisip nya na hindi ko sya matatanggap pero mali sya. kahit na anong mangyari tatanggapin ko parin sya dahil mahal ko sya at kapag mahal mo ang isang tao handang tanggapin kung ano at sino man sila.
I Will Wait for you my love my baby floricel kahit na gaano katagal mag hihintay ako. hinding hindi ako susuko kaka-antay sayo dahil mahal kita.
"Mag bibitaw na ako sa pagiging mafia boss. Gusto ko na ng tahimik na buhay yong walang gulo." naka ngiting sabi ko na ikina laki ng mata nilang lahat.
Hindi ko nalang sila pinansin at lumabas na ako ng mansyon. sumakay ako sa kotse ko at pinaandar yon papunta sa mansyon ko.
Nang maka pasok ako sa mansyon ay lahat ng katulong ay nag si yukuan saakin. "Butler Mico Ngayong araw na to gusto kung sabihin na aalis na ako sa pagiging mafia boss. this mansyon sa inyo na ito kayo na ang bahala dito." nakangiting sabi ko sa kanya. Mag sasalita pa sana sya pero pinigilan ko na sya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako
ng maka-labas ako ng mansyon ko. Mag tatayo ako ng sarili kong bahay yong simple lang yong kasya lang ako si floricel at ang mga magiging anak namin. dahil simula palang yon naman talaga ang pangarap ko ang mag karoon ng tahimik at maayos na buhay malayo sa gulo.Mag Hihintay ako mahal ko. Mag hihintay ako hanggang sa handa ka ng makita ako. Hihintayin ko ang panahon na matanggap mo na ang mga bagay na nangyari sayo. at sana pag dumating ang araw na yon ako parin ang mahal mo. Dahil ako ikaw lang. ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. sana mahanap mo na ang sarili mo.. MAHAL NA MAHAL KITA FLORICEL at mag iintay ako kahit na gano pa katagal.......
(END OF CHAPTER 56)
A/N : Mahirap pakisamahan ang TIME o ORAS....
BINABASA MO ANG
MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)
Teen FictionShe's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana. because SHE FELL IN LOVE WITH A MAFIA BOSS. Date Started : March 16 2022 Date Ended : May 6 2022