A/N : POV parin to ni Ryu hmm ito yong mga nangyari sa loob nong isang linggong nasa hospital si floricel.
Chapter 41
"Boss anong gagawin natin sa kanya?" rinig kong tanong sakin ni mico ang butler ko. nandito kami ngayon sa mansyon ko nalaman ko kase na may mga espiya pala sa loob ng masyon ko mabuti nalang at nalaman ko kaagad.
Nasa hospital parin ngayon si floricel ayaw pa daw nyang umuwi kaya don muna sya at masarap daw kase ang pag kain don. minsab baliw rin ang girlfriend kong yon may pag ka isip bata rin.
Isang linggo na kaming hindi nag kikita pero nag kakausap kami sa cellphone at saka nag sabi naman ako sa kanya na isang linggo akong mawawala dahil aayosin ko na ang mga dapat kong ayosin lalo na ngayong nalaman ko na nakipag sabwatan ang black mafia organization sa mga yakuza para mapa bagsak ako at ang mga millazo.
"Sinong nag utos sayo na manmanan ako?" tanong ko don sa lalaking espiya na nahuli namin kanina lumapit ako sa kanya pero hindi parin sya nag salita.
"Patayin nyo nalang ako dahil wala rin naman kayong makukuhang impormasyon saak–"
*BANG* *BANG*
Hindi ko na sya pinatapos mag salita. madali lang naman akong kausap at saka kahit hindi nya sabihin papatayin ko talaga sya. dalawang beses ko syang binaril sa ulo
"Butler Mico bahala ka na jan"
"Copy Boss" tinanguan ko lang sya saka lumabas ng kwarto. kailan kong maligo dahil natalsikan ng dugo ang damit ko. pupuntahan ko si floricel sa ospital dahil alam kung naiinip na yon don.
Hindi rin alam nila tito saka nila shaun na nasa ospital si floricel ayaw nyang ipaalam baka daw pabalikin sya sa italy. sa isang araw na ang birthday nya kaya nag hahanda na rin ako ng surprice para sa kanya plano ko kaseng mag propose sa kanya alam ko namang masyadong mabilis pero wala eh mahal ko sya at gusto ko syang makasama habang buhay.
"Ah Nandito pa ba si Floricel Valencia?" Tanong ko sa isa sa mga nurse ng maka rating ako sa hospital.
"Sir kanina pa po sya naka labas may kasama po syang lalaki ang pangalan po ay ian dave peterson" nag pasalamat ako don sa nurse bago sumakay ulit sa kotse ko. naka labas na pala sya hindi manlang sinabi sakin at talagang kasama pa nya si ia kung hindi ko lang alam na may babae ng kinababaliwan si ian ngayon eh.
*PHONE RINGING*
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog yon. "Baby Nasa school na kami tuloy ang pag papanggap natin gusto ko lang pag laruan yong carol na yon" mag sasalita pa sana ako pero pinatayan na nya ako. grabe talaga yong babaeng yon nakalimutan atang boyfriend nya ako.
Ngayon ko lang naalala yong carol na yon mabuti nalang at isang linggo nya akong hindi ginulo dahil kung ginulo nya ako baka sya ang napatay ko. mukang nag eenjoy naman ang baby ko pag pinapahirapan nya si carol kaya syempre papayag ako.
Pero may isang bagay na gumugulo sakin kanina pa. kung si erika ang nag tatangka sa buhay ni floricel sino naman si aeron? anong dahilan nya bakit nya pinana si floricel? isang linggo ko na ring hindi nakimita ang lalaking yon huling kita ko pa sa kanya ay nong dinala nya sa hospital si floricel.
*1 Message from MY GIRL*
"Wag ka ng magalit jan ay I Love You Baby mwa" bigla akong napangiti ng mabasa ko ang text nya. pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa school.
Nang makarating ako sa school ay naabutan kong pinag tutulungan si carol nong mga babae pero imbes na tulungan ko sya ay pinanood ko lang na bugbugin sya. ang totoo nyan ako ang nag utos don sa mga babae na gawin yon kay carol.
BINABASA MO ANG
MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)
Teen FictionShe's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana. because SHE FELL IN LOVE WITH A MAFIA BOSS. Date Started : March 16 2022 Date Ended : May 6 2022