CHAPTER 62

2K 33 1
                                    

Chapter 62

FLORICEL'S POV



Katulad nga ng inaasahan ko pag nag pakita ako kila mom and dad hindi na nila ako papaalisin ulit pag katapos kase nong proposal sa mansyon nila kami.pumunta para daw maka kain na kami. naMiss din daw nila ako kaya gusto nila akong makasama dahil malapit na raw akong ikasal baka maka limutan ko na sila.



"Steveb Can We Talk" tanong ko kay steven tumango lang sya saka inaya ako sa labas. maingay kase dito sa loob ng mansyon dahil   nag pa-party sila mom and dad. Welcome party daw.


"Anong pag uusapan natin?" tanong nya. huminga muna ako ng malalim saka nag salita.


"Thank You For Everything" naka ngiting saad ko


"Ako nga dapat ang mag thank you sayo dahil itinuring mong anak si seven kahit na hindi mo naman sya anak. Sigurado akong magiging mabuti kang ina sa mga magiging anak nyo ni ryu."


"Tss. Mag asawa kana kase biruin mo hindi ka parin marunong mag lagay ng necktie" pangaasar ko na ikina simangot nya.

Hindi kase talaga sya marunong mag lagay ng necktie. ilang beses ko narin syang tinuruan pero hindi talaga sya natututo.


"Pero seryoso Steven Thank You Talaga sa lahat. sa pag liligtas sakin siguro kung hindi ka dumating pinatay na nila ako. Kung hindi mo ako pinigilan sa mga pag tatangka kung mag pakamatay baka wala na ako ngayon. Thank you din kase palagi mong ipinapaalala kong gaano ako kamahal ni ryu." seryosong sabi ko at niyakap sya...


"Kaibigan kita at Kaibigan ko rin si ryu kaya hindi ka na dapat mag pasalamat.. pero bakit steven lang ang tawag mo sakin? mas matanda ako sayo ng limang taon dapat kuya ang tawag mo sakin"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Mas matanda sya ng limang taon? WTF! pero akala ko mag kaseng age lang kami kase highschool din sya. Ibig sabihin kung 21 na ako 26 na sya..


"Nandito lang pala kayo" saad ni ryu na bigla bigla nalang sumulpot lumapit sya saakin at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.


"Si Seven naka tulog na sya sobrang napagod ata kaya dinala ko muna sa kwarto."

"Tapos na ba kayong mag usap?" tanong pa nya. tumango lang ako saka hinila sya papasok sa loob ng bahay. si steven naman ay nag paiwan muna sa labas tatawagan lang daw nya ang secretary nya dahil may ipapagawa sya. malay ko ba don kay steven tapos na ang office work pero tatawagan parin ang secretary nya.



"I Love You" napatigil ako sa pag lalakad dahil sa sinabi ni ryu. humarap ako sa kanya at matamis syang nginitian.

"I Love You Too" dumukwang ako papalapit sa kanya at mabilis syang hinalikan sa labi. muka namang nagulat sya sa ginawa ko dahil sa panlalaki ng dalawa nyang mata. Mag sasalita pa sana sya pero tumakbo na ako papunta sa garden.


Nang maka rating ako sa garden ay humiga ako sa damuhan at tumingin sa langit gabi na ngayon kaya marami ng star. naramdaman ko namang may tumabi sakin.


"Bakit ka tumakbo?" tanong nya pero hindi ako sumagot nanatili lang akong naka tingin sa langit.


"Nong mga nakaraang taon na wala ako anong mga ginawa mo? may naging girlfriend ka ba?" tanong ko sa kanya na ikina tahimik nya.



"Syempre meron diba.. Sa gwapo mo ba namang yan lalapitan ka talaga ng mga baba–"


"WALA akong naging ibang karelasyon dahil pag may lumalapit saakin ay sinasabi ko sa kanilang kasal na ako at may mga anak na tayo" pag puputol nya sa sasabihin ko gamit ang seryosong boses.



"Talaga? sayang naman wala akong masasabunotan o kaya masasampal kase nilandi nila ang fiance ko.. naalala ko hindi naman tayo nag break" kunwaring inis na sabi ko ang totoo naman kase nyan alam kung wala syang ibang naging girlfriend malamang loyal sakin ang isang to.

"Kung ano anong pinag sasabi mo inaantok kana ba?" tanong nya napansin ata nyang kanina pa ako hikab ng hikab.


"Hindi ako makakatulog masyado silang maingay sa loob" sagot ko bumangon naman sya sa pag kakahiga saka humarap sakin.


"Don nalang tayo sa bahay tapos tayo naman ang gagawa ng ingay.. yong ingay na masarap sa tenga" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. naramdaman ko rin ang pag iinit ng pisnge ko.


"Manahimik ka nga" saway ko sa kanya pero ang luko tinawanan lang ako.


"Bakit naman? Pwede naman nating unahin yong anak kesa sa kasal diba?" mas lalo akong namula dahil sa sunod na sinabi nya.


"Buohin na natin yong panganay natin" bulong nya sa tenga ko at mahina pa yong kinagat na ikina-tindig ng balahibo ko. bakit hindi ko napansin na nasa likod ko na pala sya?


Napalunok nalang ulit ako ng hinalikan nya ang balikat ko. Naramdaman ko ang pag iinit ng katawan ko kahit mahangin dito sa labas.

"Tara sa bahay" mag sasalita pa sana ako ng bigla nya akong binuhat na pang bagong kasal nang maka rating kami sa parking lot ng mansyon ay maingat nya akong pinasok sa kotse nya.

Pumasok na rin sya sa kotse at nag simulang paandarin yon nanatili nalang akong tahimik dahil hanggang ngayon ay hindi parin nag si-sink-in sa utak ko ang mga ginawa nya.












NANG Maka rating kami sa bahay nya lumabas na kami sa kotse.

"Joke lang yon ano kaba may ipapa kita lang ako sayo kaya tayo pupunta dito" biglang sabi nya at hinawakan ang kamay ko na nanginginig na hindi ko alam kung bakit ako nanginginig siguro dahil bumabalik nanaman sa alaala ko ang nangyari non.

"Tara wag mo ng isipin ang bagay na yon hindi kita pababayaan hanggang nabubuhay ako walang makaka panakit sayo." ani pa nya at inakbayan ako saka sabay kaming pumasok sa bahay nya.

"Remember the boy that you saved years ago yong anak ni erika uuwi na sya dito sa pilipinas ang sabi nya sakin gusto ka nyang makita para maka pag pasalamat sayo ng personal"

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi nya. kamusta na kaya ang batang yon ngayon?.

"I Saw this necklace nong araw na dinala mo sya sa ospital nahulog mo to non" may iniabot syang kahon sakin kinuha ko yon saka binuksan.

"Itinago ko yan non dahil umaasa ako na makikita ulit kita at tama nga ako pero nawala ko eh tapos ngayon ko lang nahana–"

Hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita niyakap ko sya ng sobrang higpit.

Ang kwintas na laman nong kahon ay ang kwintas na regalo sakin ni patricia ang bestfriend ko. sobrang tagal ko ng hinahanap yon akala ko nawala ko na talaga

"I Love You Ryu... Mahal na Mahal kita"




(END OF CHAPTER 62)

A/N : Isang Chapter nalang Epilogue na..😭😭😭 naiiyak na agad ako... Bye bye na Ryu and Floricel....

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon