CHAPTER 35

1.9K 36 1
                                    

Chapter 35

"I'm Hestia Villamerious" pag papakilala nya. Tingin ko sya ang bunsong Villamerious.

Matangkad , Maputi at may napaka habang kulay Violet na buhok ang mga mata nya ay kulay Violet din. hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan yon ng kulay pulang mask.

"Inutusan ako ni papa na bantayan ang mansyon nyo dahil may nag babanta daw sa mga buhay nyo. kanina bigla nalang may mga lalaking pumasok sa mansyon nyo at nanggulo mabuti nalang at tinawagan kaagad ako ng mga tauhan ko kung hindi baka hindi nyo na sila naabutan ng buhay."

mahabang sabi nya habang nag lalakad sumu-sunod lang kami ni ryu sa kanya.

Black Mafia Oraganization sila lang naman ang nag tatangka sa buhay namin kaya sigurado akong sila ang may kagagawan nito

"Black Mafia Organization Matagal na rin silang sakit ng ulo saamin pero don't worry ibibigay ko sa inyo lahat ng impormasyong kailangan nyo.. pati na kung sino ang bago nilang leader ngayon" dagdag pa nya na ikinalaki ng mata ko.


Kilala na nya pero pano? I mean kami kase nahihirapang malaman kung sino ang leader tapos sya alam na nya agad. Parang nagiging idol ko na sya. ng cool nya kaseng tingnan at mag salita.


"By the way mag jowa ba kayo?" biglang tanong nya na ikina nganga ko. naramadaman ko namang inakbayan ako ni ryu kaya napatingin ako sa kanya.

"Sana mag tagal kayo at sana rin malampasan nyo lahat ng pag subok basta palagi lang kayong mag titiwala sa isa't isa sa ganong paraan magiging maayos ang relasyon nyo" nakangiting sabi nya at humarap sa amin. tumigil kami sa tapat ng kulay asul na pintuan


"Hindi ko na kayo masasamahan sa loob dahil may gagawin pa ako see you soon" pag papaalam nya at halos manlaki ang mata namin ni ryu ng tumalon sya sa malaking bintana na katabi lang namin.



Sinilip namin sya pero wala na sya ang bilis nyang kumilos. pwede kaya akong mag paturo sa kanya ng ganon?

Napailing iling nalang ako at binuksan ang kulay asul na pinto. bumungad saamin ang nag tatawanang sila  kuya shaun samantalang nakahiga sa kama sila ian na mahimbing na natutulog.

"Ate Floricel kuya Ryu" pag tawag samin ni herra na ikina tingin sa amin nila kuya shaun. Lumapit sa akin si herra at niyakap ako na ikina gulat ko.

Naramdaman ko nalang na nababasa na ang damit ko. umiiyak ba sya?

"Ate akala ko mamamatay na kami buti nalang dumating yong wierd na babae nilabanan nyang mag isa yong mga lalaki kanina"


ang babaeng villamerious ba ang tinutukoy nya?

"Don't worry hindi ko na kayo ulit iiwan" saad ko habang hinahagod ang likod nya para tumigil sya sa pag iyak. tumingin naman ako kila kuya shaun. tipid silang ngumiti sa akin.

"Ian , Xander , James and Steven Wake Up" pang gigising ko sa apat. sabay sabay naman silang nag simulat at nanlalaki ang matang tumingin saamin ni ryu.

"Aalis na tayo baka makaabala pa tayo sa mga villamerious"

"Hindi naman kayo nakaka abala." sabay sabay kaming napa tingin sa may pintuan ng may mag salita don.


MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon