Chapter 27

36 1 0
                                    

CHAPTER 27

Running.




"We're not compatible."


Umirap lang ako. Konti na lang at babatukan ko na 'tong lalaking 'to. Kung di lang niya nilibre ngayon, siguro pang-ilang batok na ang nakuha niya sa akin.


"Ewan ko sa'yo, Castellar. Matanda ka na." I said as I sipped on my milk tea.


Nilibre kasi ako ni Ice ngayon, nagpasama lang naman ako sa doktor ko. Si Eris sana 'yun kaso busy sa kanyang pag-aaral, seryoso na rin 'yun dahil gusto nang makagraduate.


"Maghanap ka na lang ng ibang babae." I suggested. Natanong ko kasi kung kumusta na sila ni Patricia. Last time I saw him was noong nagdate sila for the 8th time. Alam ko 'yun sympre dahil kasama ako. Then after 'non, wala nang date. Kaya pala hindi na ako nayaya, break na pala sila.


Hindi ko nga alam kung mahal nila ang isa't isa. Para kasi silang mag bestfriend. You know, may feeling talaga tayo na bagay lang ang dalawang tao as a friend, and 'yun ang nakikita ko kay Ice at Pat.


"I have my standards, Sanchez." Simpleng sabi niya. Parang hindi naman 'to nasaktan.


"Mahal mo ba si Pat?" Diretsahang sabi ko. Napaubo naman siya,


"What kind of question is that?" Parang umurong na tuta 'tong kasama ko ah.


"Mahal mo ba? Kasi alam mo, kung ako ang tatanungin, bagay lang kayo as friends talaga. No offense ha, pero that's what I see in your relationship. Barkada goals." Direktang sabi ko. Mangha niya naman akong tiningnan na parang ngayon niya lang ako nakikitang nagserseryoso sa pagsasalita.


"Wow. Wait. Ganyan ka na pala magsalita, Sanchez? Nakamove on ka na?" Panunuya nito.


Hinampas ko na siya talaga. Kaya lang tawa lang siya ng tawa. Humawak pa nga siya sa kanyang tiyan na akala mo lalabas na ang bituka sa kakatawa. Ewan ko ba sa lalaking 'to!


Tumayo na ako at kinuha ang mga shoulder bag ko sa gilid. Aalis na lang ako. Tumayo naman si Ice at hinawakan ang palapusuhan ko,


"Wait! Teka lang." Natatawa pa niyang sabi. Umirap lang ako at pinanood siyang pinigilan ang kanyang tawa.


Naglakad na kami palabas papuntang parking.


"Di ka naman mabiro. Actually, I'm also fine being friends with Pat. It was a mutual decision of us to break up." Sabi niya nang pagbuksan niya ako ng pintoan sa shot gun.


Hindi na ako nagsalita. Kinakabahan lang ako ngayon. Wala ako sa mood dahil ngayon daw ang result ng board exam. Kung kanina'y patawa tawa or pairap-irap lang ako, pwes sa kalooblooban ko kinakabahan ako.

His Everyday Nightmare (El Vergara Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon