Chapter 13

25 2 0
                                    

CHAPTER 13

Captured.



"Ew, ang fishy niyo naman te," Pagkantyaw ni Resa.


Umirap lang ako, "Humanap ka ng boyfriend mo rin. "


Tumawa siya, "Afam pwedi?"


Tumawa naman ako at sasapakin na sana kaya lang agad siyang tumakbo palabas ng kitchen.


Loko yun ah!


The whole day isn't a joke. Madami ang mga guest dahil puno ang mga kwarto. I'm so busy with my work as well as Rejun. Si Resa lang ang free all day. She keeps on capturing people and other things, mapa bulaklak man. She have DSLR, regalo ni Mama Rhea sa kanya.


"Smile ate,"


I smiled when she captured me working on something.


"Ganda!" She replied,


"Picturan mo rin ako te," Ibinigay niya sa akin ang kanyang camera at pumwesto sa sofa. Typical na umupo lang siya at ngumiti.


I somehow felt something uneasy, weird and emotional seeing Resa happy in this picture.


"Tama na, ate. Marami na 'yan."


Lumapit siya at kinuha ang camera,


"Saan pweding pang profile sa Fb, ate?" Sabi niya sabay pakita ng mga kuha ko.


"Kahit saan diyan, maganda ka naman." I smiled to her,


"Bola pa!"


Umalis na siya at nagpatuloy sa pag picture ng ibang mga bagay.


She's taller than me, inch taller. Pero mas matangkad si Rejun. Kaya nga napagkamalang ate minsan si Resa kaysa sa akin. I somehow feel the presence of being an Ate to the twins, and It made me happy of their presence always. Hindi ako nasanay na wala sila.


At the end of the day, all of us are tired. Pati si Rejun ay nakatulog na sa sofa rito sa kitchen. Hinayaan ko na lang at ako na ang naghugas ng mga pinggan. The entire day also, I didn't saw Jai, kahit noong lunch break. Iba siguro ang kanyang area, or baka kasama niyang naglunch ang ibang mga trabahante.


Pagkatapos ay ginising ko na si Rejun para sabay na kaming umuwi, medyo madilim na eh.


"Dito ako matutulog ate," Sabi niya,


"Bakit ayaw mong umuwi?" I asked,


"Ayoko lang," Umalis na siya at diretso na sa attic.


His Everyday Nightmare (El Vergara Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon