Third POV
Nakalabas na sila ng kampo at naghihintay ng masasakyan papunta sa bayan.
Biglang may huminto na sasakyan sa harap nila at tinignan ito ni kim.
"Pst! Bayan kayo?" Sabi nung babae na nag maneho ng sasakyan
"Opo sana pero naghihintay po kami ng masasakyan eh" sagot ni jin sa babae
"Tara! Sumakay na kayo sa akin baka matagalan kayo dito kaka antay ng masasakyan" sabi ng babae sa kanila
"Jin wag? Baka niloloko lang nyan tayo eh? " Mahinang suway ni kim kay jin para hindi marinig ng babae
" Ano ba kayo wag na kayong matakot tsaka di ko naman kayo lolokohin" tawang sabi ng babae sa kanila
Nag alinlangan pa si kim sa una pero wala na syang nagawa nang hinila siya ni rujin papasok ng sasakyan ng babae.
" Alam ko nasa isip mo Miss" sabi ng babaeng namamaneho na animoy nababasa niya ang isip ni kim.
"Taga kampo rin ako haha' naka base ako sa hukbong pandagat" pag anunsyo ng babae sa dalawa
Nagulat naman ang dalawa at biglang nanigas sa kanilang upoan.
"Sorry po ma'am" pag hingi ng tawad ng dalawa sa babae
" Hahaha ano ba kayong dalawa nasa labas naman tayo kaya wag nyo na akong tawaging ma'am" tawang sambit ng babaeng nagmamaneho
" Pasensya na po " sabi ni kim na nakayuko
"Okay lang tsk!" Iling na sabi ng babae
Makaraan ang isang oras na byahe mula sa kampo papuntang bayan ay nakarating narin sila. Huminto na ang kotseng sinasakyan nila.
"Pano ba yan dito ko na kayo ibababa kasi may pupuntahan pa kasi ako"
"Sige po ma'am maraming salamat po sa pagpapasakay sa amin" sabi ng dalawa sa babae
"Ano ba kayo sabing wag na ma'am itawag nyo sa akin eh.. ano na lang pag nasa labas tayo ng kampo tapos nakita tayo ate Seul nalang itawag nyo sakin okay? " Sabi ni seul sa dalawa
"Opo ate seul' pero pano pag nasa loob po tayo ng kampo tapos nag kita ulit tayo, ano po itatawag namin sa inyo?" Tanong ni kim kay seul
"Senior officer Kang itawag nyo sa akin pag nasa loob tayo ng kampo okay" sagot ni seul kay kim
"Okay po ate" sabi ni jin
"Oh sya alis na ako baka malate pa ako sige una na ako sa inyo tsaka enjoy muna kayo sa ngayon haha"
"Ingat po ate"
Ngumiti lang si seul sa dalawa at pinaharurot na ang kotse paalis.
" Saan tayo mauuna kim?" Tanong ni jin kay kim
"Diba sabi mo may alam kang kainan dito?" Tanong pabalik ni kim
"Ahh ou nga pala haha sorry tara!" Sabi ni jin tsaka nag umpisa na sila maglakad
Maraming tao silang nakasalubong sa daan, napaka busy ng daanan. May nagtitinda sa gilid ng mga palamuti at ng kung ano ano pa.
"Minsan na akong naka punta dito noong kasama ko mga kaklase ko" pag kwento ni jin
"Tsaka ko sinabi na may alam akong kainan kasi alam ko na ang pasikot sikot dito" tumango lang si kim habang nakikinig
Habang naglalakad ay may nakita si kim na isang bagay na naka agaw tingin sa kanyang mata. Isa itong palamuti sa buhok na sinsout ng mga babae.
Nang makita nya eto kay huminto sya saglit.
" Saglit lang jin" sabi nya na ikinataka naman ni jin kung bakit
Kinuha nya ang bagay na iyon at tinignan ng maigi.
" Mahilig ka pala sya mga ganyan buddy"
" Hindi naalala ko lang yung inay ko' gustong gusto niya kasi ang mga ganitong mga palamuti sa buhok" sagot ni kim habang naka tingin sa bagay na hawak nya
" Ahh ganun ba.. bilhin mo na lang kaya para pag uwi mo may maipasulubong ka sa inay mo" saad ni jin
Di nag tagal ay tinanong na ni kim kung magkano eto at agad nyang binili. Sumang ayon si kim sa sinabi jin na bilihin ito para pag umuwi siya sa kanila ay may pasulubong sya kanyang inay.
Nag iisang anak lang na babae si kim at may dalawa pa syang kapatid na lalaki.
Ang unang nakakatandang kapatid nya ay may asawa na at ang pangalawa ay nasa malayo nag tatrabaho.Si kim lang ang nag iisang anak na pumasok sa isang hukbong pandigma, noong bata pa sya ay lagi nya hinahangaan ang kanyang lolo na isang major sa isang hukbo kaya napag isip nya na kapag lumaki na sya ay gusto nyang matulad sa kanyang lolo na isang sundalo.
Kaya heto at naka pasok sya pero bilang isang hukbong pamhipapawid.
"Tara na buddy gutom nako" pag angal ni jin na syang ikinatawa ni kim
Agad naman silang nag tungo sa kung saan sila kakain.
BINABASA MO ANG
The Untold Love Story (On-hold)
FanfictionA soldier named SGT. Kim esguera (winter) was fall inlove to the daughter of a noble man Miss Anastasia Madrigal (karina) but unfurtunately the war begins. 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑒𝑛𝑡... Where Jimin grandaughter of anastasia accidentally found a pictu...