TULS (3)

207 14 2
                                    

Esguerra POV

Tunog ng mga kubyertos ang tanging maririnig sa loob ng kainan. Ingay ng mga tao sa kusina na naghahanda ng makakain para sa mga taong nag hihintay ng kanilang pagkain.

May mga taong nag uusap usap sa bawat kabila ng sulok dito sa loob ng kainan. Nabalik lang ako sa wisyo ng mag salita na si jin.

"Pagtapos dito punta tayo doon sa isang theatro na alam ko, sure akong magugustohan mo don" alok nya sa akin

Tapos na akong kumain kaya uminom na ako ng tubig at pinunasan ang aking labi.

"Hmm dalian mo na dyan baka maubos pa yung natitirang oras natin at di tayo maka pag liwaliw ng todo"

Tumawa lamang ito at binilisan na nya ang pagkain. Di naman ako gaanong gutom kaya konti lang yung kinain ko.

Hinintay ko lang jin na matapos at tinawag ang isang crew ng kainan para hingin ang kung magkano lahat ang kinain namin. Nag bayad na kami at lumabas na.

Nang palabas na kami ay may nadapa na babae sa aking harapan.

"Ouch! Ano ba stella dahan dahan naman!" Angal ng babae dahil sa sakit ng kanyang pagkadapa

"Ang bagal naman kasi insan baka pagalitan pa tayo ng ama mo?" Sabi ng babaeng nag ngangalang stella

Inilahad ko ang palad ko sa babae at gulat nyang tinignan ito. Di nag tagal ay inabot nya rin ito at inalalayan ko syang tumayo.

"Miss okay ka lang?" Pag aalala kong tanong sa babae

"Uhmm.. ou salamat" inalis na nya ang kanyang kamay sa palad ko tsaka pinagpag yung sout nya

"Ehem! Ano na tasha?"

Nakita kong sarkastikong nangisi si stella sa babae. Di ko namalayan ay nasa tabi ko na pala si jin at siniko ako at biglang bulong sa tenga ko.

"Buddy kay swerte mo nga naman ohh.."

Baliw ba to? Tinulongan ko lang naman etong babae makatayo..

"Ulol bigwasan kita dyan eh" sagot ko kay jin

"Eto naman di mabiro" lumayo ang mukha nya

"Uhmm... Salamat uli- what's your name?"

"I'm Kim Esguera" inilahad nya ulit ang kamay nya para makipag kamay at inabot ko rin ito

" I'm Anastasia Madrigal" nakangiting pagpakilala ng babae sakin

Biglang bumilis ang kabog ng puso ko habang hawak ko ang kanyang palad sa aking kamay. Malambot ang palad neto na animoy walang ginagawa sa bahay.

Saglit rin kaming nagka titigan bago ko binitiwan ang kanyang kamay.

"Nice to meet you Kim"

"Nice to meet you Anastasia"

"Ako naman si stella" singit nang isang babae sa harapan namin

"At ako naman si Ryujin, jin nalang itawag mo sakin" biglang inabot ni jin ang kamay ni stella.

Sumimangot lang si stella kay jin dahil akala neto'y aabutin ko rin ang kamay nya gaya ng ginawa sa pinsan nya.

"Mauna na kami kim, see you around" pagpaalam ni anastasia

Yumuko na kami ni jin dahil kami rin ay maglalakarin rin dahil baka maubos ang oras namin at malimutan pa namin na bumalik sa kampo ng maaga.

Umalis sila karina at kami naman ni jin ay nag simula nang maglakad papunta doon sa sinasabing theatro ni jin.

Nakarating na kami sa sinasabing theatro at bumili na rin ng ticket para makapasok kami sa loob. Mahaba ang pila ng datnan namin ito.

"Andaming tao' maganda siguro ang palabas ngayon.."

Nang kami na ang susunod na makapasok, biglang may sumingit na dalawang babae at napataas ang kilay ko ng mapansin ko kung sino ito.

"Uy buddy diba sila yung kanina?" Tanong ni jin sakin

Tumango lang ako at sinundan ko lang ng tingin ang dalawang babae.

Di nila kami napansin haha'..

Napatawa na lang dahil nabunggo pa ako ni stella. Nakapasok na ang dalawa sa loob at kami rin jin.

Madilim sa loob ng theatro at madaming tao ang nanonood. Naka upo kami ni jin sa itaas na bahagi habang yung dalawang babae naman ay nasa ibaba.

Biglang may lumapit na matandang babae sa kanila at kinausap sila.
Tumayo na sila at tumingin sa direksyon namin. Nagka tinginan kami ni jin dahil parehas pala kami ng iniisip.

"Pst! Miss anastasia.." tawag ni jin habang kumakaway

Ngumiti lang si karina habang naglakad papunta dito sa pwesto namin.

"Pwedeng tumabi?" Tanong niya

Sakto naman na may bakante pa sa tabi ko.

"Sure dito ka na umupo" alok ko sa kanya

"Thank you" naka ngiti parin ito at umupo na sa tabi ko

"Stella dito ka na rin umupo sa tabi ko hehe" alok ni jin kay stella at umupo na ang dalaga

"Bakit kayo lumipat miss?" Tanong ko kay karina at agad naman itong lumingon sa akin

Magkalapit na ngayon ang mukha namin sa isa't isa. Kunting maling galaw ay mahahalikan ko talaga ito

"Ehem! Magsisimula na yung palabas" biglang saway ni ryujin sa amin

"Sorry hehe ano kasi.. naki usap kasi yung matandang babae sa amin na baka doon na lang sya uupo kasi malapit raw sa pintuan ng theatro at ayaw nya rin umakyat dito sa taas kasi raw sumasakit yung tuhod nya. Naawa naman kami kaya lumipat na lang kami sakto naman tinawag nyo kami kaya heto haha" pagpapaliwanag nya

"Ahh ganun ba" at binalik ko na ang tingin sa harap

"Di ko akalain magkikita ulit tayo at dito pa theatro haha"

"Si ryujin kasi nag alok sa akin na manood ng palabas dito tsaka siya lang naman may alam sa lugar na ito' bago pa lang kasi ako dito" sabi ko kay karina

"Hmm..bago ka lang? Bakit taga saan ka ba?" Tanong nya sakin

"malayo taga ibang bayan kasi ako napunta lang ako dito para mag training sa base militar ng hukbong pampahimpapawid"

"Wow! Really? So isa kang sundalo?" Gulat nyang tanong

Tumango ako at nginitian lang sya

"Manoud na tayo nagsisimula na sila" tumango rin ito at binaling na ang tingin sa harap

Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon, yung ngiti nyang hindi'ng hindi ka magsasawa na tignan at napaka bango nya pa, sa tuwing tinatamaan sya ng hangin ay parang maadik ka sa amoy nya.

Di ko namalayan na naka titig pa ako sa kanya ng napaka tagal ni hindi ko nahalata na naka titig rin sya sa akin.

"Sino ba pinapanoud mo ako or yung palabas?" Sabay turo nya don sa palabas na nasa harap namin

"Sorry hehe" napakamot na lang ako sa batok ko kahit wala namang makati doon

Tumawa lang sya ng mahina at hinawakan nya ang kamay ko.

"Okay lang' alam ko na maganda ako" biro nyang sabi

Nag init bigla yung magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi nya, buti na lang ay madilim dito sa loob at di nya mahahalata.

"Ano pinag usapan nyo?" Biglang singit ni ryujin sa amin at naka tingin rin si stella sa amin.

Umiling lang ako itinuon ang atensyon sa panood sa palabas habang hawak ni karina ang kamay ko na animoy may dumadaloy na kuryente dahil sa nararamdaman kung kakaiba.

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon