Third pov.
Nakahilerang mga sundalo sa gitna ng tirik na araw, nagpamalas ito ng drill sa harap ng mga opisyales nila at meron ring mga naimbitahan na ibang opisyales mula sa karatig na nga hukbo.
Habang naka tingin ang lahat sa ginagawang drill ng mga sundalo at di nila namalayan na may naka pasok pa lang espiya sa kampo habang busy ang lahat, ngunit merong nakakita sa pagpasok ng espiya sa loob.
"Hay nako! Bakit naman kasi paglilinis naman ang ginawang parusa..." Sabi ng sundalo.
Dumaan sa harap nya ang sundalo na nakasout na pang marine at naka sumbrero ng itim.
"Hoy! Teka!" Di lumingon Ang sundalong may sout na marine na uniporme.
"Lah? Lahat ng marine nasa drill bakit andito yun?" Taka nyang sabi kaya't sinundan nya ang sundalo.
Lumiko ito sa isang sulok papuntang opisina ng heneral. Dali-daling sinundan ni Ramos ang nasabing sundalo ngunit tinawag sya ng kaibigan nya.
"Uy! Bud, tawag ka ni officer kang?"
Nilingon nya ang sundalo ngunit nawala na ito.
"Anong ginagawa mo dito? Diba pinaglinis ka ni officer kang sa opisina na gagamitin nya?" Di ito sumagot.
"Tara na baka parusahan kana naman ni officer," hinila sya ng kasama nya pero yung paningin nya di nawala doon sa kung saan nya huling nakita ang sundalong naka sout na marine uniform.
Sino kaya yun?
Napaisip si sarhento ramos, habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang nakakataas na opisyales.
Samantala ang nasabing sundalo ay nakapasok na sa isa mga opisina ng heneral.
"Ho! Muntikan na yun ha?"
Napa buntong hininga ang sundalo at naka sandal ito sa pintuan ng opisina ng heneral.
Nilibot nya ang paningin sa loob ng opisina at nilock muna ang pinto bago lumapit sa mesa ng heneral at hinalungkat ito.
"Saan ba kasi yun naka lagay,"
Pagkatapos nyang halungkatin ang mesa ng heneral ay lumingon ito sa mga drawer na nasa may kanang sulok ng opisina. Di ito mapapansin dahil magka kulay ito ng pader at natatabunan ng puting tela na tila ba parang naka tago.
Lumapit sya dito at binuksan isa-isa ang mga drawer at ng makita na nya ang hinahanap nya ay nilagay nya ito sa loob ng sout nyang uniporme tsaka dali-daling lumabas ng opisina.
Hindi dumaan ang sundalo sa dinaanan nya kanina ngunit lumihis ito ng daan dahil nakita nya sa malayo na may mga sundalong papalapit sa deriksyon nya kaya't madali itong naglakad palabas ng kampo.
Inakyat nya ang bakod sa likod ng mga quarters mga sundalo dahil mababa lang ito. Nang makatawid na ito sa bakod at nakatalon na palabas ay may naka abang na isang sasakyan.
Lumapit ito dito at inabot ang isang envelop na nag lalaman ng mga confidential na dokumento.
"Magaling ka bata, magkita na lang tayo sa kampo dismiss!"
itinaas nito ang kanang kamay at sumaludo ito hanggang sa naka alis ang sasakyan.
"Kim Esguerra magkikita rin tayo' hindi sa ngayon,"
Nakangising saad ng sundalo habang naka tingin ito sa pader sa labas ng kampo.
"adios!" At nag lakad na ito paalis.
*[ Kim Chaewon as Lt. Alex Valderama ]*
"Libutin ang kampo! Baka hindi pa nakaka alis ang taong yun!" Utos ng heneral sa mga sundalo sa sandaling nalaman nya na may nakapasok na tao sa loob ng kampo subalit hindi ito pangkaraniwang tao lang dahil isa itong Espiya.
"Yes sir!" Agad na nag spread out ang mga sundalo.
"May nakakita ba sa pag pasok ng taong yun?"
Tanong ng heneral kay officer kang.
"Yes sir, meron po." Sagot ni officer kang.
"Bring him to my office asap." At umalis na ang heneral.
"Yes sir,"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Teka anong nangyayari bakit nakakalat ang mga sundalo?
Nagtaka si tasha dahil muntikan na syang mabonggo ng isang sundalo habang naglalakad ito hawak ang aparato na dadalhin nya sana sa clinic.
"Tasha," lumingon ito at nakita nyang papalit si kim.
"Kim, anong nangyayari bakit nagkalat ang mga sundalo?" Tanong ni tasha.
Lumingon ito sa paligid at tinignan kung paparating ba.
"May naka pasok kasing espiya dito sa kampo at hinaluhog ang opisina ng heneral kaya't nagpatupad ng search and destroy ang heneral kung sakali mang di pa nakalayo o naka labas ang taong yun dito." Sagot ni kim.
"Ha? Espiya??" Gulat na sabi ni tasha.
"Sshhh.. wag ka sumigaw baka marinig tayo, tsaka konti pa lang ang nakaka alam na may naka pasok na espiya dito sa kampo."
" Ganon ba? " Tumango lang si kim sa dalaga.
" Hintayin mo ko clinic may ibibigay ako sayo pag balik ko," Sabi ni kim habang hawak nito ang kamay nang dalaga na nakatingin lamang sa kanya.
" Okay, pero bilisan mo kasi marami pa akong gagawin baka mahuli tayo ni nurse anne?" Saad ni tasha.
" Mhm, basta hintayin mo ko." Wika nito at hinalikan nito ang pisngi ng dalaga.
" Sige, alis nako baka hanapin ako ni commander." Paalam ni kim at naglakad na palayo.
" Ingat!" Sigaw ni tasha.
Ngumiti lang si kim sa dalaga.
——————————————————————————————
Sa wakas naka balik na rin.. hooo! Akala ko di ko na maoopen itong account ko. Phew..
Hi guys musta? Short update muna tayo guys, tsaka may bagong character na naman na lumabas.
See yah' sa next UD, ❤️ mwuahugs 🥰
BINABASA MO ANG
The Untold Love Story (On-hold)
FanfictionA soldier named SGT. Kim esguera (winter) was fall inlove to the daughter of a noble man Miss Anastasia Madrigal (karina) but unfurtunately the war begins. 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑒𝑛𝑡... Where Jimin grandaughter of anastasia accidentally found a pictu...