Esguerra's POV
Andito kami ngayon sa isang mini forest ng base, may kalakihan kasi itong base kaya't may mini forest sa likod nito.
Napapalibutan ito ng matataas na bakod may matataas na puno na may kulay berdeng mga dahon. mag gagabi na kaya't medyo madilim na ang kalangitan nauna sa akin mag lakad si tasha kaya kita ko ang kabou an ang hubog ng kanyang katawan.
Matangkad, may mahabang buhok na kulay itim at higit sa lahat napaka ganda nya na animoy isang diwata sa kanyang ganda, napapangiti ako sa tuwing nakikita ko sya, maiituring mong napaka perpekto nyang dalaga Kahit sinong lalaki talagang mahuhumaling sa kanyang ganda.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng mabunggo ko ang likod nya dahil nakayuko, tinignan ko sya dahil nakatayo lang sya at may tinitignan sa malayo. Tinignan ko rin ito kung ano ba yun, tanaw sa malayo ang isang maliit na batis na may malinaw na umaagos na tubig.
"Wow ganito pala dito?" Tanong nya
"Di ko alam ngayon ko lang nalaman na may ganyan pala dito, tara! tignan natin" hinila ko na sya papunta sa batis
Namangha sya sa kagandahan nito, malinaw ang tubig na dumadaloy nito malinaw pa future ko di joke lang haha', hinubad ni tasha ang kanyang saplot sa paa iniloblob ito sa mala crystal clear na tubig ng batis.
"Kim! Halika?" Umiling lang ako dahil ayokong mabasa
"halika na.. " pag pupumulit ni tasha
" Ayoko ikaw na lang" tinanggihan ko sya
"Ang oa mo naman? Halika na malamig ang tubig nakakarelax"
Para syang bata na nagtampisaw sa tubig, pinagmamasdan ko lang sya habang nakangiti sa kanya na kanina pa ako inaalok na samahan sya. Nagulat ako ng may tumalsik na tubig sa mukha ko at tinignan ko ang salarin na tatawa-tawa lang.
"Ahh ganun ha?" Hinubad ko ang sapatos ko at iniloblob na rin ang mga paa sa tubig.
Sobrang lamig ng tubig at napatigil ako, naka ngiti parin sya kaya't naisipan ko na basain sya, napatili sya sa ginawa ko kaya't gumanti sya sa akin. Nagbasaan kami at sya namang nagtatakbo kaya nilakasan ko pa ang pag saboy ng tubig sa kanya at sakto ko natamaan ang kanyang mukha.
"Hahaha sorry" masama itong naka tingin sakin kaya't tumakbo nako at umahon sa tubig.
"KIM!!" lagot mukhang napikon ko yata
Isinout ko na ang sapatos ko at dali-daling lumayo ng konti sa kanya.
"Ang daya naman eehh.. bakit sa mukha? Tignan mo nabasa na yung damit ko?"
"Ikaw kaya nauna?"
"kahit na! Bakit kasi mukha??" Umahon na sya sa tubig at nilapitan ko sya.
Binigay ko sa kanya ang jacket ko baka lamigin at magka sipon dahil sa pinag gagawa namin kanina at basang basa na ang damit nya.
T-shirt na lang sout ko ngayon pero okay lang di naman ako gaanong nabasa, inalalayan ko sya hawak ang isag kamay nya habang ang kabilang kamay nya ay hawak yung jacket na ipinatong ko sa kanyang balikat.
"Halika na baka malamigan ka at magka sipon ka pa" tumango lang sya sakin at nag lakad na habang hawak ko parin ang kamay nya
"kim" nilingon ko sya
"Salamat"
"Para san?" Tanong k
"Kasi tinulongan mo ko at dinala mo ko dito sa kampo nyo?"
"Wala yun tsaka ayoko mapahamak ka sa daan kaya dinala na lang kita dito"
Sagot ko sa kanya.
"Nga pala ano nga bang nangyari?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
The Untold Love Story (On-hold)
FanfictionA soldier named SGT. Kim esguera (winter) was fall inlove to the daughter of a noble man Miss Anastasia Madrigal (karina) but unfurtunately the war begins. 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑒𝑛𝑡... Where Jimin grandaughter of anastasia accidentally found a pictu...