Third-person
Kinaumagahan ay nagsimula na ulit ang training nila Kim at Ngayon ay magpapalipad na sila ng eroplanong pandigma.
Excited ang boung kasundalohan dahil may mga bagong dating na eroplano kapalit ng mga eroplanong nasira noong nakaraang digmaan.
"Sa wakas makakapag palipad na ako ng eroplano!" Excited na sambit ni jin
"Di naman halatang excited ka jin" ani akira
"Nong nalaman ko kanina na magpapalipad Tayo Ngayon nawala ang gutom ko" Sabi naman ni yujin
"Eh ikaw kim' excited ka ba?" Tanong ni lili
"Medyo kabado na nga ako paano kung mag crash yung eroplano?"
"Ano ka ba? Wag ka kabahan may kasama naman tayo magtuturo sa atin" ani raider
"Ou nga Kim wag masyadong kabahan" sabay akbay ni jin
Napabuntong hininga na lang si Kim.
Tinawag na sila ng senior officer nila at nag punta na sa hangar.
Sgt. Esguerra ghost fighter plane 5001
Nakalagay sa gilid ng eroplano ang pangalan ng Piloto na gagamit sa eroplano.
"Sgt. Kim Esguerra" tawag ng senior officer nya kaya napalingon sya
"Ito pala ang eroplanong gagamitin mo ingatan mo yan tsaka ako pala ang makakasama sa pag lipad ngayong araw"
" Maraming salamat po sir" sagot ni kim habang nakayuko sa senior niya
" Okay lang yan bata wag kang kabahan"
Sabay tapik ng senior nya sa balikat"oh sya tara na!" Umakayat na silang dalawa sa eroplano at sinout ang mga helmet nila.
Nasa likod si kim nakasakay dahil kailangan nya muna matuto ng pagpalipad ng eroplano, dala dala ang chart na kung saan nailalagay kung ano ang dapat gawin nya at kung gaano kataas ang lipad ng eroplano na dapat nasa sakto lang hindi lalagpas.
Lumipad na sila at bahagyang nalula si kim sa taas ng lipad ng eroplano, tumingin sya sa baba at tanaw nya ang magandang tanawin sa baba at kabouan ng bayan.
"Sgt. Esgguera" rinig ni kim sa headphone na sout nya
"Po? Ay yes sir?" Sagot nya sa senior nya
Napatawa lang ang senior nya dahil alam nitong namamangha ito sa nakita nya sa baba.
"Sgt. Esguerra kumapit ka" at biglang nag exibition ang senior nya
Napasigaw si kim dahil parang bumaliktad ang sikmura nya sa nangyari. Biglang bumaliktad ang eroplano at unti-unting umiikot.
Rinig sa nila ang warning ng tower
"Tumigil ka senior officer jun baka masuka yang kasama mong bata" napatawa lang si senior officer sa sinabi ng nasa tower
(Senior officer Jun - jungkook)
"Relax buddy sinasanay ko lang katawan at sikmura mo kung sakaling nasa totoong digmaan kana"
Tumango lang si kim at hindi na nakapag salita dahil nahihilo na sya dahil sa pag baliktad ng eroplano.
Rinig ang tawa ni senior jun at binaliwala lang ni kim ang hilo at tumingin agad sa harap at maya't maya ay bumaba sa sila mula sa ere at lumanding na.
Pagkababa na pagkababa ni kim ay tumakbo sya palayo at inilabas lahat ng kanina pang gustong lumabas sa sikmura nya.
"Hahaha baliw ka talaga senior jun tingnan mo ginawa mo sa bata mo"
Sambit ng kasama ni officer jun
BINABASA MO ANG
The Untold Love Story (On-hold)
Fiksi PenggemarA soldier named SGT. Kim esguera (winter) was fall inlove to the daughter of a noble man Miss Anastasia Madrigal (karina) but unfurtunately the war begins. 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑒𝑛𝑡... Where Jimin grandaughter of anastasia accidentally found a pictu...