TULS (17)

69 6 0
                                    

Third pov.

Nagulat sya sa sinabi ng lalaking nasa harap nya ngayon.

Napayukom sya ng kamay at napansin naman ito ni tasha at agad itong hinawakan ang kamay.

"Miss umuwi na po kayo"

Sabi ng lalaki.

"Tasha.." at may biglang lumitaw na lalaki sa likod ng dalawang lalaki

Si Manuel..

"Ma-manuel? Anong ginagawa mo dito?"

Nagulat si tasha at napabitaw ito sa kamay ni kim ng makita nya si manuel.

"Andito ako para sunduin ka tasha"

Saad ni manuel.

Napatingin naman si kim kay manuel.

"uhmm.. at sino ka naman?" Tanong ni kim kay manuel.

"ah ako pala si manuel" inilahad nito ang kamay ngunit hindi ito inabot ni kim at tinignan nya lamang ito kaya't pekeng tumawa ang binata at mabilis na binawi ang kanyang kamay.

"pasensya na madumi kasi ang kamay ko" at ipinakita nya ang kanya g palad na may bakas parin ng grasa kaunti.

"No its okay haha" ani manuel

"Ano tash tara na?" Tanong ni manuel

Tumingin si tasha kay kim at kita sa mukha nito ang mga nangungusap na mata.

Mga matang nakikiusap na wag umalis si tasha.

"Manuel pwede bang mag usap muna tayo?" Pakiusap ni tasha

"Sige sure, ano ba yun?" Sagot ng binata

"Yung tayong dalawa lang sana" tasha

Tumango lang si manuel at agad naman na iginiya ni tasha si manuel kung saan sila mag uusap.
















Tasha pov.

Naglakad ako papunta sa isang sulok upang mag usap kami ni manuel, habang sya ay naka sunod sa akin.

Huminto ako at hinarap sya.

"Manuel, pakiusap ayokong sumama sa inyo" panimula ko

"Tasha kailangan mo ng umuwi at yun ang utos ng ama mo" saad nya

"pakiusap manuel ayokong umalis dito sa kampo, tsaka nakasanayan ko na ang mga tao at paligod dito at higit sa lahat napamahal na ako dito sa lugar na to"

"tasha! Wala dito ang buhay mo? Ang buhay mong marangya at may malinis at maayos na tirahan" ani manuel

Nalungkot ako kasi ayaw kong umalis dito sa lugar na toh kasi nakasanayan ko na ang lugar na to at may mga kaibigan akong napamahal na rin sa akin at higit sa lahat si kim.. si kim na mahal ko na rin.

Nag iinit na ang gilid ng mga mata ko at tila may namumuong butil ng luha na nagbabadyang bumuhos.

May narinig akong yapak na papalapit sa amin at lumingon si manuel. Agad akong tumingala at pinunasan ang mga nagbabadyang luha sa aking mata.

"Tasha tapos na kayong mag usap?" Si kim

Nilapitan ko sya at hinawakan sa kamay.

"Kim samahan mo ko"

"Saan?" Tanong nya Ngumiti ako at hinarap muna si manuel pagkatapos ay lumapit ako sa tenga nya.

"Laro tayo ng taguan" bulong ko sa kanya

Tinignan nya ako at nagtataka sa sinabi ko, ngumiti ako ng matamis sa kanya tapos tumingin sya kay manuel na walang malay sa gagawin namin.

Hinawakan ko sya palapulsohan nya at hinila ko na sya sabay takbo palayo sa lugar na yun.

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon