TULS (12)

105 7 0
                                    

Esguerra POV

Andito na kami ngayon sa kampo dito ko dinala si tasha di ko kasi alam ang gagawin ko, umiiyak kasi sya di ako marunong magpatahan kaya hinayaan ko na lang syang yakapin ako kanina. Nasabi rin nya na ayaw nya muna bumalik sa kanila.

Kasalukuyan kaming nasa harap ng opisina ng chief namin, ipapaalam ko lang kung pwede bang manatili muna si tasha dito si tasha.

"Kim esguerra alam mo naman na bawal magpa pasok ng taga labas dito sa loob ng kampo hanggat di sya kasapi ng sandatahang lakas?" Sabi ng chief namin

"Pasensya na po sir pero nakikiusap po ako sainyo kahit mga ilang linggo lang po syang mananatili dito" pakiusap ko

"Ayokong malagot kim pag nalaman ito ng nasa itaas pero sige pagbibigyan kita"

Lumiwanag ang mukha ko sa narinig ko sa chief namin.

"Salamat sir" magpapaalam na sana ako ng may sinabi sya ulit

"Pwede syang manatili dito pero kailangan mo syang isali sa medic para may matuloyan sya, eh bawal kasi sya doon sa quarters nyo tsaka kulang kasi tayo sa tao doon sa medic" tumango lang ako

"At tsaka isa pa dalhin mo sya doon sa clinic natin si nurse anne na bahala sa kanya"

"Sige po sir' maraming salamat po"

Lumabas na ako ng opisina at agad kung nilapitan si tasha, agad naman syang ngumiti ng makita nya ako palabas ng opisina kaya't kumaway ako.

"Ano raw sabi?" Tanong nya

"Okay na pwede ka nang manatili dito pero.." tumaas kilay nya

"Sa clinic ka mananatili tsaka kailangan mo ring tumulong sa mga nurse doon kulang kasi kami sa tauhan doon kung okay lang sayo?" Saad ko kanya

"Sige sure! Kailangan ko rin naman maglibang kasi baka mabored lang ako dito tsaka bayad na rin yun sa pagpatuloy nila dito sa akin at sayo"

Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan nya ako sa mata.

Panginoon patawarin nyo ako ang ganda naman ng anghel na ibinagsak dito sa lupa

Natawa ako ng bahagya sa iniisip ko.

" Anong nakakatawa kim?"

" Ah wala may iniisip lang kasi ako tara na ihahatid na kita doon sa clinic at bago pa yan samahan mo muna ako sa quarters namin dahil ilalagay ko muna itong mga gamit ko doon"

"tara!" Sabay hila nya sa akin at hinawakan nya ako sa kamay

Ang lambot ng mga kamay nya, nakatitig lang ako sa kanya mula sa likod dahil nauna na syang maglakad sa akin.

Naisip ko yung kanina kung bakit sya umiiyak, di ko alam pero parang bakas sa mukha nya kanina ang galit at poot sa mukha nya.

Tatanungin ko na lang sya kung kelan okay na sya ayokong tanungin sya ngayon baka umiyak ulit.



Nakarating na kami sa quarters namin at  bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla rin itong bumukas, Iniluwa nito ang gulat na mukha ni ryujin.

"Tasha? Kim?"

"Hi jin" binati sya ni tasha haha yung mukha parang di maipinta

"Anong-"

"Dito muna sya mananatili sa kampo"

Di ko na sya pinatapos at pumasok na ako sa loob at si tasha pinaupo ko muna sya sa kama ko.

"Ano ba kasi nangyari?" Lumapit ito sa akin

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon