TULS (16)

75 9 0
                                    

Third person pov

Naglalakad si kim papunta sa clinic na may bitbit na pagkain para kay tasha, kumatok sya at sinilip sa loob kung may tao ba. Nakita nya si tasha na nakatalikod at may ginagawa.

Pumasok na sya sa loob at nilagay muna ang pagkain sa malapit na mesa. Nilapitan nya ang dalaga ng maingat at dahan-dahan nya itong niyakap mula sa likod.

Napaigtad si tasha dahil sa gulat at muntikan na nyang mabitawan ang hawak-hawak gamot na ilalagay sana sa isang stante.

"Ano ba kim! Nakakagulat ka naman aatakihin ako sa puso dahil sayo eh.." habang napahawak ito sa dibdib nya.

"Hehe paumanhin," pag hingi ni kim ng paumainhin sa dalaga habang nakayakap parin ito sa dalaga.

"Kanina kapa ba dyan sa likod ko?"

"Bago lang kumatok ako pero walang sumasagot e sumilip ako tapos nakita kita na may ginagawa kaya pumasok na ako?"

Humarap si tasha kay kim at niyakap nya rin ito pabalik.

"Sya nga pala may dala akong pagkain baka gutom kana kasi," sambit ni kim.

Humiwalay si tasha at hinawakan nya ang kamay ni kim, tinungo naman nila ang mesa kung saan nilagay ni kim ang pagkain na dala nito. Kumuha si tasha ng kotsara at tinikman ang pagkain at naglagay ng kanin sa plato neto.

"Ikaw kumain ka na ba?" Tanong ng dalaga kay kim.

"Di pa pero nagkap—" naputol ang sasabihin ni kim ng suboan sya ni tasha.

"Dapat kumain ka na rin wag puro kape lang magpa palpitate ka nyan kakape." kumuha ulit si tasha ng isang sandok at sinubo kay kim at agad naman itong sinubo.

"Kuxmmgbhbn ng tinxzcgpay,"

"Lunokin mo muna yan bago ka mag salita," utos ni tasha.

Agad namang nginuya ni kim yung pagkain sa bibig nyang punong-puno.

"Ang sabi ko kumain rin kasi ako ng tinapay pares sa kape!"

"Kahit na di naman nakakabusog yun?"

Susuboan na sana ulit ni tasha si kim ng bumukas ang pintuan.

"ay sorry mukhang nakakadistorbo yata ako?" sambit ng kakarating lang na kasama ni tasha sa clinic.

Si shiela.

[Shiela - wonyoung]

"Nako shiela hindi," at tumayo si tasha kaya't naiwang naka upo si kim.

Hinawakan ni tasha si shiela sa braso at inalok na kumain ng dalang pagkain ni kim.

"Pasensya na tasha busog pa kasi ako ka kakain ko lang ng agahan,"

"Ganun ba?"

"Sige pasok muna ako storage room may kukunin lang akong gamot' kain lang kayo.." at pumasok na sa loob si shiela.

"Psst!" Sitsit ni kim at lumingon naman si tasha.

" Aaahh... " turo ni kim sa naka ngangang bibig nya.

"May kamay ka kim kaya kumain ka mag isa mo!" saad ni tasha.

Tumayo si kim at nilapitan nya ang dalaga.

"Heto naman sungit porket naudlot lang paglalambingan natin," pabirong sabi ni kim sa dalaga.

Akma nya sanang yakapin ito ng bigla itong lumayo sa kanya.

"Aguy.. tsk! Tsk! Nagtatampo nga," natawang umiiling si kim.

"Hmp! Bahala ka nga dyan busy pako!" padabog na umalis si tasha at rinig na nya ang tawa ni kim.

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon