TULS (14)

85 6 0
                                    

Third-person

Tirik ang araw at nakahilera ang mga sundalo sa gitna at nag hihintay ng kumando ng kanilang opisyales.

Kabilang dako ng kampo ay nakahanda na ang mga barkong pandigma na kanina pa nakadaong sa pantalan nito.

Tumunog ang malakas na alarm ng kampo at nagsimula na silang pumunta sa kani-kanilang mga posisyon ang ibang mga sundalo.

"Tandaan nyo ang sinabi ko sa inyo!" Sambit ng opisyales nila

"Sir! Yes! Sir!" Sagot ng mga sundalo

"Good! Now proceed!"

"Sir! Yes! Sir!" At nagpulasan na sila isa-isa papunta sa kanilang mga eroplano.

Habang araw at buwan ang ginugol nila sa pag training at pag aaral sa mga eroplanong gagamitin nila kung paano nila ito dalhin ng maayos.

Isa-isang umandar ang mga eroplano nila, isa-isang lumabas ang mga ito sa mga hangar at pumosisyon ito para sa pag lipad.

Sumenyas na ang isa sa mga tao upang humanda sa pag lipad, isa-isang nagsilipad ang mga eroplanong pandigma.

"Sgt. Esguerra ready for take off"
Sabi sa radyo ng tower

"Sgt. Santos be ready sunod ka kay esguerra" sumenyes lang ng thumbs up si ryujin

Naunang lumipad si kim at sumunod naman si ryujin.

Pagkalipad ng eroplano nila ay sumunod naman ang mga sundalo sa karagatan, isa-isang lumayag ang mga barkong pandigma.

"Senior officer kang!" Tawag ni nurse anne na tumantakbo palapit kay senior kang

"Oh? Nurse anne" lumapit na sya si officer kang dito upang di na ito mahirapan kakatakbo

Nagulat si officer kang dahil sa pagyakap ni nurse anne sa kanya sabay sabi nito sakanya..

"Mag ingat ka, bumalik ka ng bou"

Sambit ni nurse anne na may halong lungkot at kaba.

"Syempre naman sasagutin mo pa ako diba?" Pag a-assure ni officer kang upang hindi na ito kabahan

"pag bumalik ka' pero pag hindi? Wala, hindi mo na maririnig ang sagot ko"

"haha ou na babalik ako pangako" saad ni officer kang habang nakataas ang kanang kamay nito na para bang nanunumpa.

"Officer kang!" Napalingon ito dahil tinatawag na ito ng mga kasamahan nya

Halik sa pisngi ang pabaon ni nurse anne kay officer kang bago ito umalis, umalis ito na may ngiti sa mga labi.

Habang sa malayo ay naka tingala lang si tasha sa himpapawid tinitignan ang mga eroplanong kanina pa palibot-libot.

Kaba at takot ang nararamdaman ni tasha ngayon, dahil ngayon lang sya nakaranas ng ganito sa boung buhay nya.

"Tasha" napalingon sya sa tumawag sa kanya at nakita nyang palapit si nurse anne sa kanya

"Tulongan mo kong ihanda ang mga gamit na gagamitin natin kung sakaling may mga sugatang sundalo ang dadalhin dito" tumango lang si tasha at sumunod kay nurse anne papasok ng hospital

Kasalukuyan habang lumilipad sila sa kim sa himpapawid...

"Sgt. Esguerra" tawag ng nasa radyo

"Sgt. Esguerra sa silangang bahagi ibagsak ang ng bomba"

"Roger that sir" sagot ni kim

"Ryujin" tawag ni kim kay ryujin sa kabilang linya ng radyo nya

"Buddy sa silangan daw ang bagsakan"

"Copy" sagot ni ryujin

Makalipas ang ilang oras na bakbakan ng mga sundalo at mga kalabang militar ay nakabalik na ang ibang habay ng mga sundalo na may dala-dalang mga sugatan. Dinala nila ang mga ito sa infarmary ng kampo, at agad naman nalapatan ng mga paunang lunas ang mga toh.

Nakalapag na ang eroplano nila kim at mga kasamahan nya, sinalubong sila ng mga ibang sundalo at mga technical mechanics para tignan at ekundisyon ang mga eroplanong pandigma kung sakaling uusbong ang malaking gyera.

" Good job pilots " bati ng kumander nila

Nag bow lang sila at agad naman silang pinapunta sa hospital ng kampo upang matignan sila kung sakaling may nangyari sa kanila sa himpapawid.

Pag dating nila kim sa hospital ay sumalubong sa kanila ang napaka busy ng mga hospita staff sa loob, Pati na rin si tasha na pa takbo na kung maglakad dahil sa nagmamadali silang gamutin ang mga sugatang sundalo na dinala sa kanilang hospital.

Sa sobrang busy di namalayan ni tasha na nasa liko na pala nya si kim.

"Busy?" Tanong ni kim habang tumutulong sa pagtutulak ng cart ng mga gamot

"Nakakagulat ka naman?" Napakapa si tasha sa kanyang dibdib

"Haha sorry" pag hingi ng paumanhin ni kim

"Tulongan na kita dito saan ba ito ilalagay?"

"Wag na baka makaabala pa ako sayo kagagaling nyo lang sa gyera" tanggi ni tasha

Ngunit nagpumilit parin si kim at tulak tulak nya ang cart at nauna na itong maglakad kay tasha.

Napabuntong hininga na lang si tasha at wala itong nagawa kundi sundan si kim.

"Don mo na lang lagay yang cart sa nurse lounge" tumango lang si kim at binilisan ang pagtulak sa cart.

Dahil sa pagtulong ni kim sa dalaga ay napadali nya ang mga trabaho na dapat si tasha lang ang gagawa nito.

Dumating ang dapit hapon ay lumabas ang dalawa at kumain sa cafeteria ng base, gutom na gutom silang dalawa dahil sa pagod. Kasabay nilang kumain ang mga kaibigan ni kim.

"Salamat pala kim sa pagtulong kanina"
Ani tasha

Napatigil silang lahat sa pagkain at tinignan si kim.

"Wala yun ano ba tsaka mukhang nahihirapan kana kasi kanina kaya napagisipan ko na tulongan ka at tsaka di rin naman ako lang yung tumulong pati rin itong mga kumag nato din" sabay turo nya sa mga kaibigan nyang kumakain na

Napatawa lang si tasha sa sinabi ni kim.

"Grabe ka naman maka kumag buddy it hurts you know?" Birong komento ni yujin

"Saan mo napulot yang english mo buddy?" Ani ryujin

"Sa basurahan hahaha" at nabatukan si raiden

Tumawa lang si akira sa mga kalokohan ng mga kaibigan nya.

"Uhmm.. teka lang tasha maari bang magtanong?" Tanong ni lili

"Ano yun?" Sagot ni tasha

"May namamagitan naba sa inyo nitong si esguerra?" Nabilaokan si kim dahil sa tanong ni lili kay tasha

Agad naman syang inabutan ni tasha ng tubig upang humupa na ang pag ubo nya.

"Anong klaseng tanong yan buddy?" Turan ni kim sa kasama

"Wala lang masama bang mag tanong? Napapansin ko kasi palagi kayong magkasama ni miss tasha?" At napatingin ang mga kaibigan nya sa kanya at kay tasha na nag hihintay ng sagot.

"ano ba kayo wag nyo ngang abalahin si tasha, kumain na nga lang kayo puro kayo tanong eh"

Nagtawanan lang ang mga kaibigan ni kim at napatuloy sa pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam ang dalawa sa mga kaibigan ni kim na maglakad lakad muna sila.

-----------------------

A/N:

Hi sa all 🙋 pasensya medjo pagong mag update hehe ✌️😊, sisikapin ko pong mag update ng mabilisang the flash ⚡di jwk lang' Medjo busy kasi si otornim sana maintindihan nyo. Salamat sa pagtiis na magbasa netong story ko, feel free to message me at my sayout sayout.me/say/nvsjydy luv u guys mwuahugs to all 😘.

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon