TULS (6)

131 9 0
                                    

Third pov.

Lumipas ang isang araw at sabik si kim na makita ang dalaga ulit, maagang nagising si kim kaya't busy sya kakaisip kung anong isusuot nya.

Nang nakahanap na sya ng maisusuot ay nilapag nya ito sa higaan nya, biglang pumasok si ryujin sa kwarto nila at tinignan sya nito ng nakakaloko.

"Pumapag ibig na ang buddy namin" asar nito sa kanya

Binatokan lamang niya ito dahil sa pang aasar ng kaibigan nya sa kanya.

"Ano oras ka ba aalis?" Tanong ni ryujin

"Mga alas tres ng hapon" sagot niya

Umupo muna si kim sa gilid ng kama at itinabi muna ang damit na susuotin para mamaya.

"Buddy may tanong ako"

Tumango lang si ryujin sa kanya para magpa tuloy

"Ano ba ang magandang ibigay sa isang babae?"

"Uhmm... Ano.." sabi ni ryujin habang nag iisip

"Ah! Bulaklak buddy bulaklak ang ibigay mo sa kanya" sagot ni ryujin sa katanongan ni kim na kanina pa nag iisip kung ano ang pwede nyang ibigay kay anastasia

"Hmm sige, bibili ako pag dating ko mamaya sa bayan" saad ni kim

"Ligo muna ako buddy"

"Sige paka bango ka buddy haha" pag bibiro ni ryujin sa kanya

Hinampas nya lamang ito ng tuwalyang hawak nya at tinawanan lamang sya nito.

Sumapit na ang alas tres at lalabas na sya ng kampo ng may bumusina sakanyang likuran na isang sasakyan. Nilingon nya ito at nakita nya ang nakangiting babae na nag mamaneho nito si seul.

"Saan punta bata?" Tanong nito sa kanya

"Sa bayan po ma'am" sagot niya kay seul

"Tara sabay ka na pupunta rin ako doon"

"Salamat po" pumasok na si kim sa kotse

Habang nasa byahe ay nagka kwentohan ang dalawa.

"Bat mag isa ka lang bata?" Tanong ni seul

"Ah..may kikitain po ako doon hehe" nahihiyang sagot ni kim

"Talaga ba?" Gulat na sabi seul

"Opo" nahihiya paring sagot ni kim

Natahimik na ang dalawa at si kim naman ay nakatingin lang sa labas habang umaandar ang sasakyan.

Berding paligid,matatayog na mga puno
mga ibong malayang nakakalipad sa himpapawid, yun ang mga kaganapan sa labas ng sasakyan habang bumabyahe sila papunta sa bayan.

"Ate seul"

"Hmm? Ano yun?"

"Paano mo malalaman kung may gusto ka na sa isang tao?" Tanong ni kim

"..." Walang nasabi ang babae sa tanong ng batang nakasakay sa kotse niya ngayon. Napansin iyon ni kim.

"Okay lang po kung di nyo sasagutin"

"Pag may gusto ka sa isang tao, biglang bumabagal ang ikot ng mundo sa tuwing makikita mo sya. biglang bibilis ang tibok ng iyong puso kapag lumalapit sya sayo." Nabigla si kim sa sinabi ng babae

Lahat ng sinabi ni seul ay nangyari din sa kanya nang makita nya at makasama si ang dalaga na si anastasia.

"Teka lang? May nagugustohan ka na" tumango lang si kim dahil sa hiya

Nakakahiya naman T_T bat ko pa kasi tinanong yun..T_T

Huminto na ang sasakyan, napatingin si kim sa labas at bumaba na si kim.

"Salamat po sa rides Ate" nag bow na ito sa babae

"Okay lang, syempre malakas ka sa akin tsaka ingat na rin" paalala ng babae kay kim

Umalis na si seul at nag umpisa nang maglakad si kim. As usual busy pa rin sentro ng bayan.

Habang nag lalakad may nakakita si kim na nagtitinda ng mga bulaklak. Lumapit sya at bumili ng bulaklak para ibigay nya sa dalaga

 Lumapit sya at bumili ng bulaklak para ibigay nya sa dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang bouquet ng pulang tulips ang binili nya. Nakangiting naglalakad si kim papunta sa kung saan sila magkikita ng dalaga.

Nakarating na si kim sa isang park na may isang maliit na hardin sa gitna, may mga upoan na naka palibot sa hardin at mga puno na wala ng dahon.

Umupo na si kim at inilagay sa tabi nya ang nabiling bulaklak sinuri ang sarili kung may dumi ba na nakakapit sa damit nya at inamoy nya ang sarili nya kung mabango pa sya dahil sa pawis habang naglalakad papunta sa park.

Ilang minuto di pa rin dumadating ang dalaga, tinignan ni kim ang kanyang relo at mga labin limang minuto din syang nag hintay.

Mukhang napa aga yata ang dating ko..

Napa buntong hinga sya at tumayo saglit. Pa tingin tingin sa malayo nagbabasakaling makita niya ang dalaga na naglalakad. Subalit wala syang nakitang presensya ng dalaga napapalit kaya umupo muli sya at kinuha ang bulaklak sa tabi nya.

"Magugustuhan nya kaya 'toh?" Tanong nya sa sarili habang tinititigan ang bulaklak na hawak nya.

Napayuko na lang si kim dahil mukhang inip na sya dahil wala pa rin ang dalaga at mag gagabi na. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at humangin ng malakas.

Haplos ng malamig na hangin ang tanging pumapawi sa kanyang pag aalalang baka hindi sya sisiputin ng dalaga sa kanilang tagpuan.

Pag bukas ng kanyang mga mata ay may nakita syang pares nga sapatos sa kanyang harapan, tumingala sya at tumambad sakanya ang magandang mukha ng dalaga na nakatayo sa kanyang harap.

"Hi.. kanina ka pa?" Tanong ng dalaga sa kanya

"h-hindi b-bago pa lang ako dito dumating" utal na sagot ni kim sa dalaga

"Sorry ha.. Natagalan ako kasi kailangan ko pa kasi idawit si stella para payagan ako ng ama"

"Hindi okay lang"

"oi.. ano yan?" Tanong ng dalaga sa kanyang hawak na bulaklak

"ah para pala sayo" inabot nya ang bulaklak sa dalaga

"Red tulips" naka ngiting tinanggap ng dalaga ang bulaklak

"gusto mo kumain tayo? Libre ko' total pinag antay naman kita ng matagal pambawi ko na rin?" Alok ng dalaga kay kim

"nako wag na nakakahiya naman sayo tsaka ako na itong nag aya sayo tapos ikaw pa manlilibre sa akin?"

"Haha ano ka ba, pinag hintay kaya kita baka nagutom ka kakahintay sa akin" pag pupumilit ng dalaga kay kim

" Di okay lang talaga haha si pa naman ako gutom" hiyang sagot ni kim

" Sure? "

" Alam mo kulit mo? " Tumawa lang ang dalaga

"ou na haha"

" Tara? " Pag aya ni kim

" Saan? "

" Lalakad lakad muna tapos punta tayo manonood tayo doon sa theatro ng palabas"

Tumango lang ang dalaga bilang pag sang ayon nito kay kim, Inilahad ni kim ang kanyang kamay sa dalaga at inabot naman ito ng dalaga at magka hawak sila ng kamay habang naglalakad.

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon