TULS (24)

97 4 0
                                    

Third person POV.

Kasalukoyang nasa gitna ng gyera sila kim at patuloy sa pag bagsak ng bomba sa kalaban.

Sina ryujin naman ay hinahabol ng kalaban at pilit na pinapatamaan ng bala ang eroplano nito.

"Nyeta ka!!.." gigil itong umikot at tsaka bumabawi rin sya sa kalaban tinamaan nito ang buntot at bomulusok ang eroplano ng kalaban.

"Buti nga sayo boo!.." saad ni ryujin.

"Bud wag masyadong mag diwang di pa tapos." Sabi ni shawn.

"Sus sisiw lang yan sila." Mayabang na wika ni ryujin.

"Aircraft C50 dalawa sa kanluran, mag ingat talasan ang mga mata!" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Roger that!" Sagot ni ryujin.

Apat na eroplano ng kalaban ang napabagsak ng kanilang hanay.

"Sgt. Esguerra roger,"

"Need emergency landing," tugon ni kim sa radyo.

"What's the status soldier?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Engine failure sir," wika ni kim.

"tell the marshal we need emergency landing." Utos ng kumander sa isang sundalo, "yes sir." At umalis ito.

Pa ikot-ikot lang ang lipad ni Kim sa ibabaw at nasa 24000 above sea level lang ito at naghihintay ng hudyat dahil maraming eroplano ang nasa emergency runway ng kampo.

Di nagtagal ay nakapaglanding rin si kim. Agad naman syang nilapitan ng mga medic at chineck sya ng mga ito kung may galos o tama si kim habang nasa ibabaw ito. Maraming tama ang eroplano ni kim at agad itong dinala ng aircraft mechanic sa hangar.

"Mukhang okay ka naman, pwede ka ng bumalik sa quarters mo at magpahinga." Sabi ni nurse ruby sa kanya.

"Salamat." Agad na tumayo si kim at lumabas ng tent.

Naglalakad si pabalik sa quarters nila.
Kita nya ang ibang mga sundalo na abala at may mga dalang malalaking kargamento na isinasakay sa mga sixby truck.

"Officer kang!" Sigaw ng isang taga navy.

"Dito officer kang!" Kumakaway ito at agad namang nakita ni officer kang ang kadete.

"Oh! Sgt. Esguerra?" Nakita ni officer kang si kim na naglalakad sa hallway kaya sinabayan nya ito sa paglalakad.

"Di ka ba kasali sa mga lumipad?" Tanong ni officer kang.

"Tinamaan po kasi ang eroplano ko kaya pinababa na ako ni major." Sagot kim.

"Ganun ba?" At tinignan ni officer ang kadeteng naghihintay sa kanya sa rubber boat.

"O sya mauna nako sgt. Magpahinga ka na lang dyan upang may lakas kapang sasabak ulit sa gyera bukas." Saad ni officer kang.

"Yes maam!" Sagot ni kim.

Ng makarating na si kim sa quarters nila ay agad na nagpahinga si kim at tuloyan ng naka idlip dahil sa pagod.

Dahil sa gyerang naganap sa ibang lugar ay agad nagpadala ng back up ang hukbo nila kim upang tulongan ang mga dayuhang sundalo na kung saan may joint military exercise ang hukbo nila kim sa mga dayuhan.



Lili's POV.

Pagod na pagod na kami at kasalukoyang nasa tent kami ngayon nagpapahinga dahil kung sakaling tawagin na naman kami para lumipad ulit ay agad kaming maka tugon.

"Akira ano baaa..." Pagrereklamo ni shawn dahil inupoan sya ni akira sa likod.

Nakadapa kasi si shawn na posisyon kaya't kinukulit sya ni akira.

" Pormahan mo na kasi si julie," sabi ni akira kay shawn.

" Akala mo ba madali lang yang pinagsasabi mo?" Tumayo ito.

" Sus! Kinakabahan ka lang eh?" Panunukso ni yujin.

" Aish! Bahala nga kayo dyan!" At lumabas ng tent si shawn.

" Hahaha " natawa na lang kami.

" Napikon yata ang pato." Saad ni ryujin na nakahiga sa kama nya.

" Ikaw akira? Kailan ka ba tamaan ni kupido?" Biglang tanong ni kim.

" Ou nga akira," sabat ni yujin.

Tahimik lang si akira na nakatayo sa gilid ng kama ni ryujin habang nakatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay ng sagot nya.

Nagkibit balikat lang ito at lumabas rin ng tent.

" Ano ba yan di naman ganyang sagot gusto naming marining akira," Dismayang sabi ni ryujin.

Nakarinig ako ng yabag ng paa sa labas ng tent at biglang pumasok si major.

" Soldiers! " Agad naman kaming nagsitayuan lahat at ang dalawa naman ay bumalik dito sa loob ng tent.

" Mag handa lilipad kayo mamaya pagkalanding ng mga eroplano ng kabilang hukbo." Utos ni major.

"Yes sir!" Sagot namin.

Lumabas na si major at agad kaming nagbihis at dali-daling pumunta sa hangar upang maghanda sa pag lipad namin.

Maya-maya ay pinalipad na kami utos ni major.
Isa isa kaming nag take off, nauna si akira tapos ako, sunod si ryujin, shawn, yujin at panghuli ay si kim.

Nagsimula na naman ang gyera sa himpapawid at kabi-kabila ang pagsabong ng mga eroplanong sumabog dahil tinamaan ito ng aming mga bala.

Di pa nangalahati ay halos napabagsak namin ang lahat ng eroplano ng kalaban. Subalit merong isang ayaw paawat di namin matamatamaan.

"Shawn' si kim?" Tanong ko kay shawn sa kabilang linya.

" Diba'y nasa likuran mo lang yun?" Sagot ni shawn.

Agad ko namang tinanong si akira sa kabilang linya ulit ngunit di rin daw sya mahagilap. Tumaas pa ako ng tumaas hanggang sa sumakit na ang tenga ko.

"Asan ka na ba kim!" Inis na sambit ko.

Maya-maya ay may narinig kaming pagsabog ng eroplano na bumagsak. Dahil sa kapal ng mga ulap ay di namin ito maaninag ng maayos.

"Kim!!" Sigaw ko sa kabilang linya.

Ngunit bumagsak ng tuloyan ang eroplano.

Nanginig ang boung kalamnan ko dahil baka kay kim ang eroplanong iyon.

"Ryujin! Baba!" Sigaw ko.

Bumaba si ryujin upang kompirmahin ang katawan ng eroplano.

Mangiyak ngiyak akong naghintay ng tawag ni ryujin.

"Bud lili relax lang wag ka kabahan baka ikaw susunod na babagsak dyan," sabi ni yujin.

"Ou nga bud relax masamang damo yun si kim matagal yun mamamatay hahaha." Pabirong sabi ni shawn.

Di nagtagal ay tumawag si ryujin.

" Negative, hindi si kim." Para akong nabunotan ng tinik ng marinig kong sinabi ni ryujin na hindi si kim ang bumagsak na eroplano.

Lahat kami ay bumaba na at bumalik sa kampo subalit di pa rin namin nakita ang eroplano ni kim.

" Asan na kaya si kim?" Tanong ni akira.

May biglang somulpot na eroplano galing sa likuran.

" Kim!!! " Sabay naming banggit ng mapansin naming eroplano pala ni kim yun.

Nang makalapag na kami ay dali dali akong tumakbo palapit kay kim at niyakap ko sya.

" Anong problema lili?" Takang tanong nya.

" Wala miss lang kita." Sagot ko.

"Magkasama lang tayo sa taas kanina eh," sabi ni kim.

"Basta miss lang kita," Saad ko, sa halip ay niyakap ako pabalik ni kim.

Nilapitan nila kami nina ryujin at akira, kasunod nila ang mga medic. Tinignan nila kami kung may mga sugat ba kami at dumating na ang gabi na payapa.

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon