TULS (26)

69 5 0
                                    

Third person.

Naghahanda ang lahat ng nasa kampo para sa dadausing pag diriwang mamaya. Sila kim ay nasa kanilang tent at nagpapahinga muna sila.

"Kim, peram nga ako ng pabango para mag amoy malinis naman ako mamaya."  Panghihiram ni shawn.

"Ayan kasi ayaw maligo eh aalis naman rin naman tayo bukas kaya maligo ka na ambaho mo na shawn amoy pato ka na bwahaha" pabirong turan ni lili kay shawn.

Naka simangot na naman si shawn dahil sa sinabi lili sa kanya, ayaw kasi maligo ni shawn dahil baka pag tripan lang sya ng mga 'to. Noong isang araw kasi habang naliligo sya ay buhos sya ng buhos ng tubig ngunit nagtataka sya bakit ayaw mawala ng bula sa ulo nya. Tumingala ito at napagtanto nya napag tripan sya ng mga kaibigan nya.

Hindi muna sya gumalaw at pinakiramdaman nya ang paligid kahit napaka hapdi na ng mata nya, tama nga ang hinala nya na sila ryu at lili ang may pakana dahil may narinig syang hagikhik sa kabilang banyo.

"Maligo ka na kasi shawn, samahan na lang kita total maglilinis rin naman ako ng katawan tara!" Utos ni kim.

Tumayo na si shawn at kumoha ng damit sa kanyang military bag.

Sumapit ang gabi at nagsisiyahan ang lahat.

"Cheers! Para sa lahat!" Sigaw ng kumander nila kim.

"Toast for all the soldiers here!" Sigaw rin ng banyagang sundalo.

"Kampay para sa tagumpay!!" Sigaw ng isa pang sundalo.

"KAMPAY!!" at sabay na sigaw ng lahat.

Tutongga na sana si kim ng kanyang inumin ng bigla syang bulongan ni akira.

"May naghahanap sa'yo sa labas." Bulong ni akira kay kim.

"Sino?" Takang tanong ni kim.

"Basta...lumabas ka na lang." Nagtataka man ay sinunod na lang ni kim ang sinabi ni kira ng bigla syang kinuhanan ng inumin at tinulak palabas ng mga kaibigan nya.

Nag lakad si kim papunta sa isang deck at sa di kalayoan ay may nakita syang babae na nakatayo at nakatalikod ito sa kanya.

Nilapitan nya ito at saktong lumingon ito ng marinig nito ang mga yapak nya na papunta sa kanya. Nanlaki ang mata nya ng mapagtanto nyang ang dalagang nakatalikod ay si tasha.

"Kim!" Patakbong yumakap ito sa kanya.

"Tasha??" Gulat man ngunit gumanti rin ito sa pag yakap ng dalaga.

"Anong-" magtatanong sana si kim ngunit naputol ito ng bigla syang halikan ng dalaga.

Mga ilang segundo rin bago ito humiwalay sa labi ni kim at yumakap ito ulit.

"Nangungulila ako sa'yo kim kay tagal mong nawala kaya hindi ko na nakayanan at nagtungo na ako dito upang makita ka." Saad ni tasha.

"Tasha naman, di mo ba natatanggap ang mga sulat ko upang magka ganito ka?" Tanong ni kim.

"Natatanggap ngunit hindi sapat ang mga sulat upang mabawasan ang pangungulila ko sa'yo kim." Tugon ng dalaga.

Humiwalay sa pagkakayap si kim hinawakan nya sa kamay si tasha at tinitigan sa mga mata.

"Paano kung napano ka sa daan? Paano kung naglalakabay na kami pabalik sa kampo? Baka sakali hindi mo kami naabotan?" Sunod-sunod na tanong ni kim.

"Una sa lahat kasama ko si officer kang, tsaka alam ko naman na bukas pa kayo babalik sa kampo kaya sumama ako kila officer kang upang sundoin kayo ng mga hukbo." Proud na sabi ni tasha habang nakangiti itong naka titig rin sa mga mata ni kim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Untold Love Story (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon