Chapter 15

9 0 0
                                    

See You

Hans I need you to text or call me now!

Pumasok ako sa loob ng bahay, itinapis ko sa aking katawan ang towel na dala niya. Ayoko sanang gamitin 'to kaso wala naman akong choice. Masyadong manipis ang shawl na dala ko at hindi sapat para matakpan ang katawan.

I removed my lingerie, isinampay ko iyon sa gilid ng mansyon. 

I heard footsteps approaching the house. What the hell, sino 'yon?

"Who's there?" I shouted. 

Lumabas ako ng kwarto at nakita kong si Ezekiel na naman. Nakatayo at nakasandal sa barandilya ng aming bahay.

"Ano na namang ginagawa mo rito? Umalis ka na nga!" I shouted angrily.

He sighed. "Hindi kita pwedeng iwan mag isa rito. Baka mamaya-"

"Akala ko ba walang masamang loob dito? And I can handle myself, umalis ka na. For all I know, baka ikaw naman pala ang nagpasunog ng mansyon namin. Bakit? Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako para makapag higanti ka?"

Nakita ko ang mariin niyang pagpikit. Parang hirap na hirap na siya sa akin. Pumasok ulit ako sa kwarto dahil ayaw ko siyang makita. 

"I didnt. Why would I even do-"

"Ezekiel?" it was Hans. "Anong ginagawa mo rito, where's Serena?"

Thank goodness! 

Sa excitement ay mabilis akong lumabas sa kwarto, nakalimutan nang tuwalya lang ang tapis ngayon.

"The hell? Where's your bra!?" nagtakip pa siya ng bibig at itinuro kaming dalawa. "My gosh. May nangyari ba sa in-"

"Shut up, Hans. Pinapatuyo ko lang ang undies ko sa labas. Dala mo ang damit?" I asked.

Lumapit ako sa kanya at sinilip ang dalang paperbag. 

"I did. May dala rin akong pagkain pero para sa ating dalawa lang, hindi ko alam na pupunta si Ezekiel dito. Hi, Ezekiel!" he even waved his hands.

Umirap ako at umalis doon, pumasok ako sa kwarto at nagbihis. He brought me a pair of denim pants and a white t-shirt na may malaking brand name na tatak. I tucked it in and put on a white belt. Lumabas ako ng kwarto at nakitang nag uusap na ang dalawa.

"Hans is here, pwede ka nang umalis." I said pertaining to that person I never wanted to see.

My gay friend laughed. "Ito naman kj, minsan lang natin siya makasama e. Mamaya ka na umuwi."

Ezekiel nodded. "I'm free today," and looked at me. "I can stay."

So what?

As if I care? Ano naman kung libre siya ngayong araw? Ayoko rin naman makasama siya.

Umirap ako ulit at kinuha ang pagkain sa paperbag. Bakit pa ba siya nag stay dito? Wala naman siyang gagawin and it will be awkward for us kapag nandito pa siya. 

"Hindi tayo nagkikita rito, dito ka pa rin ba nakatira?" Hans asked.

Sobrang curious niya kay Ezekiel. Whatever.

Tumango siya at tumingin ulit sa akin. I didn't look at him, inabala ko ang sarili sa pag aayos ng pagkain. Hans brought salad and pasta, Mayroon ding iced tea roon.

"Dito pa rin, but I bought a condo in Manila," he said.

Really? Where?

Hindi pa rin ako tumitingin, nagkunwari akong abala sa pagkain. I decided to open my phone while listening to their conversation. Alangan makisali ako sa usapan nila e ayaw ko nga siyang kausap.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon