Chapter 10

4 0 0
                                    

Hurt

Kinabukasan ay usap usapan na kami sa buong eskwelahan. I did not expect that this will actually happen, ganito palang kasikat talaga si Ezekiel dito?

Diretso lang ang lakad ko papunta ng classroom kahit na pinagtitinginan ako ng mga estudyante. They were also whispering with each other while looking at me.

"Nagdidate sila ni Ezekiel? Seryoso bang ididate ni Ezekiel 'yan?"

Someone laughed. "Ginagamit lang 'yan, tingnan mo. Uuwing luhaan 'yan sa Maynila."

"Oo nga 'no, gagantihan lang ni Ezekiel ang pamilya nyan." they laughed as if it was funny.

Nadapa ako nang nabangga ng lalaking kasalubong.

"Sorry!" sabi ko at mabilis na tumayo. "Oh! Kief! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makita kung sino ang nabangga.

He chuckled. "Magpapasa lang ng assignment sa prof niyo ngayon, nagkasakit ako e. Na-late tuloy." kibit balikat niya.

"Ah okay, ayos ka na ngayon?" I asked.

"Oo, magaling na. Ikaw? Wala bang nangbubully sayo rito?"

I smiled. "Wala naman..."

"That's good. Sabihin mo lang din sakin kung meron." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Kakasuklay ko lang, ano ba!" mabilis kong hinawi ang kamay niya roon.

He laughed hard. "Ako na nito." sabi niya at bahagyang hinila ang bag ko.

"Hindi na, ako na. Magaan naman." I said and took back my bag.

Hinili niya ulit iyon sa akin. "Ako na nga, dun din naman ang punta ko sa room niyo."

"Kief, ako na nga. Kulit mo." I said and grabbed my bag again.

Medyo napalakas nga lang iyon kaya bumagsak ang bag sa sahig dahil nasira pala ang strap. Oh crap, nasira pa ang Elle ko.

"Oh no..." bulong ko at lumuhod para kunin ang bag.

Tinitingnan ko pa ang strap kung ano ba ang sira noon.

"Kulit mo." kinuha ni Kiefer ang bag ko at naglakad na patungo sa room.

Tumayo ako at nahagip ng tingin ko si Ezekiel. He's looking intently at me. I smiled at him bago sumunod kay Kiefer.

Nang makapasok sa room ay agad na kumaway si Hans sa akin, sinasubong ako ng malaking ngisi. I waved back and smiled at him.

"Hi!" bati ko.

He chuckled. "Ay oh, maganda gising mo 'no?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Lagi naman kitang binabati tuwing umaga ah?" I said and looked at Kiefer who's still holding my bag.

Nang matapos siyang kausapin ng teacher ay nagkatinginan kaming dalawa.

"Wait lang." sabi ko kay Hans at lumapit kay Kiefer. "Akin na."

"Una na ako. Anong oras ka uuwi?" tanong niya.

Bitbit ko ang bag dahil nasira na nga ang strap noon.

"I'm not sure, gagawa pa kami ng activity sa library." sagot ko habang nakatingin pa rin sa bag.

"Sige, mauna na ako." he smiled. "Ma'am!" itinaas niya ang kanyang kamay at ngumiti sa teacher.

"Sino 'yon?" si Hans.

"Ah, si Kiefer. Pamangkin ni Manang Cynthia."

"Pogi." he whispered.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon