Chapter 5

4 0 0
                                    

Fireworks

"Saang school ka ba nag aaral?" I asked him.

Tumingin siya sa akin bago sumagot. "Sa bayan, doon ang mga eskwelahan dito."

"Hmm, really..." tumungo ako at nilaro ang shells na nasa buhangin. "I-I think I want to study here too." I said and looked at him.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Really? Sigurado ka ba dyan?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Umiling siya at kinagat ang labi na parang nagpipigil ng ngiti. "Sasamahan kitang mag enroll. Gusto mo ba bukas?" he asked.

"Talaga? Uh, p-pwede naman. Ready naman na ang mga requirements ko."

Tumango siya at nag iwas ng tingin. "See you tomorrow then."

"Bye, sa school na lang tayo magkita bukas." I smiled.

"Mama I already decided, I want to study here." I said.

I saw shock in her face. "W-What? Anak, hindi naman kailangan, magpapadagdag na lang ako ng bodyguard mo-"

"No ma, desisyon ko po na mag aral dito."

Ayoko na lang na mag alala pa si Mommy sa araw araw habang nasa Manila kami. I do miss the city but I think it's time to make a sacrifice. Hindi naman siguro ako sobrang mahihirapan na mag adjust dito lalo na sa school, andyan naman si Ezekiel.

Atsaka gagastos pa rin kung kukuha pa ng panibagong guard. We're capable, pero kung hindi naman kailangan ay bakit pa.

Mommy laughed fakely. "Are you sure?"

Tumango ako at ngumiti. "Yes mom, mag eenroll na po ako bukas."

"Ipapasama kita kay Manang Cynthia kung ganoon, maaga na rin kayong umalis para wala pang gaanong... tao." she said.

"No ma, ako na lang pong mag isa. Kaya ko na po."

Kumunot ang noo niya, parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko ngayon. "Anak? Are you sure about this? Hindi ka ba napipilitan lang? It won't hurt if we go back to Manila, kung gusto mong doon mag aral ay wala namang problema sa akin."

"Mom, don't worry. Kaya ko na po ang sarili ko." I said.

"Mag isa ka? Alam mo ba ang school, at baka may makakilala sayo, baka..."

"Don't worry, Mom. Kaya ko na po." I smiled to assure her.

Hindi rin ako makapaniwala na sobrang confident ko ngayon, maybe because Ezekiel will be there with me.

I'm learning to trust him so much now. Hindi pa man ganoong kakilala ang isa't isa ay gumagaan na ang loob ko sa kanya. Hindi ko na inisip ang nangyari noon sa bayan, naniniwala ako na ipapaliwanag niya iyon sa akin sa tamang panahon.

Naligo ako at nagsuot lang ng kulay rosas na dress, palaging bestida ang suot dahil iyon naman talaga ang madalas na sinusuot ko sa Manila kahit nasa bahay lang.

"Kuya Carlo, huwag niyo na po akong sunduin mamaya. May kasama po akong umuwi, dyan niyo na lang din po ako sa gate ibaba."

Bumaba ako ng sasakyan at kinuha ang dalang envelope na may lamang papel na ipapasa sa school admin.

"Hi, kanina ka pa rito?" I smiled.

Maganda ang mood ko ngayong araw, siguro at dahil nakalabas na rin ng bahay.

"Kararating ko lang, tara na?" sabi niya at iginiya ako papasok sa loob.

Kakapasok pa lang ay sari saring mata na ang naramdaman kong nakatitig sa amin. Ang iba'y nagtataka, may gulat at ang iba naman ay halatang nanghuhusga.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon