Chapter 7

7 0 0
                                    

Food

"Sino ang gustong sumagot nito?" the professor asked.

Alam ko ang sagot doon kaya nagtaas ako ng kamay. Everyone looked at me. Ang tagal kong nakataas ng kamay pero hindi ako tinatawag.

Nangalay na kang ako kaya nagbaba na.

"Wala man lang kayong natutunan sa mga tinuturo ko? Kahit isa sa inyo walang gustong sumagot?" masungit na sabi ng guro.

"Sir, nagtataas si Fabella-"

"May quiz tayo bukas, siguraduhin niyong mataas ang grado niyo." sabi nito at lumabas.

Kumunot ang noo ko at nagsimulang magsulat sa likod ng aking notebook.

"Uy, na-gets mo yung lesson? Paturo naman." lumapit si Hans sa akin.

Tumango ako. "Oo, sige sa library mamaya?"

Lumabas ako dahil tumunog na ang bell, breaktime na namin. Nagtungo ako sa canteen at pumila para makabili ng pagkain.

Papaalis na sana ako kaso natabig ako sa paa ng estudyanteng nakaupo. Nalaglag ang tray na dala ko at natapon ang pagkain na laman noon.

Nag angat ako sa babaeng nakatabig sa akin. Kiana was looking at me while smirking.

"Nabusog ka ba, Serena?" she asked.

Her friends laughed. Napatingin ako sa mga taong nakatingin din sa akin. When they saw me looking, the quickly turned their gaze away. Patay malisya ang mga ito pero hindi na rin naman ako nag expect na may tutulong sa akin.

Nilikom ko ang natapong pagkain at tumayo roon. Nang iangat ko ang tray ay may umabot noon sa akin.

"Ezekiel." Kiana called.

Masama lang siyang tiningnan ni Ezekiel. "Let's go." he said and turned away from me.

Ibinalik niya ang tray sa counter at marahan akong itinulak palabas ng canteen.

"Here, eat this." sabi niya at ibinigay ang pagkain sa akin.

"P-Pero pano ka?" I asked.

Umupo siya sa tabi ko. "Busog ako. Kainin mo 'yan, ihahatid kita pabalik sa room."

I hesitantly get the food. Kinain ko ang binigay niyang sandwich at kinuha ang bottled juice.

"Sa susunod, sa classroom ka na lang kumain." he whispered.

Kumunot ang noo ko at napatawa. "Hindi ako nagbabaon ng pagkain, paano akong kakain sa room kung ganoon?"

"I'll bring you food."

Really? Araw araw?

Bahagya akong napanganga sa sinabi niya pero agad ding nakabawi. "Sabay tayong uuwi mamaya?" I asked.

Tumango siya at pinanood ang mga naglalakad na estudyante. They were looking at us. Maybe because it's new to them. Na magkasama ang Fabella at Alejandro.

"Ihahatid na kita sa room mo."

Naglakad kami pabalik sa classroom. Naihatid niya na ako roon pero hindi pa siya umalis hanggang sa makaupo ako.

"Close ba kayo ni Ezekiel?" si Kiana.

Nag angat ako ng tingin. "Uh, hindi naman gaano..." I didn't know what to answer.

"Ano? Inaakit mo? Girl, wala kang mapapala kay Ezekiel." she laughed. "Ginagamit ka lang nyan."

Saan naman niya ako gagamitin?

"Si Ezekiel papatol dyan? Hindi naman mahilig sa malandi 'yon." Kiana's friend butt in.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Ayaw kong magkaroon ng kaaway dito.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon