Chapter 16

10 0 0
                                    

Wasted nights

Todo ang effort ko sa paglalagay ng makeup sa aking mukha. Suot ko ngayon ang bathrobe ng hotel habang nakaharap sa salamin. I put on a blush and a pink lipgloss before setting my face with a setting spray.

I flat ironed my hair para mas lalong straight iyon at bagsak. I want my hair sleek.

I wore a dark red jumpsuit with a low vneck cut. Mas lalo nitong na-define ang kulay ng aking balat. My skin was glowing when I faced the mirror again. I finished my outfit with a white purse at stilettos.

Fucking hell! Tricycle na naman?

Halos mawalan ako ng gana nang maalala na kailangan ko na namang mag commute. I should call him right?

I dialed his number on my phone. Natagalan ang pagsagot niya kaya medyo naiinis na ako.

"Can you... fetch me here? I don't want to commute." I said.

I heard him sigh. Labag pa ata sa loob na sunduin ako rito

"But if you're busy-"

"It's fine, I'm on my way."

I smirked and sipped on my lemon juice. Maya maya pa ay narinig ko na ang katok sa aking pinto.

Sumilip ako sa peep hole ng pinto at nakitang siya na nga iyon. He's wearing a dark red polo shirt and a khaki pants, tinitingnan niya ang relo habang nag iintay sa akin.

Mabilis kong kinuha ang aking purse at binuksan ang pinto.

Wait, we're wearing the same color of clothes! I blushed when I realized.

"Did you eat lunch?" salubong niya sa akin mukhang hindi napansin ang aming suot.

Umirap ako at naglakad paalis. "Stop asking me like we're friends." I said.

"I'm just asking you casually."

Hindi ko siya pinansin, inintay kong makababa kami ng elevator papuntang parking.

I already ate okay! Hindi niya na kailangan itanong pa. Pero konti lang kasi saan ba naman kami mag uusap, syempre sa restaurant din. So kakain din naman kami don.

Nakita ko agad kung saan nakapark ang sasakyan niya kaya mabilis akong lumapit doon. Narinig kong tumunog iyon kaya lumapit ako para buksan ang pinto ng front seat. Ayoko na pag buksan niya pa ako.

Hindi bumubukas ang pinto kaya iritado na naman akong bumaling sa kanya.

"Why is this not opening?"

"Because it's not your car, Miss." a tall man said.

Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Agad kong sinigurado kung mali nga ba ako. Pero ito yong kotse niya diba?

Hinanap ng mata ko si Ezekiel na nasa kabilang line ng parking, shit!

Nakakahiya!

"I-I'm sorry, oh my gosh. I thought-"

"It's fine, yun ata ang sasakyan ng boyfriend mo." turo niya sa sasakyan ni Ezekiel.

I faked a laugh. "A-Ah oo nga..."

"I'm Franco, by the way."

Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ba iyon but he seems nice so I did. At nakakahiya rin ang ginawa ko sa kanya kanina.

"Matagal pa ba?" singit ni Ezekiel.

Inilabad ko ang aking kamay kay Franco. "Serena." I smiled.

"Galit na ang boyfriend mo." he chuckled. "Mauna na ako." sabi niya at sumakay sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon