Chapter 3

1 0 0
                                    

Market

"Anak, next week we'll go back to Manila. Malapit na ang pasukan and you're still not enrolled." Mommy said.

Babalik na kaagad kami next week? Hindi ko pa halos na enjoy ang bakasyon dito.

"U-Uh, ayos lang naman po kung dito ako mag aaral.." I said hesitantly, unsure of what I just said.

Naningkit ang mata ni mommy.

"Bakit naman gusto mong mag aral dito? Have you met some friends here?"

Umiling ako. Ezekiel hasn't introduced me to his friends yet, ni hindi ko nga rin siya maituring na kaibigan dahil wala pa halos kaming alam sa isa't isa.

Not that I want to know a lot of things about him but, it's just weird. Halos hindi pa kami magkakilala, pangalan pa nga lang ata ang alam ko sa kanya, not even his surname.

Buwan na ang itinatagal namin dito, malapit na nga ang pasukan pero hindi pa rin buo ang loob ko kung dito ba mag aaral o babalik na lang ng Maynila.

I feel bored a fee times but it's fun here. Peaceful masyado rito which I like.

"Ma, bakit po hindi tayo pumupunta sa bayan? Gusto ko pong pumunta don.." I said.

Napalingon si Mama sa akin at nagkatinginan sila ni Manang.

"D-Do you want to go? Ano namang gagawin mo don?" she asked.

I actually just want to visit the place, curious ako. Hindi pa ako nakakapunta roon, buong bakasyon ay andito lang ako sa bahay, araw araw at nasa dalampasigan at nagssketch ng dagat habang lumulubog ang araw. Nakaalis man ng bahay ay isang beses pa lang at noon pang pumunta kina Ezekiel.

"Gusto ko lang pong mamasyal, mamimili na rin ng souvenirs dahil... uuwi na tayo sa Manila." I said without looking at her.

"Wala naman masyadong makikita roon..."

"Mama, gusto ko lang pong makita. What's wrong? I just want to buy pasalubong for my friends." I said.

"Nothing. O-Okay, anak. Mamayang hapon tayo umalis, wala pa ang driver."

A smile immediately formed in my lips, finally makikita ko na ang bayan.

I wore my usual red self tie dress, white sneakers and rattan bag. I put a hairclip on my bangs at went out of my room.

"Mama, sa dalampasigan lang po." paalam ko at mabilis na tumakbo papunta roon.

I stopped when I saw Ezekiel sitting on my bench watching the sea waves. His arms were soread wide open on the chair.

Dahan dahan akong umupo sa tabi habang nakatingin pa rin sa kanya. I smiled when he looked at me.

"Hi." I said.

Ibinaba ko ang bag ko.

Inalis niya ang mga braso at humarap sa akin. "Wala ka kahapon?" he asked.

Nagulat ako sa tanong na iyon. Mabilis akong nag isip ng dahilan kung bakit ako wala kahapon.

"Uh, masama ang pakiramdam ko k-kahapon..." I lied and looked at the sea to avoid his gaze.

"I waited for you here, palagi kasi kitang naaabutan dito." he said, titig na titig pa rin sa akin.

"I'm sorry, masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nagpunta rito."

"Are you fine now? We should exchange numbers , para alam ko kung kailan ka nandito." sabi niya at inilabas ang phone.

Ibig sabihin palagi talaga siya rito? At paano naman kung wala ako, hindi na ba siya pupunta rito?

My eyes quickly drifted on his wallpaper, it was a picture of him and an old guy. The background was here, in this exact place. I'm sure. Bata pa siya roon at mahigpit na nakayakap sa lalaki.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon