Chapter 2

7 0 0
                                    

Garden

Umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang sketches ko. Mabilis akong tumayo at inipit ang sketch pad gamit ang aking bag, tumakbo at pinulot ang mga papel. It was a struggle dahil nakadress ako at nililipad din iyon ng hangin, mabuti na lang at naka-short nsman ako at wala ring tao rito.

"Your short is showing."

Mabilis akong napatayo at lumingon sa kung sino ang nagsalita. Siya na naman?

Nakasuot ako ng white off shoulder top at pulang striped na skirt. Nasa tabi ko ang puting sling bag na may lamang colored pens and pencils.

"What are you doing here?" I said and went back to my seat.

Umupo ako sa bench. I continued sketching the sea.

"You're good at drawing." he whispered and sat beside me.

"Thanks, anong ginagawa mo rito?" ulit ko sa tanong.

Lumingon siya s aakin. "Just... wandering around." he answered.

Kumunot ang noo. Bakit palaging dito kung ganoon? Nagkibit balikat ako at hindi na isinatinig ang nasa isip.

"Saan galing ang upuan dito?" he asked.

I stopped drawing, naabala na niya ako at nawalan na ako ng ganang ituloy pa iyon. Ibinaba ko ang sketch pad at bumaling sa kanya.

Ipinagawa ito ni Mama bago kami dumating dito, she said she wants me to watch the sea. Tama naman at maganda nga, tahimik kaya palagi akong nandito.

"Pinagawa ni mama." I answered.

I saw how his curious eyes drifted to me. "Ang ganda, mukhang mahal ang ginamit na kahoy dito. Narra?" sabi niya at tumingin sa upuan.

His fingers flew on my engraved name on the chair and caressed it.

Serena Davina O. Fabella

What, are we going to talk about the chair now? Inistorbo niya ako para rito?

Hindi ako sumagot.

"Hindi mo naman kailangan ng matibay na upuan, ang gaan mo lang tingnan." he chuckled.

"Malamang matibay ang ipinagawa. Bibili na nga lang din at babayad ay iyon pa bang marupok ang kukunin?"

He chuckled.

"I didn't say that, iyon nga lang at hindi mo naman kailangan ng ganitong kabigat na upuan because you're too skinny."

"Hindi lang naman ako ang uupo dyan, minsan may mga bumibisita ring mga tao rito. Mayroon pa ngang palaging pagala gala rito sa dalampasigan." I said pertaining to him.

He chuckled again. "Right,"

"Anong ginagawa mo rito? Bakit palagi kang nandito?" I asked.

"I said I'm just wandering around, malapit lang ang amin kaya-"

Mabilis akong pumihit paharap sa kanya. "Saan ba ang sa inyo?" sabi ko bago nilikom ang mga gamit.

I wanted to see his house.

"Medyo malayo rito..."

"Gusto ko ngang puntahan." desidido kong sabi.

Matagal siya bago nakasagot. This boy has many secrets, I know that.

"Dadalhin kita roon kapag wala na sina papa. Maraming bisita ngayon sa amin." sabi niya.

"Talaga? Anong meron? May salu salo sa inyo?" I asked curiously.

He looked at the sea. "No, palagi lang talagang maraming bumibisita roon."

Naningkit ang mga mata ko nang may maalala.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon