Chapter 1

2 0 0
                                    

Simula

The rain poured so hard. Basang basa kaming dalawa ngayon. Walang kahit na anong silong sa pinagkitaan naming dalawa kaya heto at parehas kaming naliligo ngayon sa ulan.

"Let's end this." he said. "I feel that we know it but no one's admitting. Alam nating hindi mag wowork ang relasyon natin. Natatakot lang tayong sabihin iyon sa isa't isa,"

Mabilis na nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko maiproseso ang mga iyon kaagad at hindi lang emotionally iyon masakit, naramdaman kong kumirot ang pyso ko sa mga salitang binitiwan niya.

"You... don't even want to try?" nabasag ang boses ko.

Naririnig ko ang malakas na alon ng dagat at ang maingay na tunog ng ulan na bumabagsak sa tubig.

He looked at me mercilessly. "No. Ayoko nang sumugal sa hindi sigurado,"

"And no, I don't want to try dahil ginamit lang naman kita."

Ginamit lang naman kita...

The words echoed on my mind. Those words coming from everone here which I never believed, but when it came from him...

Pumihit siya patalikod sa akin. "I'll see you again, Serena." then walked away.

Naiwan akong nakatayo at tulala. I can't even process everything that happened. That's it? Ganon ganon lang ay tapos na kami, wow.

I picked my purse and ran towards our house. I opened the car. Sa loob ako umiyak nang umiyak, hinampas hampas ko ang manibela ng sasakyan. Gusto kong basagin ang salamin sa sakit na nararamdaman ko.

I don't want to get mad but everything just does not make sense. Nakipaghiwalay siya sa akin dahil ayaw niyang magcommit sa hindi sigurado? Hindi ba siya sigurado sakin?

Paano niya nagawang makipaghiwalay sa akin!

Pero sigurado na ako sa kanya! Fucking hell, sumugal ako para sa kanya. Pinatagal ko pa ang pag uwi sa Manila para makasama siya, para bigyan siya ng assurance.

I even insisted to study here, kahit na alam kong mahirap. Alam kong mangangapa ako sa lahat, lalong lalo na sa pakikipagkaibigan dito.

"How dare he break up with me."

Isang hampas pa sa manibela at kumalma na ako. I wiped my tears and looked at the mirror. I look so ugly and miserable, fuck you, Ezekiel for doing this and making me feel this way.

Kumuha ako ng wet wipes sa aking purse at binura ko ang makeup ko bago nagtali ng buhok. I retouched my makeup dahil hindi ako pwedeng umuwi nang ganito. Nasa likod ng sasakyan ang dalawang maletang dala, puno ng mga damit at gamit.

I added more blush and mascara to define my eyes

Binuksan ko ang maleta at kumuha ng tuwalya roon. I wrapped the towel around my shivering body and walked inside our house. Sobrang lamig dahil sobrang basa ang buo kong katawan.

Wala nang masyadong gamit sa bahay ngayon, it was cold and lonely.

Nang matuyo ay mabilis akong nagpalit ng damit bago bumalik sa sasakyan. I stepped on the gas at mabilis na pinaandar ang kotse. I will forget you and this province. I will embrace the city once again and forever.

I hate this place.

Madulas ang daan kaya maingat ako sa pagmamaneho. The dark skies and the place is scary, sobrang lakas ng ulan at sobrang dilim kaya wala halos akong makita. Maliit na parte lang ang natatamaan ng ilaw kaya mabagal akong nagdrive.

Huminga ako nang malalim at bumaba sa sasakyan. Kinuha ko ang maleta sa likod ng sasakyan at ibinaba iyon.

"Anak! Oh my goodness!" salubong ni Mommy. "I missed you. How are you?" she hugged me tight.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon