Chapter 4

2 0 0
                                    

Friends

"Good morning, ma." I smiled at her.

Nakakunot ang noo niyang bumaling sa akin. Mama looks anxious but still tried to smile at me. Maraming papel ang nakakalat ngayon sa lamesa, walang nakahain na pagkain at magulo ang mga gamit doon.

What's happening?

"Ano po 'yan?" lumapit ako at tumabi sa kanya.

Mabilis niyang nilikom ang mga papel at humarap sa akin. "Wala anak, just some paperworks..." she said.

I know something's up. Ayoko lang muna iyong usisain lalo na dahil mukhang stressed na si Mommy ngayon.

I fried eggs and bacon at inilagay ang tinapay sa oven. Alas otso na at ngayon pa lang kami kakain ng breakfast, hindi nakapagluto si Mama dahil busy sa mga papeles. Si Manang naman ay maagang umalis dahil ipinatawag na naman daw sa mansyon nina Ezekiel.

Inilapag ko ang plato ng niluto. "Let's eat, mommy." I said while mixing her coffee.

"Salamat, anak. I'm sorry, I'm just busy."

"Ano po ba 'yan?" sabi ko at nilingon ang mga papel.

Matagal siya bago nakasagot, she's just looking at me.

"Gusto ng papa mo ng full custody sayo..." she said.

What? Ang tagal na nilang nagpa-annull, bakit ngayon lang ang request na 'to?

"Syempre hindi ako papayag, ang gagong iyon! Gusto lang makuha ang kompanya dahil alam na ikaw ang magmamana."

What the hell dad, hindi pa ba sapat sa kanya na may magandang trabaho na siya sa ibang bansa? And we're also in good terms, hindi man nagkakasama dahil nasa ibang bansa siya ay nakakapag usap naman through chats.

"I will go back to Manila later, aasikasuhin ko ang gulong pinaggagawa ng magaling mong ama. That bastard, wala na ngang ambag sa mundo at manggugulo pa." she said and sipped her coffee.

Our family owns a jewelry company in Manila. My grandmother was the one who actually buillt it. And when I said I knew things about jewelries, dahil iyon doon.

Pumupunta kami sa mga warehouse kung saan ginagawa ang mga alahas, inaaral ko ang proseso at tinuturuan din ako roon.

And if it's true that my dad only wants full custody of me, dahil sa kompanya, hindi rin naman ako papayag. I also know my mom will never give me up. Not for my dad, not for anything.

"Maiiwan ang guard mo rito anak, wait for Manang Cynthia too. Mag iingat kayo rito." Mama said and kissed my cheek.

Naiwan akong kasama ang guard, ang tagal ding bumalik ni Manang. Pahapon na ay wala pa siya.

Hindi rin ako nagpunta sa dalampasigan. I don't want to see Ezekiel there, hindi pa humuhupa ang inis ko sa kanya at sa mga tao rito.

Pumasok ako sa kwarto at buong araw na natulog. Gabi na nang magising ako, Manang Cynthia is cooking our food already.

"Hija, hindi ka nagpunta sa dagat kanina?" she asked.

Umiling ako. "Hindi po, wala akong gana." I said.

"Pasensya ka na sa nangyari kahapon sa bayan, kaytagal na ay hindi pa rin tanggap ng mga tao ang nangyari noon." umiling iling siya.

"Ano po bang nangyari noon?"

Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "Hindi ko iyan istorya para ako ang mag kwento. Baka kung handa na ang mama mo ay siya ang magsabi sa iyo."

Nag iwas ako ng tingin ang kumain na lamang. Hindi maalis sa isip ko ang galit ng mga tao sa amin, there are things that happened in the past but why won't they move on?

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon