Chapter 11

1 0 0
                                    

Pageant

"Sinong nakakita sakin?" I asked him. "Ikaw ba?"

Tumango siya. "You were lying on the ground, your blood is everywhere... sira ang phone mo at kalat kalat ang gamit." he answered.

Kumunot ang noo ko. "How did you... A-Akala ko umuwi ka na pagkatapos natin sa library?"

Umiling siya at tumingin sa akin gamit ang namumungay na mata. "Iniintay ko sa labas ng school ang sasakyan niyo. Your driver and body guard never came, so I went back inside and looked for you. Wala ka na sa tapat ng canteen kaya nilibot ko ang school." he sighed. "I'm sorry, kung mas maagap ako baka hindi nangyari 'to."

Umiling ako.

"Why did they do that to you?"

I saw his body tremble so I reached for his hand and put it in my stomach. Nanginginig siya sa galit.

"I-It's because of you." sinabi ko na kahit nagdadalawang isip. "But please don't blame yourself, it isn't your fault." agap ko.

Taka siyang tumingin sa akin. Baka hindi niya alam na gusto siya ni Kiana, o baka hindi niya alam na kaya iyong gawin ni Kiana.

I smiled weakly. "Kiana... She likes you so much, nagalit siya nang makitang magkasama at magkaibigan tayo. Mas lalong nagalit nang makitang magkasama tayo sa shop." I chuckled to lighten the mood. How can I even do this? Medyo kumirot pa ang madakit na parte dahil doon. "Baka akala ay nagdidate tayo."

Mainit at mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. "I'm sorry, I promise I'll be with you all the time." he whispered and kissed my forehead.

"It doesn't really matter, hindi naman kailangan palagi kang-"

"It matters. I want to make sure you're always safe. I told you, you're safe as long as you're with me."

I smiled. I know, and I feel safe too whenever he's around me.

Nakatayo ang canvas sa buhangin habang pinipinturahan ko iyon. Light pink and dark purple for the skies, pitch black for the birds and the trees.

Buwan na ang lumipas pagkatapos ng nangyaring iyon. Hindi ko na rin nakita sina Kiana at ang mga kaibigan niya sa school. Ang sabi ay pinatanggal na talaga sa school, dahil sa kahihiyan ito sa paaralan at sa hindi katanggap tanggap na ginawa nila.

Their families were never seen again in Samal. Baka umalis na dahil sa lala ng nangyari.

It is indeed too much, hindi na bullying iyon. May nangyaring violence at harassment kaya mataas talaga ang parusa.

Mommy got so furious and mad, gustong ipakulong ang tatlo ngunit pinigilan ko na lang. It would be a long and complicated process, taliwas sa gusto kong mangyari. Gusto kong makalimutan na lang ang nangyaring iyon. It was traumatic dahil sa sakit at takot na ibinigay nila sa akin.

I want Kiana to be in jail too but I was just too scared.

"She's eighteen now, pupwedeng makulong ang batang iyon hindi ba, Attorney?" si Mommy.

Tumango ang lawyer. "Yes, Isabel. Kung gugustuhin niyo ay pwedeng pwedeng kasuhan." he looked at me.

Nag iwas ako ng tingin at lumabas ng bahay. Ayokong pag usapan iyon, ayoko nang dumagdag pa iyon sa mga iniisip ni Mommy.

Masyadong unfortunate ang mga nangyayari samin dito sa probinsya, lalo na sa akin. Baka hindi talaga ako para rito? Maybe I fit in Manila, na ipinipilit ko lang talaga ang sarili ko rito. Wala namang may gustong nandito ako kaya ito nangyayari sa akin.

"Oh, magaling na ang sugat mo?"

I smiled. "Oo, gusto mo ba?" inabot ko ang juice.

Kinuha ni Kiefer iyon at ininom. "Balita ko umalis daw ng Samal sina Kiana. Yung dalawa wala akong balita. Nakakahiya si Kiana para sa pamilya niya." umiling siya.

Ocean and the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon